mark david's posts with tag: family
Posted by mark david on May 31, '08 12:26 PM for everyone |  | ............................... ...............................
a project meeting with Zoren he bring along his daughter Cassy
good food. good eat.
fine conversing with
the 3 marksmen: mark oliver mark lester mark joseph
roydex
and two notpas lewi and angel
............................. ............................. |
Posted by mark david on May 27, '08 8:16 PM for everyone  ................................... ................................... Cassy. She doesn’t talk that much when we approaches her and try to make a small conversation. She is too shy or is it just the toothpaste that I’ve used. The cute and adorable little Cassy that sits beside me is the daughter of Zoren Legaspi. If you’re familiar with the advertisement… a scene with two kids playing around with their breath and their mom which is Carmina entered the bathroom to join them. That’s the Colgate TV ad. We didn’t expect Zoren will bring her along that evening. We had a dinner meeting about some illustration projects that Zoren discuss to us. I’m with my illustrator friends to absorbs some of the details for the project and before we even start the meeting Zoren treat us all in Burgoo restaurant at Podium. The food was great. By the way, I’m not in the proper time or mood in organizing what am I writing right now coz there are lot of things that I should do first or think. So please bear with me if some of what I’m saying is doesn’t make any sense. hehehe this is just a quick free-writing for me.. Anything goes. Going back to the restaurant, we really do enjoy working to each other. Sharing thoughts and nailing down some of the ideas flying around in our minds. Throwing suggestions and pointing important matters. Others put in other way of bringing ideas by making himself a storyteller. At the same time we doodle on the table. Instead of having a table cloth, the restaurant uses recycled paper. Funny thing is that Cassy always say “What the Heck!” whenever she sees a nice drawings made by my friends. Specially the Naruto character drawings. So this is it. A short update for this Blog section. We all hope for the success of this project. Thanks be to God. Until next time. ……………………………… ………………………………
Posted by mark david on May 6, '08 3:41 AM for everyone  ..................... ..................... alas siete ng magising ako... nakatingin sa kisame, nag iimagine ng mga bagay bagay. ginagawang istorya ang bawat naka ukit sa kisame na tila isang pelikula. nang maputol na ang aking mga panoorin.. bumangon na ko. may isang balumbon ng dyaryo sa tabi ko. dahil madaming babasahin sa tinutulugan ko. nandon ang mga magasin at ilang libro ko. mas napag tuunan ko ng pansin ang dyaryo. nasa isip ko na tumingin ng mga bagong design o layout ng mga advertisement. napadpad ang atensyon ko sa isang article. lumang dyaryo na ito. nabili ng utol ko noong isang linggo pa. yung article patungkol sa mother's day. maikli lang ito di kahabaan para katamaran kong basahin. sa title pa lang kasi naagaw atensyon ko. isang title na di ko malilimutan dahil sa unique name na yun. ang sabi "CHICHAY, Mother Dear". at sinu naman ang di makakakilala sa karakter na ito? isa kasi syang ulirang ina. nag bigay ng magandang halimbawa sa kapanahunan nya. at bilang isang aktres nag bigay saya at tawa sa bawat labi ng taong tumangkilik ng kanyang talento. sa di naka kikilala sa kanya sya ang gumanap sa isang karakter na matandang mahilig magkwento ng mga storyang kapupulutan ng mga aral. si LOLA BASYANG. sa kalagitnaan ng aking pagbabasa... naputol ito dahil sa isang balitang dumating sa akin. dumungaw ang nakatatandang kapatid kong babae na dala ang impormasyon na ang aking lola lena ay pumanaw na. ilang minuto akong natulala at natigilan sa pagbabasa. ilang mga alaala din ang pumasok sa isip ko. ilang pigil hininga at buntong hininga ilang minuto bago ako nakabalik sa sarili ko. alam ko na hahantong sa ganito. alam ko na itatakda ng panahon sa litaw na realidad sa kanyang edad na sasalubungin nya din ang pag papahinga sa buhay nya. humarap ako sa kapatid ko at tinanong "kelan? anong oras?" "ngayong umaga lang. tumawag si tita." sabi niya ".......sige." pinilit kong tapusin ang binabasa ko pero di ko maiwasan na sa pagbabasa ko e lumulutang isip ko. nagbabasa ako na halos wala akong maintindihan sa binabasa ko. nang matapos ko na... nag hahanap ako ng larawan ng lola lena ko. hinahanap ko ang medyo bata bata nyang histsura. ayaw ko maalala ang kasalukuyan at huli kong pagkakita sa kanyang histsura ngayon. gusto kong maalala yung maganda nyang mukha nung bata pa ako. sana makahanap ako. sana maligaya syang umalis sa kabila ng hinanakit na naramdaman nya sa kalagayan nya. paalam lola lena. -- salamat at nakahanap ako. ang nasa larawan ay ang aking lola lena at ang tatay ko. ...................... ......................
Posted by mark david on Apr 19, '08 9:28 PM for everyone |  | .................... ....................
enjoy
nothing much to say.
we've learned a lot. we've done our part. Thanks be to God. thanks for the support of all AG members from division down to district level. Gantihin nawa ng Dios ang pagmamalasakit nyo.
Until next time God willing.
Go Christian Youth Power!
