mark david's posts with tag: inspirasyon

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag inspirasyon
Posted by mark david on Jan 13, '08 12:52 AM for everyone
..............................................
..............................................


Missin you. Thinkin right now and wondering how are you.

Naisipang magsulat sa papel at tumayo saglit para tumingin
sa stack ng mga cds ko. Napili ang isang ispesyal na
compilation of music and songs na bigay sa akin.
All of the songs are wonderful. I really dont know the exact
letters to put it into a words to describe or to explain what
i really do think and imagine but the first thing came up was.....

HER.

Di ko ito usually trip na music but she influences me to listen for
it and sabi niya basahin mu din ang lyrics. Pinakikiggan ku ito
ng mabuti dahil sa lyrics din daw siya nakakapili ng mga type
nyang songs. May mga part kasi dun na na-a-apply niya sa mga
kasalukuyang emotions niya daw. Sa part ko naman kasi sa beat
ng music or sa mga instrument aku unang naattract then sunud na
sa lyrics. Pero this one i dont know how it moves me but i do really
only think when i listen to this type of sounds or music is

HER.

imagining on how she'll react from all of the songs... haay...
now im melting. very passionate to music.


There are lots of chances to see other girls and it's very easy to have
girlfriends if i wish to, and will do the common practice or way in
courting a girl and instantly get married then.
But for some reason i did'nt. its not my way.

My friends ( highschool friends ) always asked me that why not get
a girl?? They continue questioning and asking those things repeatedly.
i think all the "whys" they know has been asked but i explain that
im not like them.. im different..from what they expect me to do.

Yes, i do appreciate other girls but someone came along and made
realized to understand that God had kept me away from all those girls
because whenever someone approaches, somehow i feel not interested
to them even if they look attractive ( sabi nila attractive daw )
that reason is

HER.

Sabi ng friend ko " alam mo gustu sana kitang ihanap ng partner eh..
kaso i know what you like... Prim and Proper na girl.
You are really something! "  only a smile is my reply.

And not a day passes that i don't thank HIM for giving me the most
wonderful, the most beautiful girl i've ever met ( just a short distance a way )

very inspiring person.

Even i do have the character or crack some hillarious stories to
my friends but whenever she passes by.. i cant move myself.

speechless. mute.

Can't look straight to her. Not even to greet her. ( ibang klase! )
Natata meme ako eh. But i do really respect her for what she's doin...
specially sa tungkulin niya. Seeing her kahit once in a blue moon
sobrang saya na ng araw at puso ko nun! To see her smile i think is
more than enough for me.

Now as the music stop. Still i can see HER in my mind... on how she
humble herself through her actions. The meekness in her.
The smiles... the one strucks me deep.

Yup, they all right about the type of girl i like...

Having the fear of God.

Well i guess sooner or later ill be seeing those smiles again.

and again.

and again.

i hope.


n_n


...................................................
...................................................


Posted by mark david on Jan 13, '08 12:50 AM for everyone
...............................................
...............................................

held your hand
with no words to utter.
staring on your face
as it seems amazed
then my heart pounds
genuine warmth enveloped
my being

pulse
it was quick
our place is full of silence
environment with no speech
at all

we could only hear
our breath
and our heart
singing.

sound only moves us
then embracing you
to listen
the rhythms of my body
into a song
saying


be mine.


.............................................
.............................................


Posted by mark david on Jan 13, '08 12:49 AM for everyone
........................................
........................................

Madali ako mawalan ng good mood pero madali ku lang din naibabalik ang mood na nawala. i dont eve think na i'm such a moody person kasi nararanasan ko lang ito whenever i illustrate or paint. There are lots of chances that im not satisfied with my artwork. i pause long enough and then i comletely abandoned the unfinishe work. nauuwi sa basurahan na. maybe because of my hand that easily get tired at minsan na over fatigue or dahil di ko trip ang ilang mga konsepto na nagagawa ko.

observing my system and flow of my work...now i realized how to get re-energize instantly. May mga times na bigla na lang mawawala ang bad-mood ko.. kung dati rati i need to go sa "new-stage" or some other places to unwind myself pero ngayon kahit di na ko tumayo, magagawa nang ganahan muli. iisipin na lang. kailangan ko ding kasing matutunan to persuade myself.

at dahil refueling ito naiisip ko kung anu ano bang makaka boost agad ng mood ko or make me re-energize. And that process is by remembering it or thinking of it. at ito ito yun...:

syempre sisimulan ko sa pinaka least then papunta sa special.

