mark david's posts with tag: illustration

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag illustration
Posted by mark david on May 31, '08 12:26 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
...............................
...............................

a project meeting with Zoren
he bring along his daughter Cassy

good food. good eat.

fine conversing with

the 3 marksmen:
mark oliver
mark lester
mark joseph

roydex

and two notpas
lewi and angel

.............................
.............................

Posted by mark david on May 27, '08 8:16 PM for everyone
...................................
...................................

Cassy.

She doesn’t talk that much when we approaches her and try to make a small conversation.
She is too shy or is it just the toothpaste that I’ve used.
The cute and adorable little Cassy that sits beside me is the daughter of Zoren Legaspi. If you’re familiar with the advertisement… a scene with two kids playing around with their breath and their mom which is Carmina entered the bathroom to join them. That’s the Colgate TV ad. We didn’t expect Zoren will bring her along that evening.

We had a dinner meeting about some illustration projects that Zoren discuss to us. I’m with my illustrator friends to absorbs some of the details for the project and before we even start the meeting Zoren treat us all in Burgoo restaurant at Podium. The food was great. By the way, I’m not in the proper time or mood in organizing what am I writing right now coz there are lot of things that I should do first or think. So please bear with me if some of what I’m saying is doesn’t make any sense. hehehe this is just a quick free-writing for me.. Anything goes.

Going back to the restaurant, we really do enjoy working to each other. Sharing thoughts and nailing down some of the ideas flying around in our minds. Throwing suggestions and pointing important matters. Others put in other way of bringing ideas by making himself a storyteller. At the same time we doodle on the table. Instead of having a table cloth, the restaurant uses recycled paper. Funny thing is that Cassy always say “What the Heck!” whenever she sees a nice drawings made by my friends. Specially the Naruto character drawings.

So this is it. A short update for this Blog section. We all hope for the success of this project.

Thanks be to God.
Until next time.

………………………………
………………………………



Posted by mark david on Apr 19, '08 9:28 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
....................
....................


enjoy

nothing much to say.

we've learned a lot. we've done our part. Thanks be to God.
thanks for the support of all AG members from division down
to district level. Gantihin nawa ng Dios ang pagmamalasakit nyo.

Until next time God willing.

Go Christian Youth Power!

* additional pix : the BMPI AG
samahan tayo palagi ng Dios mga kasama


.........................
.........................

Posted by mark david on Mar 8, '08 6:53 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
........................
........................


a thesis project of my friend shobe and her friend jen.

femme planner.

........................
........................

Posted by mark david on Dec 17, '07 10:13 AM for everyone
Link: http://www.agimat.net/garapitik/index.html

..................................
..................................

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


WALASTIK!


ayos tong komiks na to.. basahin nyu at matutuwa kayu.

hahahaha

sa galeng ng wento nya at astig na style ng line arts nya mapapa
WAW PAKSIW ka!

silipin mo naman..di mo ito pag sisisihan..

Pramis!!


.........................................
.........................................

Posted by mark david on Dec 16, '07 1:12 PM for everyone
Category:Books
Genre: Childrens Books
Author:IrisnGem Li
.....................................
.....................................


A young Ifugao boy dreamed of touching the sky. He would spend hours watching and pretending to catch the clouds that float by.

Were they really that far away?

................
................

isang batang nangarap maabot ang langit.
istoryang patungkol sa magandang likha ng tao.
ang Hagdan-hagdan Palayan.
Basahin nyo rin. Kung panong natuwa ako
Ganun din sana kayo.

dito mo basahin ang storya
the boy who touched heaven

.....................................
.....................................


Posted by mark david on Dec 11, '07 3:44 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
...............................................
...............................................



ang buong story ay mababasa sa bawat images... nasa loob
ang nakakaaliw na story ni Russell Molina.. isang kaibigan
na nagkainteres sa ilang mga guhit ko na trip ko din ang pag
gawa ng mga story niya. isa siyang malikhain at magaling.
Dahil sa galing niya nakatanggap na din siya ng maraming
parangal. isa siya sa mga manunulat sa Adarna Publshing.
Siya din ang gumawa ng storyang "Madyik silya ni titoy"


basahin nyu ang buong sulat sa bawat click mo sa images...

enjoy..

........................................
........................................

eto nga pala ung inemail niya sa akin. at natuwa ako at
nainspire sa pag encourage pa niya.

.......................

Hi Mark,

Here is one of the stories I was telling you about.
This is actually one of my earlier works. First
published in Junior Inquirer and was accompanied by an
illustration by May Tobias Papa. The story also won a
Salangga Writer's prize. Would love to upload the
story with your illustration. I will also attach a
link to your multiply if it's ok with you. Will also
wait for your portfolio. We need young blood in the
industry kaya dapat tuloy tuloy lang ng paglikha --
mapublish man o hindi, maisalibro man o hindi, wag
titigil sa malikhaing pagiisip.

Again thanks for showing interest and paglaruan mo na
lang ang kwento. Whatever you dish out is fine. Just
email me back jpegs of your masterpiece. Enjoy!

.....................