* additional pix : the BMPI AG samahan tayo palagi ng Dios mga kasama
......................... ......................... |
Posted by mark david on Jan 13, '08 12:53 AM for everyone      ............................................ ............................................ nakatingin sa limang pisong buo na hawak ko. iniisip ang halaga ng pagiging buo nito. nang maalala ko... lima kami dati. ngayong panahon, di na tulad noon. lima kaming sabay-sabay kumaen at kapag walang pagkaen, lima kaming nagtitiis na hindi kumaen. sa kulitan, halakahakan at tampuhan... solidong lima kami. Sa isang grupo nagkitakita. Sa isang lugar kami nagkasamasama. isang lugar na mahalaga para sa aming lima. ito ang pinaka magandang tagpuan ng lahat. kailanman di maaring malimutan ninuman. mahahalintulad mo nga naman ang kapalarang ito sa makukulay na tsokolateng kendi na pinilian at ibinukod ang limang magkaka pareha ng kulay. oo, ibinukod. ganoon kami. Ngayong oras na ito nasa lugar ako ng tagpuan. ako lang magisa. ang ilan sa aming lima ay di ko na alam kung nasaan pero ang iba paminsan minsan kung makita. naaalala ko ang dati na parang kaming lima lang ang umiikot sa lugar ng tagpuan. ang isa sa amin noon sakitin, ang isa naman sadyang pasaway, ang isa tahimik. masaya kami kahit ganoon ang mga kalagayan namin. Pero dumating ang special na araw na di namin namalayan na nabuo kaming lima sa pagkakataong iyon. " o! nakumpleto tayo ah! ang mga original! " sa lugar na ito bawat sulok may mga storya akong naaalala kahit anong paling ng ulo ko hatid ng bawat dapo ng mata ko ay mga alalala. ang pag igib naming lima ng tubig sa pagpupuno ng drum. lima kaming sa lupa noon na dati rating kinatatayuan. lima kaming noon na ang lugar ay nabantayan ng minsan. lima kaming bantay mula gabi hanggang sa pagbubukang liwayway lima kaming minsan kinatulugan ang bubong mula sa pagsasampay at pagsabit ng mga dekorasyon. Dumating na ang panahon ng paghiwalay ng dako. magkakaiba ng gawa at kilos. di makumpleto minsan sa tagpuan. marahil sa panahong darating ang bawat piso mabubuong muli na dating buong lima kami. sana..... sana..... .................................................. ..................................................
Posted by mark david on Jan 13, '08 12:49 AM for everyone  ........................................ ........................................ Madali ako mawalan ng good mood pero madali ku lang din naibabalik ang mood na nawala. i dont eve think na i'm such a moody person kasi nararanasan ko lang ito whenever i illustrate or paint. There are lots of chances that im not satisfied with my artwork. i pause long enough and then i comletely abandoned the unfinishe work. nauuwi sa basurahan na. maybe because of my hand that easily get tired at minsan na over fatigue or dahil di ko trip ang ilang mga konsepto na nagagawa ko. observing my system and flow of my work...now i realized how to get re-energize instantly. May mga times na bigla na lang mawawala ang bad-mood ko.. kung dati rati i need to go sa "new-stage" or some other places to unwind myself pero ngayon kahit di na ko tumayo, magagawa nang ganahan muli. iisipin na lang. kailangan ko ding kasing matutunan to persuade myself. at dahil refueling ito naiisip ko kung anu ano bang makaka boost agad ng mood ko or make me re-energize. And that process is by remembering it or thinking of it. at ito ito yun...: syempre sisimulan ko sa pinaka least then papunta sa special. 1. HOT DRINKS | INSTANT NOODLES. hehe shempre di ito iniisip ko pero ito ang unang hahanapin ko partner ng pagiisip ko. Seriously, nakakabawas sa akin to ng pressure...konting higop ng mainit magiging serious na uli ako sa pagiisip ko, habang tinitignan ko ang usok sa mainit na sabaw at inumin. "haaaaah..." ito nagpapainit ng sikmura ko kumbaga sa makin makina para umandar at tumakbo kailangan magfunction ng utak. 2. FUN PEOPLE | INTERESTING PEOPLE. eto yung mga napapanuod ko sa ilang mga movie at mga palabas sa tv. Gusto ko kasi nag oobserve ng character.. sometimes i do mimicry, trying to imitate those person's character for fun at yun ang isa sa nag ti-trigger ng creativity. Imagining myself wearing their shoes and feel what kind of lifestyle they have..after that, marami na ko matututunan don. May mag tao kasing unique ang lifestyle. Mapa celebrity or political person. Kasama ang mga yan sa iniisip kong pinagpipilian ng pag aaral sa characteristic ila. From their mannerisms to physical appearances. Lahat yan pinapansin ko. Nakikita din kasi dun ang ugali nila eh. Sila rin ang pinagmumulan g ilang concepts sa mga artwork ko. 3. CREATIVE AND TALENTED PEOPLE dito naman mag start ang mga inspiration. Papasok dito ang music and arts including other forms of it. Sa music kasi maraming talented sa pag create and formulate ng mga sounds and beats. From classical to hardcore music pinakikinggan ko. ibat ibang musician and bands na may mga kakaibang himig at tugtog. Kaya kapag napapakinggan ko ...dun ko naman nasasabay ang emotions ko. Sa classical