1. HOT DRINKS | INSTANT NOODLES.

hehe shempre di ito iniisip ko pero ito ang unang hahanapin ko partner ng pagiisip ko. Seriously, nakakabawas sa akin to ng pressure...konting higop ng mainit magiging serious na uli ako sa pagiisip ko, habang tinitignan ko ang usok sa mainit na sabaw at inumin. "haaaaah..." ito nagpapainit ng sikmura ko kumbaga sa makin makina para umandar at tumakbo kailangan magfunction ng utak.

2. FUN PEOPLE | INTERESTING PEOPLE.

eto yung mga napapanuod ko sa ilang mga movie at mga palabas sa tv. Gusto ko kasi nag oobserve ng character.. sometimes
i do mimicry, trying to imitate those person's character for fun at yun ang isa sa nag ti-trigger ng creativity. Imagining myself wearing their shoes and feel what kind of lifestyle they have..after that, marami na ko matututunan don. May mag tao kasing unique ang lifestyle. Mapa celebrity or political person. Kasama ang mga yan sa iniisip kong pinagpipilian ng pag aaral sa characteristic ila. From their mannerisms to physical appearances. Lahat yan pinapansin ko. Nakikita din kasi dun ang ugali nila eh. Sila rin ang pinagmumulan g ilang concepts sa mga artwork ko.

3. CREATIVE AND TALENTED PEOPLE

dito naman mag start ang mga inspiration. Papasok dito ang music and arts including other forms of it. Sa music kasi maraming talented sa pag create and formulate ng mga sounds and beats. From classical to hardcore music pinakikinggan ko. ibat ibang  musician and bands na may mga kakaibang himig at tugtog. Kaya kapag napapakinggan ko ...dun ko naman nasasabay ang emotions ko. Sa classical nag papa kalma ng environment ko kapag may mga taong sadyang wla sa hulog. Tipong gustu kang awayin at sirain ang mood mu..pero dahil sa music na pinakikinggan makakalma ka. Sa rock music naman dito naman patatakbuhin ang creativity mo. Sa music na to ang mga tugtugan kadalasang sumisigaw, na ito rin para sa akin nagpapasigaw ng mind ko para mag isip. Parang pinipiga niya ang creativity mo. At shempre sa ibang type naman ng music nag iiba ang approach kaya depende din kung ano ang ma-tripan.

kasama na din sa nag papa energize ay ang makakita ng mga artworks din. Kaya mahilig din ako mag collect ng mga art magazines na may laman ng different forms of artstyles and with the talented artists din. painters and illustrators. i also bought children's books, sa loob it has a unique styles of illustrations. HATAAW! and lots of good stories din ( hehe trip ko kasi mga soryang pambata ) Sinasabi nga na ang mga bata ang pangunahing creative. They always experiment and curious from everything that is around them. ( kaya yan tuloy... nakakakaen ng tae eh! )

4. FRIENDS

may dalawang klase akong mga kaibigan. Mga kaibigan ko nung (1) maliit pa ko hanggang sa highscool ganun din sa college at (2) ang mga kaibigan ku sa church. Sila naman iniisip ko kung meron akong particular na situation na gutu kong matuwa. Mga kakulitan ko kasi sila. Sila yung mag share syo gmmga magagandang experiences sa life. Maaalala mo kasi ang support nila syo na tipong nag cheer for you to continue what you're doin. Sila yung you can to about principles, concepts, ideas etc. ( malawak ) Those energizes me!

5. SPECIAL SOMEONE

This wont really cheer you up literally but there is a wonderful things happen when it think of this particular person. It really inspires you. We i see this person coming...i automatically know that she's going to lift your day up. i cant really put it to details..its like an unexplainable thing. hindi ma i-letra. Ngiti pa lang kasi ng mga labi nakakagaan sa pakiramdam sasamahan pa ng mga ngiti ng mga mata. hwoh! life!

ito naman kasi nakaka pag push lalo ng creativity mo. kung kanina parang pinipiga..ito di lang yun ang nagagawa e. basta di ko ma i-letra o masabi man.