Maraming maraming salamat Mr. Russell Molina.

hehe sa uulitin po!


........................................
........................................


Posted by mark david on Dec 8, '07 2:26 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
.................................
.................................

try mo bumili.
komentuhan mo kung gusto mo.
nasa sa iyo kung magugustuhan mo.
pero kung may suggestion ka o
trip na ikomento sabihin mo na lang sa kanila.
nasa cover naman kung san ka magbibigay ng
mensahe sa kanila eh.

pero kung kaibigan kita...
susuportahan mo ko.

salamat sa iyo. minsan lang to.

hehe

..................................
..................................

Posted by mark david on Nov 11, '07 2:46 PM for everyone

............................................
............................................


HAHAHAHAHA!

tawa kasi ako ng tawa ng mabasa ko ito. matagal na kasi itong naka out
sa market. kelan lang din kasi ako nakabili nito. iba kasi itong graphic novel
na to sa dahilang hindi ito yung karaniwang mababasa mo na tagalog komiks
very witty nga ang pagkakagawa. (may mga ilang lines lang na sablay kung
sa isang batang mambabasa.) hindi dapat ito basahin ng mga bata edad
piso hanggang kinse pesos!

ang storya nya kasi ganito. teka... bago ko ituloy sa cover kasi makikita nyu
na parang si darna. mali kayo dyan! kasi sya si zsa zsa. oo..si zsazsa zaturnah!
hindi sya babae. nagtransform lang sya sa isang amazonang ganyan.
sa basic ng pag tranform nya eh wala nga itong pinagkaiba sa style ni darna.
na kakain ng bato..este! lulunok ng bato. at sisigaw ng...

"GUARD!" hehe hindi ito yun. ito lang yung madalas isigaw ng mga manager
sa mga grocery o matatas na kumpanya kapag may taong gusto nilang palabasin.

....sisiagaw ng "DAAAAAARNAH!"

pero ang ikinaiba ng komiks na ito e hindi yun ang isinisigaw nya kapag mag
papalit na sya ng kanyang anyo para mataglay ang kapangyarihan ng isang
malakas na babae. isang malakas na babae?
hindi kasi sya babae sa tunay na anyo nya. isa syang "chorva!"
bakla sya. na may sariling parlor sa probinsya. isang aksidente kasi ang nangyari.
may nalaglag kasi na malaking kakaibang anyo ng bato. (nakakadiri) ampanget
kasi ng hitsura. ang nakakatawa kasi yun yung kailangan nyang isubo at lunukin!
hahaha  matatawa ka sa hitsura ng pagkakadrawing ni carlos vergara!

may mga ilang istorya dito na as usual may kalaban. may alien. may mga bangkay
at maligno gaya nga ng kay darna. pero mabangis ang storya nya kasi sa mga
punchline at komeding eksena na pinakikita sa komiks na to. kung bibili kayo
neto di kayu manghihinayang kasi sulit. pasasayahin kayu ng mga astigin na mga
illustration ni carlos.

sa pagkakaalam ko isinadula na din ito sa entablado at may gumawa din ng
musical play neto na ipinalabas sa CCP. hindi naman siguro isasadula ito kung
hindi maganda ang story. hahaha sana makanuod ako ng play na ito kung
ibabalik nila. (naku wag lang isasa pelikula. at mala tsipipay na production
nanaman ang gagawin) kawawa naman ang storya. ito kasi ang mahirap sa ating
bansa e. we got the talents and we do have creative people sa bansang ito na
hinahayaan lang ng gobyerno na sa ibang bansa mag lingkod dahil sa kakulangan
ng suporta ng pamahalaan. Why they can't accept the fact na ang paligid ay isang
masterpiece. mula sa mga likha ng Dios hanggang sa kaloob na talento ng Dios
sa mga taong may malikhain sa larangan ng sining.

wala ito!

gaya nga ng sinasabi ko kanina...
ang storya nito eh punong puno ng aksyon at kadramahan ng isang bading!
hahahaha.... angkolet ng bading dito lalo na yung alalay niya sa parlor.

may mga bobong alien din na mga kababaihan din. napaka stupida! haha
ipinangalan pa sa mga ilang sikat na aktres dito sa pilipinas na talaga nga
namang old skul. haha

so ayun.. natuwa nanaman ako. nakapag share uli ako ng mga pampasaya
sa buhay.


"ZSAHZSAH!!!! pssssshhhhh...... kilabot na bakla ito!


....................................................
.................................................... 