nag papa kalma ng environment ko kapag may mga taong sadyang wla sa hulog. Tipong gustu kang awayin at sirain ang mood mu..pero dahil sa music na pinakikinggan makakalma ka. Sa rock music naman dito naman patatakbuhin ang creativity mo. Sa music na to ang mga tugtugan kadalasang sumisigaw, na ito rin para sa akin nagpapasigaw ng mind ko para mag isip. Parang pinipiga niya ang creativity mo. At shempre sa ibang type naman ng music nag iiba ang approach kaya depende din kung ano ang ma-tripan. kasama na din sa nag papa energize ay ang makakita ng mga artworks din. Kaya mahilig din ako mag collect ng mga art magazines na may laman ng different forms of artstyles and with the talented artists din. painters and illustrators. i also bought children's books, sa loob it has a unique styles of illustrations. HATAAW! and lots of good stories din ( hehe trip ko kasi mga soryang pambata ) Sinasabi nga na ang mga bata ang pangunahing creative. They always experiment and curious from everything that is around them. ( kaya yan tuloy... nakakakaen ng tae eh! ) 4. FRIENDS may dalawang klase akong mga kaibigan. Mga kaibigan ko nung (1) maliit pa ko hanggang sa highscool ganun din sa college at (2) ang mga kaibigan ku sa church. Sila naman iniisip ko kung meron akong particular na situation na gutu kong matuwa. Mga kakulitan ko kasi sila. Sila yung mag share syo gmmga magagandang experiences sa life. Maaalala mo kasi ang support nila syo na tipong nag cheer for you to continue what you're doin. Sila yung you can to about principles, concepts, ideas etc. ( malawak ) Those energizes me! 5. SPECIAL SOMEONE This wont really cheer you up literally but there is a wonderful things happen when it think of this particular person. It really inspires you. We i see this person coming...i automatically know that she's going to lift your day up. i cant really put it to details..its like an unexplainable thing. hindi ma i-letra. Ngiti pa lang kasi ng mga labi nakakagaan sa pakiramdam sasamahan pa ng mga ngiti ng mga mata. hwoh! life! ito naman kasi nakaka pag push lalo ng creativity mo. kung kanina parang pinipiga..ito di lang yun ang nagagawa e. basta di ko ma i-letra o masabi man. 6. FAMILY ang healthy onnections with close relatives also requires a great deal of energy. ito dapat ma-maintain. Sila ang mlapit na kauna unahang mag encourage sayo kasi isang batok lang babalik kana sa realidad mula sa kakaisip ke special someone! HAHAHA kakaiba ang energy ang nabibigay ng mga magulang. Physically, metally and emotionally pniguradong aalagaan ka para makapag isip ng tama. and lastly, ang pinaka aalaga sa lahat.... 7. GOD Ito nagbibigay sa lahat kaya ang anim sa itaas ay sa kanya galing. Di mo makukuha ang energy na kailangan mo kung wala siya. At dahil siya ang pinaka special siya din ang nagbibigay ng mga taong very inpirational ang mga taong kinakasangkapan niya na magturo sa amin ng tamang pagiisip na alam natin na sa Kanya din nagmumula ang pagtuturo. Sila ay bigay ng Dios para ipaunawa ang Kanyang mga Salita. We need regular refueling, kilangan natin ng taong who can stimulate our thinking, makes us laugh and inspires. Now the refueling is done Thanks be to God! .................................................. ..................................................
Posted by mark david on Jan 13, '08 12:47 AM for everyone  .......................................... .......................................... " pakawalan mo ko dito! " ito ang isinisigaw ng utak ko sa lugar na madilim kung saan dito ako ikinukulong sa tuwing ako ay nakakagawa ng hindi tama. ang banyo. pero hindi ito ang dako na ayaw kong panatilihan. ito kasi noong una ang ayaw kong pasukin. lalo na kung patay ang ilaw nito. nung bata pa ako, dito ako isinasalpak para tumino. kaya nanginginig nako sa takot kapag alam ko na dito ako dadalhin sa madilim na binubulateng banyo namin noon. wala akong magawa. kaya pagkalapat na pagkalapat ng pinto sabay switch-of sa ilaw... magsisismula na akong sumigaw at umiyak. sa panahong yon malaki ang takot ko sa mga bulate ( sa ngayon kasi uod na ang ayaw ko ) kaya sa takot ko na makaapak nito sa dilim.. pinagsusuntok ko ang pintuan ng banyo, sabay dampot ng kung anong bagay na madampot at ibabato sa pintuan, sabay suntok muli sa pintuan. nararamdaman ko na lang na yung tabong naibato ko ay tumama sa kamay ko sa pagsuntok ko sa pintuan. namumula sa takot, sa galit at inis sa pagkakakulong. kitang kita nila ang nag durugo kong kanang kamay. ganito ang nararamdaman ko noon sa lugar na ayaw kong puntahan noong bata pa ako. sa ngayon, ang ayaw kong dako ay ang HOSPITAL. alam ko na ang lugar na ito ay lugar na maraming natutulungan at nasusuportahan ng buhay pero dito rin dinadala ang may mga karamdaman, malubha man o hindi, dito dinadala. masakit kasi sa kalooban ang makita ang mahal mo sa buhay na mapupunta dito lalo na kung may malubhang karamdaman at makakakita ka sa lugar ding iyon ng mga ibat ibang karamdaman ng taong naghihirap. at ang pinaka masakit ay ang