6. FAMILY

ang healthy onnections with close relatives also requires a great deal of energy. ito dapat ma-maintain. Sila ang mlapit na kauna unahang mag encourage sayo kasi isang batok lang babalik kana sa realidad mula sa kakaisip ke special someone! HAHAHA
kakaiba ang energy ang nabibigay ng mga magulang. Physically, metally and emotionally pniguradong aalagaan ka para makapag isip ng tama.

and lastly, ang pinaka aalaga sa lahat....

7. GOD

Ito nagbibigay sa lahat kaya ang anim sa itaas ay sa kanya galing. Di mo makukuha ang energy na kailangan mo kung wala siya. At dahil siya ang pinaka special siya din ang nagbibigay ng mga taong very inpirational ang mga taong kinakasangkapan niya na magturo sa amin ng tamang pagiisip na alam natin na sa Kanya din nagmumula ang pagtuturo. Sila ay bigay ng Dios para ipaunawa ang Kanyang mga Salita.

We need regular refueling, kilangan natin ng taong who can stimulate our thinking, makes us laugh and inspires.

Now the refueling is done

Thanks be to God!

..................................................
..................................................


Posted by mark david on Dec 11, '07 3:44 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
...............................................
...............................................



ang buong story ay mababasa sa bawat images... nasa loob
ang nakakaaliw na story ni Russell Molina.. isang kaibigan
na nagkainteres sa ilang mga guhit ko na trip ko din ang pag
gawa ng mga story niya. isa siyang malikhain at magaling.
Dahil sa galing niya nakatanggap na din siya ng maraming
parangal. isa siya sa mga manunulat sa Adarna Publshing.
Siya din ang gumawa ng storyang "Madyik silya ni titoy"


basahin nyu ang buong sulat sa bawat click mo sa images...

enjoy..

........................................
........................................

eto nga pala ung inemail niya sa akin. at natuwa ako at
nainspire sa pag encourage pa niya.

.......................

Hi Mark,

Here is one of the stories I was telling you about.
This is actually one of my earlier works. First
published in Junior Inquirer and was accompanied by an
illustration by May Tobias Papa. The story also won a
Salangga Writer's prize. Would love to upload the
story with your illustration. I will also attach a
link to your multiply if it's ok with you. Will also
wait for your portfolio. We need young blood in the
industry kaya dapat tuloy tuloy lang ng paglikha --
mapublish man o hindi, maisalibro man o hindi, wag
titigil sa malikhaing pagiisip.

Again thanks for showing interest and paglaruan mo na
lang ang kwento. Whatever you dish out is fine. Just
email me back jpegs of your masterpiece. Enjoy!

.....................

Maraming maraming salamat Mr. Russell Molina.

hehe sa uulitin po!


........................................
........................................


Posted by mark david on Dec 8, '07 3:08 PM for everyone
........................................
........................................


11-24-07


Mainit. Luma. Old school. Maaraw.

Ito ang ilan sa mga mai dedescribe ko sa pag time travel ko, ang
makalumang panahong puno ng aksyon, ibat ibang experience at
higit sa lahat ang mga bawat masasayang alaalang napuntahan ko
sa aking paglalakbay kasama si Papa. Mga alaala niya na parehas
kami tuwang tuwa at masaya. Ito ang isa sa pinaka masaya sa buhay
ko ang makinig ng mga storya ng buhay at ang mga pinaka paborito
kong pakinggan ay ang mga storya ni papa ko. Mga kwentong tila
isang pelikulang pinapanood ko habang nakangiti nyang isinasalaysay
ang mga exciting na pangyayari.

Tara. Sama ka sa pag time travel ko uli.


Mark! Mark! Mark!

di ito yung kahol o tahol ng aso na ngongo ha... kundi ang pasigaw
na summon ni papa sa akin.

" 'lika... paki pindot mu nga saglit itong mga kamay ko. masakit eh.
" ito ang madalas na lambing ni papa sa akin sa tuwing naka ready na
syang mahiga at matulog sa kwarto nila ni mama ko. Sa tuwing pagod
siya kitang kita ko ang kumukuot na noo niya at magbabanggit ng mga
ilang daing niya sa katawan niya. Matanda na din kasi si papa.