Posted by mark david on Nov 11, '07 1:53 PM for everyone
.......................................
.......................................


hindi naman ako mahilig sa sapatos. meron akong isa,
pero hiram pa. buti na lang di naman kinukuha pa ng kuya ko.
malamang alam niya na wala na kasi akong magamit na iba pa.
( kung tutuusin nagpalit nga ata kami ng sapatos eh. )

ang sapatos na madalas kong suotin niluluma ko. gusto ko madumi
ito at luma. rugged. hindi na kasi ako nasanay na mukang malinis
ang sapatos dahilan na din siguro sa mind set ko na kapag malinis
ang sapatos mo...pansinin. ( di naman kasi ako papansin ) ayaw ko
lang talaga ng pinapansin ako. ito nga ata yung tinatawag nila na
fashion statement eh. pero wala akong ka fashion fashion. ang alam
ko lang kapag komportable at di nakaka-ilang.. eh ayos na.

i would prefer to wear a pair of sneakers. lalo na kung isa itong 'chuck taylor'.
old school. ewan ko ba. napaka universal ng design kasi ng converse
na yon kaya ang sarap suotin at komportable ako. panget naman kasi
mag suot ng mga tinatawag nilang 'nasa-uso' na sapatos eh. at mga ilang
panahon na kusa na lang siya niluluma ng mismong panahon na
kinabibilangan nito. (di gaya ng chuck) nagkaron ako minsan ng
ganung sapatos (kaso peke) na hawig din ng design ng 'chuck taylor'.
ito yung paborito ko noon. sinusuot ko kahit saan. regalo kasi
sa akin yun ni mama ko.ganun din ang ginawa ko niluma ko siya ng niluma.
kapag sinabi kong niluma, hindi yung tipong di mo na nililinis yung loob
ng sapatos. tiyak na mangangamoy 'daga' iyon. ang niluluma ko lang e yung
labas na anyo nya. minsan nga naisip ko nang drawingan e. kaso baka maghawa
o mangupas yung drawing kung gagamitin ko ordinaryong pentel pen.
at dahil di ako papansin, ayaw kong gawin. siguro minsan kapag
tinopak ako guguhitan ko ang pares ng sapatos ko. hehehe

nabanggit ko ang 'daga' kanina tungkol sa paboritong kong sapatos nuon.
bakit noon? kasi minasaker ng cute na cute na walanghyang dagang yun.
binutas sa tagiliran ang isang pares ng sapatos ko. naaksidente kasing nailagay
ko o naisama ko sa taguan ng may maruruming kagamitan. grabe wasak!

"WALANGHYANG DAGA KA!" sigaw ko.
"SASABUNUTAN KO GILAGID MOH! HRR! ang dag dag na banta ko sa kanya.

di naman ako totally galit sa mga daga that time. kasalanan ko din kasi.
kung saan saan ko kasi pinag lalalapag ang sapatos ko. wala naman na kasi
ako mapagtabihan na iba. anyway, at least i got my new/old pair of shoes.
(na hiram lang)

binabanggit ko ang mga to kasi may nakita ako napaka gandang design ng sapatos.
very creative. ang style pa e yung tipong di gaya ng karaniwang naiisip natin na
conventional ang design. hindi nike,rebook,adidas o anuman.. kasi itong nakita
kong astig ang design mula sa di high-end na product but it was totally a cool sa design.

karaniwang design nila eh guhit kamay lang na printed sa telang ginamit sa
sapatos na ito. mga traditonal drawings na may mga ibat ibang kulay. sa bawat
sapatos may isang artist ang gumawa ng sariling style nito pero lahat ay iisang hitsura
lang ng sapatos. nagiiba lang sa style ng artist. itong dalawa ang naging outstanding
sa lahat ng design nila. ito yung trip ko na design na gawin sa dating kong sapatos.
kasu mukang di ko kayang mag suot ng ganyan, pero ang galing nila.
ang galing!  
napaka "raw" ng hitsura nya at mukang komportable suotin.

if i only got the chance to design one of those shoes siguro ang sarap non!
its like painting on a canvas but the difference is your canvas will be the shoes.
at ipang reregalo mo sa taong gusto mong pasayahin.

'Maaaark!' sigaw ng ate ko sa bahay.

'may tawag ka...ano sasabihin ko sa kanya? tumatae ka?!" sinisigaw habang nasa muka
nya ang telepono.


"haaay..." sabi ko sa sarili. iiwan ko muna sapatos ko. at pag balik ko wala
sanang mag masaker sa sapatos ko ngayon.

buset na daga. sasapatusin kita e.


..................................................
..................................................

Posted by mark david on Oct 28, '07 4:55 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
............................
............................


Thesis Project of Ms. Abigail Villareal
(yak! masyado pormal)

eto ang mga pinagawa ni abby (kaibigan kong isang masunuring
bata na kahit anu gagawin nyang pose. haha)

sino sino ang mga tumrabaho :

ako.
si roydex
si tito potato.

lahat yan rush! ambait mu abby! haha pero ayus lang.
we all got paid. at first di kuna dapat tatanggapin dahil
napaka iksi ng time. since ang mga kasama ko ay game at
naawa ke abby. pinilit na lang namin ma beat ang deadline.

ang color. alam mu na abby kung bakit yan ang kulay.
hahaha we have a common denominator SYEMPRE! n_n

well we hope you and your group got good grades for this...

ayt! n_n

yung mga pix... ahehe yan yung time na diniliver ko ung
project nya. at syempre since mag bestfriend sila ni michelle tse,
ayun...

"kuya......!!! sigaw ni chel. pichur tayu daliiiiiii....

yan. ang mga batang ka edad ku lang na pilit nila kong
tinatawag na "kuya mark".