kawalang pagpapahalaga ng mga doktor sa kalagayan ng kanilang mga pasyente. nasaan na ang mga puso niyo? marami kaming kilala na malaki ang pang unawa na mga doktor. pero nakatyempo ako ng mga doktor na walang pag mamalasakit. tumitingin sila sa status ng pasyente sa lipunan maging sa mga bantay ng mga pasyente. isang buong gabi akong nanatili sa ospital na ito kapiling ang akig lola na nakaratay sa higaan. na kasama sa lugar na yun ay ang mga ibat ibang pasyente. ang tanging hinihiling ko lang ng gabing iyon ay ang mag umaga na sana at mailabas na ang lola ko sa ospital na iyon. dahil alam kong mahina na ang immune system niya, madali ang posibilidad na mahawa ng ibat ibang sakit sa paligid ng ospital. makalat at madumi ang paligid. sa lugar ng E.R. partikular sa NEUROLOGY area na karamihan ng pasyente ay sa utak ang naapektuhan ng sakit. nakakaawang pagmasdan ang mga kapus palad na mga pasyente. mayroong batang kulang sa Potassium kaya ang katawan nito ay nananakit at ang ga kamay niya at paa ay tumutuwid ng di sinasadya dahil sa sakit niya. walang magawa ang mga magulang niya kundi pigilan siya sa pagpalag sa tuwing lumilikot ito sa kirot na nararamdaman. umaalingawngaw ang balahaw ng bata. nayuyuko na lang ako sa awa. mayat maya pa ay isa isa nang nagsisidatingan ang mga na-stroke na pasyente dulot ng labis na aginom ng mga alak at beer. isang pasyenteng dalidaling dinala na walang malay. nangingitim. at maya maya ni resetahan na ng ( pasaway ) na doktor. pero walang pambili ng gamot kaagad ang mag ina na nagsugod sa pasyente. nang magkamalay na ang pasyente ( pero wala ito sa kanyang katinuan ) nagwawala na ito at nagpupumiglas kasabay ng upag ungol. di mapigilan ng anak sa lakas ng pasyente kahit kami na tumulong na mga kalalakihan sa loob ng area na iyo ay di magawang mapigilan ang pasyente. ang mga doktor walang keme. nakikita na nila na nag hihirap ang pasyente wala man lang silang ginagawang hakbang! Grabeh!! mga walang pusot pakiramdam!! kaya ayoko ng dakong ito. di ko kayang magtagal at sumaksi sa mga ganung sistema na pagpapabaya nila sa pasyenteng walang kamuwang muwang sa panggagamot!! ayoko ng lugar na iyon! kung panung inayawan ko ang dakong ipinangkukulong nila sa akin nung bata pa ako at pinagsusuntok ang pintuan. hwag nawa silang makaranas ng hindi na kayang mapigilan ang sarili sa nakikitang pamamalakad nila sa ospital at bigla na lamang sapakin sa inis na pinakikita nila sa pag trato sa mga pasyente! mga doktor na lapastangan sa pag practice ng kanilang propesyon! naturingang nakapagaral at tinuruan para tumulong sa kapwa.. pero ang sinusukli nila ay isang malaking kapabayaan at nagbibgay sa serbisyo dahil lamang sa pakinabang! ito ay sumasalamin sa sisitemang tumatakbo sa gobyerno ang kawalang pag priority sa ating lipunan na syang mga taong nagbibigay kapangyarihan sa kanila upang mailuklok sa upuan ng palasyo. hoooh life!!! save lives naman diyan!! wag kayong magbulagbulagan!! ............................................... ...............................................
Posted by mark david on Jan 13, '08 12:44 AM for everyone  ............................................. ............................................. Nagrereflect sa amin kung papaano naging mabuting magulang ang mga magulang ng aming mga magulang sa paraan ng kanilang pagpapahalaga nila kahit magkalayong distansya ng pamumuhay. Sa side ni papa ko ayon sa mga kwentong na i-share nya sa akin, ay di sila ganon ka close or ka-attach silang magkakapatid. Si Ama at Angkong, magasawang parehang may mabuting kalooban. Ang isa ay taga China, ang isa naman ay Ilokana. Sila ang lolo at lala ko. Maagang namayapa si angkong sa sakit na kamakailan ko lang nalaman. Di ito naikwentu dati ni papa ko. Isang sakit na kahit ikaw na anak na may amang ganung kalagayan o klase ng sakit ay di mo din ito makukuhang ikuwento ng buong lakas ng loob kahit kanino man. Kasi di mu maiiwasang may papatak na luha sa mata mo. Eto ang nangyari sa pagkwentu ni papa tungkol sa lolo ko... ang aming angkong. Mahal na mahal ni papa si angkong. Ito ang sinasabi ng utak ko na may konting mugto sa mga mata ko. Pinipigilan ding pumatak at nagpupumilit na wag sumabay sa agos ng pakiramdam ni papa, na kahit anung pilit din nyang pagpigil sa luha nya ay tutulo at tutulo pa rin ang luha sa bawat pagpikit nya. Ang angkong ko kasi ay may sakit na kailangan na lang mabuhay o huminga sa pamamagitan ng aparato sa ospital na kayang sumustain sa kanya ng oxygen at kinakailangan din syang saksakan ng gamot sa katawan na magpapamanhid sa sakit ng katawang nakakaramdam ng madalas na pagkirot. Sa kwento ni papa halos ayaw nyang idetalye ang buong kalagayan ni angkong. Lumuluha na kasi si papa sa mga susunod na pagsalaysay ng kanyang kuwento. Umuungol si angkong sa tuwing makakaramdam na daw siya ng sakit o kirot sa katawan. Halos "green" na daw kasi ang complexion ni angkong. Di nakakapagsalita tanging ungol lang ang madidinig mu sa kanya. Di rin makagalaw o maikilos kahit isang daliri. Pero malalaman