
.......................................
.......................................
SUMAN! SUMAN!
ito ang kadalasan maririnig ko sa classroom, sa natatandaan ko ito
madalas isigaw sa klase during break or kung makapal ang mukha
mo na kahit nasa harapan ang titser..e isisigaw mo ito. Isa kasi itong
panunukso sa isa naming kaklase. hindi tukso dahil mayroon syang
kapintasan sa mukha niya o sa ugali niya. Hindi naman kasi katulad
namin siya ng hilatsa ng pagmumukha. He is considered as one of
the hearthrob o matinik sa chiks noong time na yun. ( Walanghya!
mahal dapat ang bayad dito sa adjective na ginamit ko! )
Si Patrick kasi ang matangkad, may hitsura at kung ano pa ang madescribe
mo kung makita mo sha. Kung isa ka sa madalas na nakakapanuod
ng mga movie na ang concept or theme ay regarding sa schools,
teen-life, youth, etc. basta sa loob ng campus ang scenario. Si Patrick
ay mahahalintulad mo sa mga karakter duon na sporty, matatangkad na
tipong popular sa skul. Na as usual gaya ng movie may partner din sha
na we can consider din na popular din gaya nya. Which is fortunately
kabarkada ko. Si Arapaima...( hahaha )
Anyway, my point is that Patrick was teased by our classmates and
some students sa higher batch..because of his tight pants.. kala mu
naka cycling shorts na fitted.. hapit na hapit.. and almost greenish look
ang color ng pants nya. He always wear that pants during our first year
of high school. i think. And then he got intimidated and bought a new
pants. it was branded. Even he bought a new one he didn't get rid off the
alias he had already. Until now the words are often remembered and laugh
at. nakadikit na sa utak namin.
The fact is, i thought of this story because im cravig for suman.
( hindi sha ha! ) pagkain ito. Not the suman which we can buy from the
marketplace or just around the corner of our neighborhood selling some
coffee and egg in the morning with tabloid newspaper on their stands. What
i do crave for is the "Suman-Bisaya". I really dont have any idea what are the
exact term they use to call this in the province of Leyte. The hometown of
my mom. But this was the most delicious suman i have eaten compared
sa suman na mabibili lang kung saan saan dito sa manila. ang pait pa kung
minsan walang lasa. Kinaibahan kasi nitong "Suman-Bisaya" meron itong
'nutrition-facts' na naka print na sa nakapulupot na dahon nito. just kidding.
Meron kasi itong halong "LUYA" bukod sa masarap na kaning-malagkit.
Kung sa iba isinasawsaw pa nila ito sa asukal para magkaroon ng manamis
namis na lasa. it's really mouth-watering pag pinagmasdan pa lang. Sa akin iba,
ayaw ko ng asukal lalo na kung white-sugar. Wala akong ipinagsasawsawan.
ipinapartner ko lang ito sa mainit na mainit, mausok-usok na "HOT CHOCOLATE".
Napadadalhan kasi kami before ng mga tita namin from their province.
( Baybay,Leyte ) Kasama din ang ilang mga kakanin, gaya ng biko, puto,
muron (parang ito yung chocolate flavor ng suman), sapin-sapin, at iba pa.
Di lang naman kasi ako nakatikim neto galing sa Baybay, kahit sa bahay
ng kaklase ko. si chel. pinakain nya din ako neto dahil si tita (mom niya)
ay gumagawa din pala nito. at syempre sarap na sarap ako dahil sa home-made
nandun din ang lasa ng 'luya'.
Well'i hope pagbisita ko uli sa bahay nila makatikim ako uli
( gaya ng request ku dati ) at sasamahan pa ng masarap ng hot-chocolate!
Saaaarrraaap!
malagkit sa isip na di kakalimutang isa-isip. astig.