(im only sweet sixteen) wala nang kokontraaaaahhhhh!!!!

n_n

fact: di aku sanay mag papichur nang maraming tao sa paligid. kainis.

..........................
..........................

Posted by mark david on Oct 13, '07 5:55 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
.............................
.............................

enjoy and if you find it inspiring..
go grab those pencils and pen
make an artwork.

.............................
.............................

Posted by mark david on Oct 13, '07 10:08 AM for everyone
..........................................
..........................................


Hataw!

Storya at illustration panalo na...
Sa mga children's book na gaya neto unang nakakaagaw
atensyon sa akin yung mga dibuhong kakaiba. Hindi common
 sa paningin ko. Weirdo kumbaga. Kadalasan kasing nakikita ko
sa ibat ibang mga illustration eh yung common na para sa akin
pero sa dagat ng mga illustration sa mga pambatang babasahin,
nangunguna sa listahan ko ang Adarna books! Oo ito nga.
Firstly, ito ay likha, sulat at dibuho ng mga pinoy. SALUDO! Karamihan
sa kanila ay mga freelancer. Since mas na aatract ako sa
mga ilustrasyon, eto ang bibigyan ko ng emphasis muna. hehehe.

Gaya ng aklat na ito na may guhit ni Marcus Nada.. Eto ang
una kong kita sa mga ilustrasyon nya pangalawa ang mga
kakaaliw na gallery nya sa deviantart account nya. Ang kanyang
mga ilustrasyon ay isang kakaiba, may kulet kung titingnan at
kakaaliw. Ang estilo nya kasi sa pagguhit mala drawing ng isang
bata. Ang kaibahan lang eh eto ay rak en rol sa dibuho!! astig.

Ang aklat na ito ay nag bigay inspirasyon na mag eksperimento
ng ibang mga estilo sa pag guhit. Isa ito sa mga naka trigger ng
creativity na hindi naka kahon. Ang aklat ay nagbibigay halaga
sa ating mga kapuwa na may kapansanan. (physically)
Nagsasabi rin ito ng kahalagahan ng pagkakaibigan. Sa kabila ng
pagkakaroon ni Titoy ng kapansanan di nawawala sa kanya
ang kasiyahan, ang paglalaro. ( ito yung kukurot sa puso. )
Kasi sa umpisa macurious ka kasi sa title ng aklat eh.

"Madyik silya ni Titoy? Bakit may madyik? Ano ba ang silya nya?"

Hehehe. Yun pala isang wheel-chair.

Hahaha. Ang likot nga ng imahinasyon ni itoy dito dahil marami
sila nalalakbay gamit ang silya nya.

Nalipad sa himpapawid.
Nakakasisid sa ilalim ng dagat.
At kung anu ano pang magagawa nito.

Pag malapit kana sa last part ng story.. Ayun..
Putol pala paa nya.
Isa lang kaibigan nya, na isa sa nagpapasaya sa kanya.
Hindi kasi sya pansin ng ibang bata sa park.

Ayun....Basta basta.... Maganda yung story at yung kwentu.
Isinulat ni Russel Molina. Isang talentadong writer. Marami
na rin naiuwi na parangal. Kaya matutuwa ka talaga sa
kwento niya at sa mga term na ginamit nya. Hahaha

As of now im in the mood to collect some of the Adarna books with
amazing and inspiring illustration. If you have a heart of a child like
me, i think you'll be checking one of this book. hehe.

Have a great day! n_n

...............................................................
...............................................................

Posted by mark david on Oct 6, '07 2:30 PM for everyone
.............................................
.............................................

etu yung isang libro na trip kong ma purchase. gawa ng Canvas. nakakaaliw kasi yung story pati illustration. isinulat ni FERNANDO ROSAL GONZALEZ at pinta ni Rodel Tapaya-Garcia.
nilalagay ko dito dagdag inspirasyon. para balik balikan ko. syempre para maalala ko rin na bibilhin ko ito.

enjoy reading.


“Ang Batang Maraming Bawal” is the winner of CANVAS’ second annual Romeo Forbes Children’s Storywriting Competition, and is a simple tale of innocent hope and imagination.

Written originally in Filipino, our biggest difficulty was the title, for which we could not find any appropriate translation.

Suggested English titles like “The Boy Who Couldn’t Do Much,” “The RX Kid,” “The Boy Who Couldn’t” or, what probably is the closest translation, “The Boy Who Wasn’t Allowed to Do a Lot of Things” – all couldn’t capture the spirit and humor of the original title.

In the end, we chose the easiest solution, which was to simply refuse to translate the title.




..............................................
..............................................


Kung ang ibang bata, takot sa ospital, ako yata, sa lahat ng mga bata
 ang maninibago sakaling lumipas ang isang buwan na hindi man lamang
 nakakadalaw sa aking doktor.

Kami raw ang mga batang sa pagkasilang pa lang ay mayroon ng mga
kapansanan. Sabi ng iba, kami raw ang mga tipo ng bata na kahit kailanman
ay hindi tatanda. Ang tawag nila sa akin, si Romeong Mapangarapin.
Mahilig daw kasi akong managinip nang gising.  At napansin din ng iba na
ilang buwan pa lang nang ipinanganak ako, parati na akong nagtututuro ng
mga bagay na kahit kailanman ay hindi ko maaabot.