mo lang na nadidinig ka niya sa pamamagitan ng pag galaw ng mata. Sa paraang iyon dun lang kaya mag pesponse ni angkong. " VEGETABLE" ang term na ginamit na pang describe ni papa sa kalagayan ni angkong. Kapag kinakausap ni papa si angkong para malaman kung nadidinig, ay ikikilos ni angkong ang kanyang mga mata at titingin sa direksyong pinanggagalingan ng tinig kasabay nito ay ang biglang pagluha na walng idea sila papa at ng kanyang mga kapatid kung ano ang gustong idaing o sabihin ni angkong. Di malaman kung lumuluha sa sakit na nararmdaman o ang sakit na nararamdaman ng puso na makita ang kanyang mga anak na umiiyak sa harapan niya na maaring naiisip ni angkong na wala nang magtatanggol na ama sa kanyang mga anak. Marahil bilang isang amang mapagmahal sa anak ito ang maiisip. Ang iba pang detalye ay di na tinuloy ni papa pagkatapos huminga ng malalim sa pagkaka kwento niya nito. Ang mga ilang part nito sa mga nakaraan na buhay nila papa ay nabanggit niya dahil sa kasalukuyang kalagayan naman ng lola ko. Halos di nalalayo ang naging kalagayan ni lola ko sa nakaraang kalagayan din ni angkong. Na naging dahilan ang maagang pagkawala ni angkong kaya di ko siya nakita kahit minsan o kahit ako ay di man nakita ni angkong. Ang ikinapareha nila lolo at lola ay ang parehong di makakilos o makagalaw at makakain. Kung pakainin siya ay hindi sa subo na gaya ng ginagawa sa mga musmos na batang walang kakayahan gumamit ng kutsara o tinidor man, kundi sa pamamagitan ng hose o tube na naka-attach sa ilong niya na may extension ding tube na nasa loob nito hanggang sa stomach niya. Maselan ang kanyang kalagayan sa madaling salita sa lahat ng paraan ng pagaaruga at kailangan ng matinong pagbabantay partikular ng isang mahal sa buhay ni lola ko. Di mo kasi maaasa sa mga intern na nurse sa hospital sa Manila Doctors kaya di din ganun katutok dahil all they do is just for the grades or allowances or simply for the salary that the hospital give to them. Kaya kung "CARE" lang din paguusapan di ko masasabing they totally have the the intensive care. Maaring sa proper system and technicalities... but they lack an intimate care kaya sila papa at ng mga kapatid niya nag decide na i-confine sa bahay ng tita ko si lola so that we could monitor her condition 24 hours without limiting us kung ilan ang gustong magbantay at magasikaso kay lola ko. Dalawa lang kasi ang pinapayagan ng hospital na mag over-night dun sa room. So, before ma transfer si lola pinagaaralan na namin ang proper feeding sa kanya sa tulong ni Wela ( cousin ni tita Esther ko. ) na isang regular nurse dun at ni Ms. Madellaine Anne Sta. Cruz ( student nurse ) at dalawa pang di ko ma recall ang name. ( Gantihin nawa ang kanilang mabuting pagasikaso. ) Sila ang nagturo para gawin sa paguwi ni lola sa bahay ng tita ko ang mga ganito. Sa proper way ng pag suction sa plemang bumabara sa lalamunan hangang sa pag clapping sa likod ni lola from every turning position na ginagawa namin sa kanya. Di biro ang pagiging nurse. Very awarding ang profession na ito. Wag lang kakalimutan na ang klase ng trabahong ito ay ang pagtulong o makatulong sa kalusugan ng kapwa tao. Si lola ko halos i-give up na sila ng mga tita ko dahil daw sa nakikitang kalagayan ni lola, pero we're not the one who can decide to take someones life. It is against the law of God. Luckily, si papa at si tito na panganay sa kanilang lahat ay against sa ganung practice o idea na itigil ang pag sustain sa buhay ng lola ko. Masama ang pagkuha ng buhay ng isang taong may hininga pa. And we stand beside them for that kind of principle! Sa opinion ko kasi naman... di kayang i-compare ang nine-months ng pagtitiis ng ina kapag nasa sinapupunan ka niya hanggang sa paglabas mo sa mundo at ang ilang pagod at hirap sa pag aaruga hanggang sa makatayo ka sa sarili mong mga paa, kaysa sa ilang araw mo lang ng pagod ng pagbantay ke lola o sa nanay nila. YOU CAN'T GIVE UP FOR THAT LIFE INSTANTLY! Just look back and you will realize the difference. Kayat hanggat di pa panahon ni lola na mahinto ang kanyang hinga at patuloy na binubuhay pa ng Dios. Isa lang ang ibig sabihin non.. na may tinuturong aral si God na " ang pagiging matalimahin sa magulang ay nagpapalaon ng buhay.. " at ito ang naipapakita nila papa at tito na isang way din na nagtuturo sa aming magkakapatid at mga pinsan ko ng pagtalima din sa aming mga magulang. Para maisip nila tita na kung pano ang pagpapakita ng intimate care kay lola ganun din ang gagayahin ng kanilang mga anak. We all hope na gumaling na si lola ko but the reality dictates because of her age and condition right now.. anytime soon if God wants to take the life HE will be the one who'll get the life of our lola.. not us or any person in this world. The important thing is we do our best to sustain and maintain the proper care that she needs and God will do the rest sa mga di na namin abot ng aming makakaya. Thanks be to God. ................................................. .................................................