Ang gabing ito ay muli kong nakita ang kanyang mga tawa na gaya
nang panaon na kakwentuhan niya kami ng mga pagkasiga niya noon
sa skul at sa lugar nila. hehe which is i like the most from all of his story..
para kasi syang pelikula pag naikukuwantu niya with matching sound
effects pa! Kahit nung maliit pa ko gustong gusto kong makinig ng mga
kwento niya. Mga kuwento noong bata pa siya.

unti-unti nang nawawala ang pagod niya sa pag lambing ko naman sa
kanya na magkwento pa habang sinasabayan ko ng mga hilot sa braso
at kamay niya. Natutuwa kasi ako kapag nakukuwento niya ang lahat
ng mga pinag gagagawa niya nung maliit pa siya. Mula sa pangongolekta
niya ng mga bagay bagay, sa mga kakaibang experience niya, sa
pagiging iba niya sa lahat niyang mga kapatid hanggang sa kung papaano
siya kinatuwaan ni ama ( lola ) at angkong ( lolo ). Di ko pa nakita kahit
minsan si nagkong.. sa picture nga lang ata eh. Maaga kasi namayapa
si angkong di pa ako pinapanganak ata nun eh at si lola ko kasalukuyang
nagpapagaling sa ospital dahil sa heart failure.. na stroke kasi siya.

Isang dahilan din kaya hinayaan ko magkwento si papa kasi ayaw ko
siyang makitang balisa o depress sa kasalukuyang kalagayan ni lola ko ngayon.

Kaya nagsimula ang kwento niya sa amin. Kung papaano niya kaming
pinalaki na masasaya. Naalala kasi niya kung paano kaming apat ay nag
aagawan na mag pabuhat sa isang mataas na shower faucet namin sa
banyo at isa isa niya kaming binubuhat at itatapat sa shower na pinupuno
o sinasalok ang tubig sa tiyan namin.  Dahil isa lang si papa at marami
kami, mahina ang kalaban sa aming apat kaya lahat kami nag aagawan
sa kanya na mabuhat at iatapat sa shower na nagpapalunod kami sa lakas
ng pressure na nailalabas nito.

" Ako Namaaan! "

At dito na niya naalala ang buhay bata niya. Nagsimula na siyang ikuwento
ang ilang bahagi ng makulay niyang pagka bata.

"Grade 1 pa ata ako neto." sabi niya. Eto na rin ang simula ng time travel
naming dalawa sa loob ng buhay niya. Ang karaniwang kinahihiligan noon
ni papa ko ay ang manuod ng Sine. Dito nga daw niya ata nakuha ang
pagiging creative niya. Mala action-star siya nug bata pa siya. Ala detective
din kung minsan dahil sa dami ng collection niya. Mga collection na mga
baril. Mga bakal. Pero laruan lang lahat ng iyon syempre.

Ang pagiging unique ni papa noon sa lahat niyang mga kapatid ay
ang pagiging craetive. Gumagawa siya ng mga secret hide-out and
storage para sa kanyang mga baril-barilan. Ang bintanang taguan na
sa likod ng bintana ay nandoon lahat ng ibat ibang klase ng mga baril
ni papa na regalo pa daw sa kanya ni angkong. nandon din ang improvise
Latigo niya! wapak! Sa mga drawers na detachables na isa itong taguan
naman iya ng mga collectible cards niya at iba pang mga nakokolekta
niya. At mayroon din siayng nagawang secret passage way para gawing
taguan ng sarili niya o takasan niya sa tuwing patutulugin na siya sa
hapon ni lola.

" Sa akin niyo ata naman ang pagtakas niyo pag pinatutulog kayo
ni mama niyo eh! " natatawang sabi niya.

Nagtawanan kami pareho. Habang ang likod na niya ang hinahagod
ko ng pagmamasahe sa kaniya.

Naikwento din niya ang pagkukupit daw niya noon ng mga barya sa
sinaunang kahera nila sa tindahan nila angkong. Pababa sa tindahan
na di pinansin ang sobrang dilim ng paligid at naisantabi ang takot dahil
sa dalang flashlight papunta sa kahera. sinu-si-an. Lumabas ang mga
kwarta! JACKPOT si papa! haha.

" Sa akin mo naman namana ata yung pangungupit mu din nung maliit
ka pa. ha-ha-ha "

Nagtawanan kaming sabay at napa yukong nahihiya sa kalokohan ko noon.
Maya maya pa ay nakatulog na si papa. Marahil sa ibang araw muli
kaming magkukuwentuhan.