Nawili akong pagmasdan mula sa ituktok ng bahay namin ang mga paisa-isang
lobong kumakawala sa tuwing may kaarawan sa kapitbahay. Nahilig din ako
sa pagtanaw sa mga ibon sa alapaap, sa mga paruparong tumatalon-talon
sa bawat bulaklak, at maging sa bahaghari.

Sa panaginip ko, parati akong lumilipad.
Kapag binabanggit ko ang mga ito kay Tatay, nangingiti lang siya sa akin.
“Mahilig ka kasing manood ng mga paborito mong superheroes sa TV,
” sinasabi niya. “Kaya dala mo hanggang sa panaginip ang paglipad tulad nila.”

Kapag nagigising na ako sa totoong mundo, pakiramdam ko’y muli na
namang mananaig ang kalungkutan, ang pakiramdam na ako’y nag-iisa
- malayo sa mga bata, malayo sa laro.

“Huwag kang lumabas ng bahay, Romeo.
Bawal sa iyo ang tumakbo at baka ikaw ay madapa.
Bawal sa iyo ang magalusan o masugatan.
Bawal sa iyo ang magkapasa.
Bawal sa iyo ang makipaglaro ng ball games dahil baka
matamaan ka kung hindi ng kalaro mo, ay ng bola…”

Kaya madalas, mas inaasam-asam ko ang bumalik na lang sa aking mundo
 ng mga pangarap. Sa mundong iyon, malaya kong nagagawa ang mga
bagay na kahit kailan ay hindi ko maisasakatuparan sa totoong mundo.

Isang araw, napag-isip ako.
Totoo kayang ang mundo’y para lang
Sa malalakas,
Sa magagaling,
Sa mabibilis,
Sa mahuhusay,
Sa mga maliliksi?

Buti na lamang at nandoon si Tatay para kausapin ako.
“Tandaan mo, anak. Hindi mo man magawa ang ibang bagay, hindi iyan
makasasagabal sa mga bagay na maaari mong gawin.  Nandito kami
ng nanay mo para suportahan ka.”

May kakayahan daw akong lumikha ng mga tula, isang bagay na
ikinatutuwa ng ilan kong mga guro sa paaralan.

    Saan nga ba pumupunta ang hangin
    Kung hindi sa mga awitin?
    Kahit pa ang mga daho’y nalalaglag
    Ang puno’y nananatiling matatag

“Saan mo hinuhugot ang mga katagang iyan, Romeo?” tanong minsan
sa akin ni Inay.
“Ginagaya ko lamang po si Balagtas!” biro ko sa kanya.

Mga aklat at babasahin ang malimit kong kasama. At pinuno ko ng mga
tula and mga kwaderno ko sa paaralan.

    Ang nais ko’y makasama kayo
    Para hindi na ako nag-iisa
    Pero naisip ko, bakit ba ang maya
    Lumayo ma’y bumabalik rin sa kanyang Ina?

“Makata ka talaga!” Tuwang-tuwa si Inay nang minsang mabasa
ang isinulat ko.
Niyakap niya ako. Ako na ang pumigil sa kanya.
“Inay, huwag masyadong mahigpit, at baka magkapasa ako!”

Isang gabi gumawa ako ng tula para sa aking mga magulang.

    Kung Bakit Espesyal Kayong Dalawa Sa Akin
    Ni Romeong Mapapangarapin
    Para kayong asukal sa matabang na kape
    Ang asin na pampalasa sa ulam na kare-kare
    Yelong pampalamig sa gulaman at sago
    Ang sari-saring ulam sa nag-iisang kaning ako!

“Ano bang gusto mo para sa iyong kaarawan?” Minsan ay nabanggit
sa akin ni Tatay.
“Gusto ko, ‘Tay, ng mga bagay na lumilipad – tulad ng lobo, ulap, ibon, o bahaghari…”
Dahil magaling na pintor si tatay, ngumiti na lang siya at sinimulang gumuhit
sa kanyang kuwadro.
Nang dumating ang aking kaarawan, masaya niyang ibinigay sa akin ang
kuwadro – buhay na buhay niyang iginuhit ang mga bagay na
paboritong-paborito ko: mga lobo, ulap, ibon, at iba pang mga bagay na lumilipad.

Kinagabihan, lubos ang kasiyahan ko nang ako’y makapanaginip na
ako daw ay nakasabit sa parachute at pirmeng tinatangay ng hangin
at hindi makalapag-lapag sa lupa.
“Paano kaya kung libutin ko ang buong Pilipinas sa loob ng isang araw?”
bulong ko sa sarili.
Wala na’ng kalarong mangangantiyaw sa akin. Walang mga nanunukso.
At higit sa lahat, wala nang bawal na maaari kong gawin.

Tila yata may nakarinig sa kahilingan kong mamasyal at libutin ang
buong Pilipinas sa loob ng isang araw.
Noong gabing iyon, ang dami kong narating.
Tangay-tangay ng higanteng parachute, nakita ko ang malawak na
Banaue Rice Terraces, ang Bulkang Mayon, at maging ang mayuming
Hundred Islands ng Pangasinan.