Posted by mark david on Dec 8, '07 3:08 PM for everyone  ........................................ ........................................ 11-24-07 Mainit. Luma. Old school. Maaraw. Ito ang ilan sa mga mai dedescribe ko sa pag time travel ko, ang makalumang panahong puno ng aksyon, ibat ibang experience at higit sa lahat ang mga bawat masasayang alaalang napuntahan ko sa aking paglalakbay kasama si Papa. Mga alaala niya na parehas kami tuwang tuwa at masaya. Ito ang isa sa pinaka masaya sa buhay ko ang makinig ng mga storya ng buhay at ang mga pinaka paborito kong pakinggan ay ang mga storya ni papa ko. Mga kwentong tila isang pelikulang pinapanood ko habang nakangiti nyang isinasalaysay ang mga exciting na pangyayari. Tara. Sama ka sa pag time travel ko uli. Mark! Mark! Mark! di ito yung kahol o tahol ng aso na ngongo ha... kundi ang pasigaw na summon ni papa sa akin. " 'lika... paki pindot mu nga saglit itong mga kamay ko. masakit eh. " ito ang madalas na lambing ni papa sa akin sa tuwing naka ready na syang mahiga at matulog sa kwarto nila ni mama ko. Sa tuwing pagod siya kitang kita ko ang kumukuot na noo niya at magbabanggit ng mga ilang daing niya sa katawan niya. Matanda na din kasi si papa. Ang gabing ito ay muli kong nakita ang kanyang mga tawa na gaya nang panaon na kakwentuhan niya kami ng mga pagkasiga niya noon sa skul at sa lugar nila. hehe which is i like the most from all of his story.. para kasi syang pelikula pag naikukuwantu niya with matching sound effects pa! Kahit nung maliit pa ko gustong gusto kong makinig ng mga kwento niya. Mga kuwento noong bata pa siya. unti-unti nang nawawala ang pagod niya sa pag lambing ko naman sa kanya na magkwento pa habang sinasabayan ko ng mga hilot sa braso at kamay niya. Natutuwa kasi ako kapag nakukuwento niya ang lahat ng mga pinag gagagawa niya nung maliit pa siya. Mula sa pangongolekta niya ng mga bagay bagay, sa mga kakaibang experience niya, sa pagiging iba niya sa lahat niyang mga kapatid hanggang sa kung papaano siya kinatuwaan ni ama ( lola ) at angkong ( lolo ). Di ko pa nakita kahit minsan si nagkong.. sa picture nga lang ata eh. Maaga kasi namayapa si angkong di pa ako pinapanganak ata nun eh at si lola ko kasalukuyang nagpapagaling sa ospital dahil sa heart failure.. na stroke kasi siya. Isang dahilan din kaya hinayaan ko magkwento si papa kasi ayaw ko siyang makitang balisa o depress sa kasalukuyang kalagayan ni lola ko ngayon. Kaya nagsimula ang kwento niya sa amin. Kung papaano niya kaming pinalaki na masasaya. Naalala kasi niya kung paano kaming apat ay nag aagawan na mag pabuhat sa isang mataas na shower faucet namin sa banyo at isa isa niya kaming binubuhat at itatapat sa shower na pinupuno o sinasalok ang tubig sa tiyan namin. Dahil isa lang si papa at marami kami, mahina ang kalaban sa aming apat kaya lahat kami nag aagawan sa kanya na mabuhat at iatapat sa shower na nagpapalunod kami sa lakas ng pressure na nailalabas nito. " Ako Namaaan! " At dito na niya naalala ang buhay bata niya. Nagsimula na siyang ikuwento ang ilang bahagi ng makulay niyang pagka bata. "Grade 1 pa ata ako neto." sabi niya. Eto na rin ang simula ng time travel naming dalawa sa loob ng buhay niya. Ang karaniwang kinahihiligan noon ni papa ko ay ang manuod ng Sine. Dito nga daw niya ata nakuha ang pagiging creative niya. Mala action-star siya nug bata pa siya. Ala detective din kung minsan dahil sa dami ng collection niya. Mga collection na mga baril. Mga bakal. Pero laruan lang lahat ng iyon syempre. Ang pagiging unique ni papa noon sa lahat niyang mga kapatid ay ang pagiging craetive. Gumagawa siya ng mga secret hide-out and storage para sa kanyang mga baril-barilan. Ang bintanang taguan na sa likod ng bintana ay nandoon lahat ng ibat ibang klase ng mga baril ni papa na regalo pa daw sa kanya ni angkong. nandon din ang improvise Latigo niya! wapak! Sa mga drawers na detachables na isa itong taguan naman iya ng mga collectible cards niya at iba pang mga nakokolekta niya. At mayroon din siayng nagawang secret passage way para gawing taguan ng sarili niya o takasan niya sa tuwing patutulugin na siya sa hapon ni lola. " Sa akin niyo ata naman ang pagtakas niyo pag pinatutulog kayo ni mama niyo eh! " natatawang sabi niya. Nagtawanan kami pareho. Habang ang likod na niya ang hinahagod ko ng pagmamasahe sa kaniya. Naikwento din niya ang pagkukupit daw niya noon ng mga barya sa sinaunang kahera nila sa tindahan nila angkong. Pababa sa tindahan na di pinansin ang sobrang dilim ng paligid at naisantabi ang takot dahil sa dalang flashlight papunta sa kahera. sinu-si-an. Lumabas ang mga kwarta! JACKPOT si papa! haha. " Sa akin mo naman namana ata yung pangungupit mu din nung maliit ka pa. ha-ha-ha " Nagtawanan kaming sabay at napa yukong nahihiya sa kalokohan ko noon. Maya maya pa ay nakatulog na si papa. Marahil sa ibang araw muli kaming magkukuwentuhan. Ang gaan sa pakiramdam kahit puno ng problema sa ngayon pero awa ng Dios nakangiti pa rin kami. At isang masarap na pagmasdan ang matulog si papa ng mahimbing na may ngit sa kanyang labi. Panandaliang ngiti, Suliraning pinapawing muli. .................................... ....................................