Ang gaan sa pakiramdam kahit puno ng problema sa ngayon pero awa
ng Dios nakangiti pa rin kami. At isang masarap na pagmasdan ang
matulog si papa ng mahimbing na may ngit sa kanyang labi.

Panandaliang ngiti, Suliraning pinapawing muli.

....................................
....................................

Posted by mark david on Dec 8, '07 2:59 PM for everyone
.......................................
.......................................

Sa buhay mo minsan nakaramdam ka ng isang masasabi nating
masarap kasama, kakuwentuhan at kumbaga eh masarap kasandalan.
Ito ang rare quality ng isang kaibigan na tunay, na mahahanap mo sa
paglakad ng buhay mo. May mga times na you will also test them if they
will stay too long for you. To prove their loyalty, it is necessary to test
them through experience how will they treasure you or the other way around.
Check if they will share, can sacrifice and respect and concern for you.
Lots of things to prove. Lots of friend to put in a test. including myself.

Nung kinder, nagkaron ako ng mga kaibigan na tingin ko aabot sa
pamantayang nasabi ko kanina ( but in a perspective of a child ) Pero
pinaghiwalay din ang pagkakaibigan niyo ng panahaong di mo inaasahan
na kailangan na pala niyang mag transfer to another school. ( Nakalimutan
ko na name niya ) Dahil sa pagalis niya panibagong pakikisama naman
ang ginawa ko sa taong nasa paligid ko. Nagiisa na lang ako. Mapili ako
sa kaibigan. Hindi ako kikibo hanggat di malapit loob ko sa taong yun or
di ako mapapangiti sa kanya.

Di ba ikaw si mark? sabi ng klasmeyt ko.

.....?

Laro tayo Barbie doll.

...... ( nag walk-out na ko )

Pero that time since puro laro lang din ang nasa isip ko nagkaron din
ako ng mga kalaro ( hindi kaibigan.. ang bata bata pa kasi nila, magulang
na sa larong "touching ball" at "mataya-taya". balagoong ako. ) Kaso
napagkakasama ko naman mga bully. nahawa ako ( instantly ) syempre.
At dumating na nga yung time na ala-mobster na ang dating namin at ako
ang tila ang kanilang "DON" ( from the movie concept of the godfather )
Madalas kami nang bu-bully ng kapwa namin bata sa loob ng classroom
namin. Pero ang grupo ko mabibilang mo lang din sa daliri. Kung anong
konti namin eh siyang marami namang mga batang na bully namin. Di naman
kasi kami kasing brutal ng mga bata ngayon. Mabait pa nga kung tutuusin
kung ihalintulad sa panahon ng mga batang pasaway sa ngayon. At madalas
din kami mapagalitan ( at paluin ) ng syen-si ( teacher ) namin. Ang mga
syen-si kasi namin akala mo mga swordsmen ng samurai X na mala
hidden-mitsurugi-style kung pumalo. makikita mo na nga halos ata yung
hiwa ng hangin na gumuguhit habang dadapo na sa iyong palad o puwet
ang napaka habang stick ng bamboo niya.
Luckily..di naman nahihiwa ang mga kamay namin at puwet. 
Nagmistulang RED-light ng isang stoplight na lumiliwanag sa pula.
Tumitibok ang mga muscles mo sa maga ng pagkakapalo. ARAAAYKOO!

Tumino ako pag apak ko sa grade school. Madalas ma excuse sa
mga assignments at quizzes sa pad-paper na papagawa ng teacher.
Ako kasi taga gawa ng visual aide nila at bubulaklakin ng pagsuyo ang
tenga mo na ipapasa ka nila. Wala akong magawa kundi pumayag. 
Yes! wala akong assignments!

Nagkaroon ako uli ng mga kalaro ( this time dahil madalas silang mag
padrawing sakin ng parts of a cell. At ng gumamela flower, cotyledon and
non-cotyledon, pati mukha ng crush nila. Ang sya nyu din eh noh?! Dahilan
na din siguro na masyado akong mabait sa kanila ( lalo na kung crush mo
na ang makikisuyo, tatanggi ka pa ba? ) Nang umabot na kami sa pagiging
grade 4 student, duon na nag start ako magsimula mag seryoso sa pag aaral.
Nakipag-compete sa mga kaklase kong tila nakadikit na ang mga pangalan
nila sa top 3. Matagal din na sunugan ng kilay ang nangyari non.. matinding
pag upgrade ng utak. ( buti na lang isa sa top 3 ang nag pa inspire sa akin
nun. hehe ) Natutuo akong magseryoso sa studies hindi dahil para magpasikat
sa kanya.