Masayang hinagod ng mga mata ko ang mga palayan sa Central Luzon,
ang mga makasaysayang simbahan sa Ilocos, at ang mga balyenang
lumulutang sa Donsol.

At kay haba-haba pala ng San Juanico Bridge na nagdurugtong sa
Samar at Leyte! Kay taas din ng Mt. Apo at kay rikit ng Pagsanjan Falls!

Nagising ako na kipkip sa dibdib ang kuwadro. Uhaw na uhaw akong
gumising at uminom agad ng isang basong tubig. Parang ang layo ng
napasyalan ko!
Sabi ni Tatay, mukhang masayang-masaya daw ako habang natutulog
dahil nakatodo ngiti raw ako.
“Tatay, napakaganda pala ng Pilipinas!”
“Talaga? Paano mo nasabi? Hindi ka pa naman nakakalayo dito sa
ating bayan ah?”
“Basta, sa mga panaginip ko, nakita kong na na napakaganda pala
ng bayan natin!”

“O, magbihis ka na. Lalakad na tayo.” Paalala ni Tatay.
Mayamaya lang ay pupunta muli kami sa doktor para sa aking
regular checkup.
At hindi na ako makapaghintay dahil ikukuwento ko sa aking doktor
at maging sa ilang kapwa ko pasyente ang nangyari sa aking masayang
paglalakbay!


http://canvas.ph/Ang_Batang_Maraming_Bawal.htm


............................................
............................................

Posted by mark david on Sep 22, '07 9:22 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
................................
................................

this images was taken after the opening event.
my friend beth drop by and saw all the works
of kuya daniel.

"Ang ganda! ang cool naman..." she said.

after seeing our gallery, we went out to have
some dinner. dyan lang naman sa mcdo.
at syempre that day is her day (sahod kasi nya)
she treats me! hehe asteeg ka beth! sa uulitin!

the following days, some of my friends in orchestra
( Serenade orchestra ) came to visit to look what are
the amazing images kuya has taken. And of course,
since we're enjoying that night we treat ourself for some
cup of coffee and chocolate drink. panalo!

Sa tagal din kasing walang kwentuhan that night was
the moment to have some chikahan! hehe. nagkaron
pa ng ilang business talk. haha.. ( nose-bleed )

oh well since this is not just the end of the event,
ill be uploading some of images after this photo exhibit
hoping again to capture some great moment with
other friends that may drop again. You are also welcome
if you find the gallery very interesting to you.

See you! Saludo!


....................................
....................................

Posted by mark david on Sep 13, '07 10:31 AM for everyone
..........................................
..........................................


yes im not that young to play some "dampa" or
"mataya taya" outside our house. im through
with all that stuff. but one thing remains in my heart
of a child is the love of reading children's book.
from some funny komiks ( na nawala na sa mga
kinokolekta ko ) to adarna books that im trying
collect one by one.

each of it have a unique and inspiring illustration
that im using as  for my reference.i do read all this
book pero una pa rin na nakakaagaw pansin para
sa akin yung mga humurous illustration ng mga
artist nila. second lang ang mga writings.. kasi i have
"lazy eyes" that my prof explains nung college, she
describes this if your eye dont get to use in reading
( parang tamad ka agad magbasa ng ilang minuto
lang ). peru im trying to learn how to get rid of it by
reading articles in newspaper, blogs of my friends,
articles of magazine that i compiled. most of it are art
magazines. para masanay. kaya nga lang kailangan
ko lang tyagain kahit minsan masakit na mata ko.

but this book of Adarna house "Tight Times" is one of
those children's book i compile in our shelves.  story that
includes of creativity. etu kasi ung pangunahing na
nagustuhan ku sa kanya eh. well drawn ng artist na si
sergio bumatay III and story by Jeanette Patindol. the story
begins with the poor family of mouse. inspite of their situation
they use skills and other talents not to be affected by tight times.
they enjoy, play, sing, draw, anything that makes their
family joyful. and with the illustration it was drawn by rough
pencil. galeng nga eh! madumi tignan yung illustration and
may pagka serious ang pagkaka texture unlike ng ibang
book na malinis ang drawing. it shows lang na parang
may pag ka guhit bata ang mga drawing. aliw. tulo laway
ko sa inggit. at sa idea na nag fit sa story.

this book is a grand winner of PBBY ( i forgot the meaning
of this acronym. ) Salanga prize and Alcala prize.
it is recommended for children ages 10-12.
hehehe peru i bought it because i feel that im just a  twelve.
kidding. i do like the illustration. kaya binili ko ito...to inspire
me to do those great ideas of mr.bumatay. iba kasi ang
feeling mag draw kapag may inspirasyon ka. maaaring
ibang illustration, pwedeng mga wordings or story, minsan
from lyrics of great singer and different music of bands
( specially instumental ) at mga images or pictures of places
and person you adore. marami eh na possible na makapag
trigger ng creativity. gaya ng buk na to. naalala ko tuloy
yung quote sa isang magazine na "When you talk about
what inspires you, your enthusiasm naturally shines through."

so facing the tight times challeges us to find out how
less can be more.

read some of their books as i enjoy it myself.


n_n


...............................................
...............................................