Posted by mark david on Dec 8, '07 2:59 PM for everyone  ....................................... ....................................... Sa buhay mo minsan nakaramdam ka ng isang masasabi nating masarap kasama, kakuwentuhan at kumbaga eh masarap kasandalan. Ito ang rare quality ng isang kaibigan na tunay, na mahahanap mo sa paglakad ng buhay mo. May mga times na you will also test them if they will stay too long for you. To prove their loyalty, it is necessary to test them through experience how will they treasure you or the other way around. Check if they will share, can sacrifice and respect and concern for you. Lots of things to prove. Lots of friend to put in a test. including myself. Nung kinder, nagkaron ako ng mga kaibigan na tingin ko aabot sa pamantayang nasabi ko kanina ( but in a perspective of a child ) Pero pinaghiwalay din ang pagkakaibigan niyo ng panahaong di mo inaasahan na kailangan na pala niyang mag transfer to another school. ( Nakalimutan ko na name niya ) Dahil sa pagalis niya panibagong pakikisama naman ang ginawa ko sa taong nasa paligid ko. Nagiisa na lang ako. Mapili ako sa kaibigan. Hindi ako kikibo hanggat di malapit loob ko sa taong yun or di ako mapapangiti sa kanya. Di ba ikaw si mark? sabi ng klasmeyt ko. .....? Laro tayo Barbie doll. ...... ( nag walk-out na ko ) Pero that time since puro laro lang din ang nasa isip ko nagkaron din ako ng mga kalaro ( hindi kaibigan.. ang bata bata pa kasi nila, magulang na sa larong "touching ball" at "mataya-taya". balagoong ako. ) Kaso napagkakasama ko naman mga bully. nahawa ako ( instantly ) syempre. At dumating na nga yung time na ala-mobster na ang dating namin at ako ang tila ang kanilang "DON" ( from the movie concept of the godfather ) Madalas kami nang bu-bully ng kapwa namin bata sa loob ng classroom namin. Pero ang grupo ko mabibilang mo lang din sa daliri. Kung anong konti namin eh siyang marami namang mga batang na bully namin. Di naman kasi kami kasing brutal ng mga bata ngayon. Mabait pa nga kung tutuusin kung ihalintulad sa panahon ng mga batang pasaway sa ngayon. At madalas din kami mapagalitan ( at paluin ) ng syen-si ( teacher ) namin. Ang mga syen-si kasi namin akala mo mga swordsmen ng samurai X na mala hidden-mitsurugi-style kung pumalo. makikita mo na nga halos ata yung hiwa ng hangin na gumuguhit habang dadapo na sa iyong palad o puwet ang napaka habang stick ng bamboo niya. Luckily..di naman nahihiwa ang mga kamay namin at puwet. Nagmistulang RED-light ng isang stoplight na lumiliwanag sa pula. Tumitibok ang mga muscles mo sa maga ng pagkakapalo. ARAAAYKOO! Tumino ako pag apak ko sa grade school. Madalas ma excuse sa mga assignments at quizzes sa pad-paper na papagawa ng teacher. Ako kasi taga gawa ng visual aide nila at bubulaklakin ng pagsuyo ang tenga mo na ipapasa ka nila. Wala akong magawa kundi pumayag. Yes! wala akong assignments! Nagkaroon ako uli ng mga kalaro ( this time dahil madalas silang mag padrawing sakin ng parts of a cell. At ng gumamela flower, cotyledon and non-cotyledon, pati mukha ng crush nila. Ang sya nyu din eh noh?! Dahilan na din siguro na masyado akong mabait sa kanila ( lalo na kung crush mo na ang makikisuyo, tatanggi ka pa ba? ) Nang umabot na kami sa pagiging grade 4 student, duon na nag start ako magsimula mag seryoso sa pag aaral. Nakipag-compete sa mga kaklase kong tila nakadikit na ang mga pangalan nila sa top 3. Matagal din na sunugan ng kilay ang nangyari non.. matinding pag upgrade ng utak. ( buti na lang isa sa top 3 ang nag pa inspire sa akin nun. hehe ) Natutuo akong magseryoso sa studies hindi dahil para magpasikat sa kanya. The fact is, nakakatulong din kasi if she is around. Napag aaralan mo kasi ang lifestyle niya. Inaalam mo ang lahat ng favorites niya, from color to her fave subject na pagaralan. At kailangan mong mag basa ng mga autograph notebook ng mga classmates mo para matuklasan lang lahat ng likes and dislikes niya. ( kindat ) naging metikuloso ako sa bawat kilos at pagaaral niya.. Kaya duon din nagsimula na magaral ng matino dahil sa kanya. Daming Benefits! Kaya kahit di mo hilig ang isang bagay mahihiligan mu din kasi dahil sa kanya. Ayun! Naabot ku din ang isa sa top 3 ( kung alin doon ay wag mo nang itanong at siguradong hindi ko inabot ang top 1 ) Hidi ko naging ka close ang taong nag pa inspire sa akin nun pero sa loob loob ko itinuring kong kaibigan sa tulong na ginawa niya na wala siyang kamalay malay. Sa pag apak ko naman ng highschool ang napagkakasama ko naman ay mga weird, not totally na weird in a sense na they're nerd and geek or something. This year kasi dito ako nasisimulang humanap ng totoong kaibigan. Sa feeling kasi na umaapekto sa problemang di sakop o walang kinalaman sa pag aaral. Kaya nakipag kaibigan ako mismo sa kanila. Kasi nagtataka ako mismo sa kanila e. nagtataka sa kalagayan nila... na tipong out-of-place or left-out sa ibang group. Then i discover that their lifestyle, background, mga