The fact is, nakakatulong din kasi if she is around. Napag aaralan mo kasi
ang lifestyle niya. Inaalam mo ang lahat ng favorites niya, from color to her
fave subject na pagaralan. At kailangan mong mag basa ng mga autograph
notebook ng mga classmates mo para matuklasan lang lahat ng likes and
dislikes niya. ( kindat ) naging metikuloso ako sa bawat kilos at pagaaral
niya.. Kaya duon din nagsimula na magaral ng matino dahil sa kanya.

Daming Benefits!

Kaya kahit  di mo hilig ang isang bagay mahihiligan mu din kasi dahil sa
kanya. Ayun! Naabot ku din ang isa sa top 3 ( kung alin doon ay wag mo
nang itanong at siguradong hindi ko inabot ang top 1 ) Hidi ko naging ka
close ang taong nag pa inspire sa akin nun pero sa loob loob ko itinuring
kong kaibigan sa tulong na ginawa niya na wala siyang kamalay malay.

Sa pag apak ko naman ng highschool ang napagkakasama ko naman ay
mga weird, not totally na weird in a sense na they're nerd and geek or something.
This year kasi dito ako nasisimulang humanap ng totoong kaibigan.
Sa feeling kasi na umaapekto sa problemang di sakop o walang kinalaman
sa pag aaral. Kaya nakipag kaibigan ako mismo sa kanila. Kasi nagtataka
ako mismo sa kanila e. nagtataka sa kalagayan nila... na tipong out-of-place
or left-out sa ibang group. Then i discover that their lifestyle, background,
mga hilig, all of it ( except sa mga personal secrets nila ) ay kakaiba at unique
sa makikta mo na akala mo normal na tao sa paligid mo. You'll be learning
more to them not the lack of social personality but the way they face the
problem in a unique sense of being determined. Nakaramdam ako ng
ginhawa pero di sila ang tipong makapagbibigay sayo ng perfect vision of life,
sometimes they have this attitude of making themselves pity. i dont like
self-pity. Kaya nakipag kaibigan ako sa ibat ibang groups sa class namin
and in other sections kasi bawat groups mayroon akong makikita na ibat
ibang characteristics.. my weirdo, freak, intelligent, has a sense of humor,
sporty, artistic, unusual, unpredictable, etc... these groups are also divided
for some individuals na merong mga positve points of view and persons that
has a unique sense of life.

Which is somehow naka barkada ko. Luckily, yung taong nag pa inspire
sa akin way back sa time na nainspire mag aral ng matino at makipag
compete sa honorables ay nandun din sa barkada ko ngayon. YES!

But this peer are not the one who can exactly advise you spiritually by
doing good deeds.. but i know they also have a good heart considering
the common good things that theyve done but i have other groups of
special friends who can dig your deepest emotion and toughts if they can
see you troubled or depress. They're the true friends who will not make
you choose between them and your other friends, instead they'll want you
to choose both and try to influence them in good works we've learned
from the sensible persons we know in this generation.

Both of this group are dear to me, they taught me lots of things..
improvement, development, skills, self-realization, commitment,
responsibility, humbleness and most specially LIFE.

What taught me to treasure them both its because of the quote :

"Matuto kang umibig sa iyong kaaway..Lalong mapapamahal sa iyo

ang mga di mo kaaway. " -bro. eli soriano


.........................................
.........................................


Posted by mark david on Dec 8, '07 2:45 PM for everyone
.......................................
.......................................


Sa bawat pag tulog mo
ako ang panaginip mo
bawat magandang pagkilos
ako ang dahilan nito.

Sa mga ngiting araw araw
ito'y kumukulay sa iyo

di maiaalis

di maitatanggi

ako ang patuloy na magpapagaling
sa tinitibok ng puso.

iilawan

sisinagan

ang mga dilim na babalot sa iyo

patuloy na magliliwanag
kailan man di maglalaho
ako'y ligaya mo
buong buo

bubuhayin

pasasayahin

musikang di lalayo
di mawawala

sapagkat akoy iyo
isang inspirasyon mo.

.......................................
.......................................

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help