Posted by mark david on Sep 8, '07 11:25 AM for everyone
........................................
........................................

this is me. no wonder.
she draw me. myself.
she got the eye-glasses.  the beard. my fave shirt.
the bag that i often carry.
its me. no wonder at all.

my friend drew this.
she caricated it. all those rough lines
made by those ballpoint pen she borrowed.
that blue pen. she just saw me illustrating
a face. a cartoon style face.

that was in the evening. alone in our working place.
illustrating. doodling.
then someone sent a meessage that they will
drop by for some reason. i think regarding they're
graduation. well im too tired to remember it at all.
the important thing is... this. when she saw me doodling
on the table and her friend ask something
for their event, she borrowed the unfinish drawing.
after looking on it. the next thing is she borrowed
my pen. "well,im just doodling around." i said.
a smile was her reply. "may i continue this?" she adds.
"sige." i told her. after making a conversation with her friends
and ate their treats. she handed me over that piece of paper
she asked if she may continue it. in my surprise. ( though i
didn't show them. ) well,its rarely for
someone --particularly her-- to make an illustration
out of from what i started. the face. hehe
if im not mistaken..i said to her "hanep ah! hehe"
"tatago ko to. bihira lang to e."

she just smile back again.

well, this is not new to me but this is one of the unique
illustration that handed to me. before, some of my friend in
highscool gave me a drawing of sun set with
full color using watercolor ( their appreciation ) others are their own
masterpieces and some draw just to make fun of me.
( those were my classmate in fine arts. )

my reason why i say this is unique, for it was
drawn naturally. roughly. and i love it. its raw.
she did it creatively. this will be remembered.
a collection. a treasure as we say...
a piece of treasure.


n_n


.........................................
.........................................


Posted by mark david on Sep 3, '07 11:11 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
........................................
........................................


Sa wakas!
may nai-publish din na illustration!
hehehe

di ku naman hinangad mag pasikat.
pero gaya ng ibang mga artist na kinilala ko
( mga artist na nagturo sa akin. they show humbleness.
di sila mayabang tulad ng iba. kaya sila ang mga
inspirasyon ko.. una ang Dios. ) nagturo sila ng
magandang halimbawa na wag mag palalo,
wag ipag yabang ang trabaho, etc.
Sa unti unting pagkatuto manatiling mapag pakumbaba.

Marami kasi ako nakikita ngayon na natuto ng konti..
nag iba na ng ugali. ( sana di ako maging ganon.)
the fact is..i've got interested when my friend
told me to contribute in this humor magazine, kasi
naiisip ko na makaktulong ako. ( this phrase are
intended to those who understands this. )

dyahe nga nung book launch eh!
hiyang hiya kami ni reggie.. di kasi kami sanay
ng mga ganon. book signing. umupo sa entablado.
makipag "rubbing elbows" sa kapwa artist.
( mga kilala at di kilala )
ayun.. nandun lang kami sa sulok ni reggie.
nagikot na lang kami sa ibat ibang booth.
at nakabili muli ako ng mga ADARNA books.
isang "ang madyik silya ni titoy" at "ang hilig
ni manda,sumama sa banda"

siya nga pala..suportahan nyu sana itong
TOPAK humor magazine
mura lang naman ito... php75.
huntingin nyu sa ibat ibang bukstor para adventure!
peru alam ku national bukstor meron eh.
tapos send kayo ng mga comments sa email nila
ha..

madami itong mga artist na magaling.
magandang reference din
sa mga nagsisimulang matutong
mag illustrate.

o nga pala thanks a lot kay mr.stanley chi!

abangan nyu mga susunud na issue ha..
thanks sa inyu mga
repapeeps na na-i-pips sa paa!

.............................................
.............................................

Posted by mark david on Aug 22, '07 2:27 AM for everyone
Start:     Aug 30, '07 6:00p
Location:     World Trade Center
....................................
....................................

Hi Peeps!

Topak humor magazine will be launched at
the Book Fair this August 30, 2007
Thursday 6 to 8PM at The World Trade
Center, Roxas Blvd.

Get to meet all your favorite comic book
creators, cartoonists, and writers!

The contributors who are included in the
first issue are:

Lyndon Gregorio
Ariel Atienza
Julius Villanueva
Jomike Tejido
Jonas Diego
Jerald Dorado
Stanley Chi
Jac Ting Lim
Bok Hong
Luwi Netro
Lyra Garcellano
Lico Reloj
Elbert Or
Ron Tan
Allen Geneta
Dominic Agsaway
Andrew Villar
Randy Valiente
Mark David See
Gerry Alanguilan
Dyords Javier
Reggie Manlungat
Amos Villar
Ralf

Pa-autograph kayo sa kanila he he he!

....................................
....................................

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...................................
...................................

Posted by mark david on Jul 31, '07 6:51 PM for everyone




...............................................
...............................................


Walang sinabi ang Transformers!

isang gabi na nag browse sa net after ng mga
matinding pressure ng mga deadlines
kinailangan mag pahinga...

magbalik ng energy at mag boost..

di ku pa rin napapanuod ang Transformers.

may nakita ako sa isang deviant
nakakagulantang na title na sinasabi...

COMBATRON.

oo,ang combatron! si combatron!
marami nang nag flashback na memory bigla.
parang isang laser sword na biglang humati sa pagitan
ng realidad at ng isang dimensiong punu ng alaala ng
pagkabata ko.
oo..memory nga!

nung kinder pa kasi ako nag dodoring nako eh.
inggit na inggit ako sa doring ng klasmeyt kong si topher...
isa syang madiin at marumi gumuhit. ( inggit ako. )
kaya minsan nagkukumahog akong higitan sya. hehe
sa dahilang ang galing kasi nya.
anjan din ang kasagsagan ng sikat ng teenage mutant ninja tortor
sa tv. yun kasi madalas namin idoring noon.

etu na yung time na dumating ang mood na gumuhit ng gumuhit...
sa ilalim ng mesa ni papa sa dati naming hardware.
sa pader. sa kahoy. sa karton sa sako. sa punda. sa hita ng aso namin.
pilasin ang mga telephone directory pages para lang
gumawa ng isang artpiece.

doodle dito.  doodle doon.

at si papa.

palo dito. palo doon.

hindi maganda mag doring sa mga nabanggit ko ng una.

pagtungtong ng grade 1... ayan na may baon na ko pera.
umuuwi na rin ako sa bahay ng magisa nang walang takot na
makikita ang mga simalmal na muka ng mga saydgar boy.
nagimprove na din ng meju...
tama... sa papel na ko nag dodoring. ( teknologee eto! haha )
eto na ang panahon na naghahanap na din ako ng insprasyon

( hindi si "michelle tse" na crush ko noon nung kinder two ha!
 na balak bigyan ng singsing na peke. na nalibre ku lang sa isang
 chi chirya. at sa akin ang stiker. wala rin...tumabingi lang yung
 sing sing sa bulsa ng short ko. ayun balik na lang uli sa larong
 tatsing ball at matayataya. haha iba talaga appeal
 ng mga new comer noon sa skul! )

KOMIKS.
etu ang inspirasyon na tinutukoy ko.
( dahilan din ng paglabo ng mata ko. haay...nagbasa na lang
  sana ako ng umaga at may ilaw. )

ang FUNNY KOMIKS ang isa sa mga astig at simulain ng isang
magagandang inspirasyon ko sa pag doring nuon.

tama na ang ninja tortor!

sa loob nun iba ibang karakter at style. pero ang outstanding duon
ay ang COMBATRON! at sinu naman ang di nakakakilala sa astig na karakter
na ito. ( oo na.... kahit sabihin nyu kamukha o ginaya si rockman. )
ang kinaibahan nito ay ang timplang pinoy! at ang flow ng story ay napaka ganda!
kulelat ang Eklok, Planet op di Eyps, Pitit, Tomas at Kulas, etc.

nang dahil sa kanya ay natutu aku gumuhit ng tama.
( syempre ang pangunahing dahilan pa rin ang DIOS )
ginamit ang medium na ito para maka create ng mga naghahangad matutong
gumuhit. Salamat din kay Mr. Berlin Manalaysay. ( creator ng astig na karakter na ito )
isa kang malaking astig! ASTIG!
sabi ni mr. berlin sa isang blog na nabasa ko...
balak daw buhayin muli ang Combatron. at gawan ng anime.
pero sana hinihiling ko na maglabas ng isang book na nilalaman ng mga sinaunang
story neto...at shempre kasama ang hardcore na old skul na illustration na astig
ni mr.berlin manalaysay!

BIBILI AKO PANIGURADO! hehe

Sana ibalik ang Combatron ng makita ko uli ang mga matinik na moves
nya at mga weapons :

armed with powered armour equipped with a variety of personalised weapons,
including Combatron Foot Blades, Combatron Hip Discs, Teleported Punch,
Double Teleported Punch, Omega Laser, Space Thunder, Nuclear Eye Beams,
Galactic Space Sword, and, later, Galactic Phoenix.

( hehe adik ba? )

at maalala ang madramang story at astig na labanan ( taob ang naruto! )
at masaksihan uli ang mga magagandang aral na naipakita sa story na ito.
actually im missing my childhood activities made me inspire more to do good works.
sayang sana di ku na lang binenta ang kasing taas ng lamesa namin ang
kapal ng mga naipon ko noon na funny komiks. haaay...
( if ibabalik nila sana..kahit yung ke Combatron lang. hehe.

Salamat sa Dios sa magandang inspirasyong naibigay nya.
( sabi nang hindi nga si "michelle tse" eh! )

well i hope this may serve as an inspiration for those who
wants to improve their talents in line works,illustration, etcetera...

im one of you..developing.
this is a continuous journey to learn.

New inspirations here i come!!!!

teka..alam nyu ba meaning ng BISAKLAT?



n_n



................................................
................................................

Pages:123
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help