hilig, all of it ( except sa mga personal secrets nila ) ay kakaiba at unique sa makikta mo na akala mo normal na tao sa paligid mo. You'll be learning more to them not the lack of social personality but the way they face the problem in a unique sense of being determined. Nakaramdam ako ng ginhawa pero di sila ang tipong makapagbibigay sayo ng perfect vision of life, sometimes they have this attitude of making themselves pity. i dont like self-pity. Kaya nakipag kaibigan ako sa ibat ibang groups sa class namin and in other sections kasi bawat groups mayroon akong makikita na ibat ibang characteristics.. my weirdo, freak, intelligent, has a sense of humor, sporty, artistic, unusual, unpredictable, etc... these groups are also divided for some individuals na merong mga positve points of view and persons that has a unique sense of life. Which is somehow naka barkada ko. Luckily, yung taong nag pa inspire sa akin way back sa time na nainspire mag aral ng matino at makipag compete sa honorables ay nandun din sa barkada ko ngayon. YES! But this peer are not the one who can exactly advise you spiritually by doing good deeds.. but i know they also have a good heart considering the common good things that theyve done but i have other groups of special friends who can dig your deepest emotion and toughts if they can see you troubled or depress. They're the true friends who will not make you choose between them and your other friends, instead they'll want you to choose both and try to influence them in good works we've learned from the sensible persons we know in this generation. Both of this group are dear to me, they taught me lots of things.. improvement, development, skills, self-realization, commitment, responsibility, humbleness and most specially LIFE. What taught me to treasure them both its because of the quote : "Matuto kang umibig sa iyong kaaway..Lalong mapapamahal sa iyo
ang mga di mo kaaway. " -bro. eli soriano
......................................... .........................................
Posted by mark david on Nov 1, '07 12:09 AM for everyone |  | ............................................ ............................................
this was the second time that Tintero held an exhibition which is another jaw-dropping and awe-inspiring artworks with an amazing concepts in every masterpieces of the artists.
cj's and andy's work seems to be dark concepts but if you heard the meaning or got the idea how they created it you'll be amaze as i was! winner ang mga work nila!
specially yung ke jon... he share the idea of what're the concepts he build from his painting "the anatomy of waiting".
they're all great artist of this time.
meron din nga pala iba pang artist na nag visit sa gallery isa na don syempre yung magagaling tulad nila ma'am Janice Young ( hehe medyo nakakahiya nga nung time na yun kasi... basta nahihiya ako. ) the fact is i've got no idea what topic should i say to her but im lucky she recognize me. hehe ( iba talaga ang multiply! )
and other friends drop by too.. dj from the serenade orchestra... hindi sha yung tumu- tugtog sa album na ito ha.. (di ku kilala yun. peru magaling sha.)
ayun.... as usual.. this is limited to tell all the details. all the gaps and in-between this images has a story to share. but writing it down here will just make look the site uninteresting. just go over the images...enjoy viewing it.
by the way, thanks to my friends jorg and nagfroi for sharing some of their photos.
saludo!
n_n
........................................... ...........................................
|
Posted by mark david on Oct 28, '07 4:55 AM for everyone |  | ............................ ............................
Thesis Project of Ms. Abigail Villareal (yak! masyado pormal)
eto ang mga pinagawa ni abby (kaibigan kong isang masunuring bata na kahit anu gagawin nyang pose. haha)
sino sino ang mga tumrabaho :
ako. si roydex si tito potato.
lahat yan rush! ambait mu abby! haha pero ayus lang. we all got paid. at first di kuna dapat tatanggapin dahil napaka iksi ng time. since ang mga kasama ko ay game at naawa ke abby. pinilit na lang namin ma beat ang deadline.
ang color. alam mu na abby kung bakit yan ang kulay. hahaha we have a common denominator SYEMPRE! n_n
well we hope you and your group got good grades for this...
ayt! n_n
yung mga pix... ahehe yan yung time na diniliver ko ung project nya. at syempre since mag bestfriend sila ni michelle tse, ayun...
"kuya......!!! sigaw ni chel. pichur tayu daliiiiiii....
yan. ang mga batang ka edad ku lang na pilit nila kong tinatawag na "kuya mark".
(im only sweet sixteen) wala nang kokontraaaaahhhhh!!!!
n_n
fact: di aku sanay mag papichur nang maraming tao sa paligid. kainis.
.......................... .......................... |
Posted by mark david on Oct 21, '07 1:58 AM for everyone |  | .................................................. ..................................................
" think out of the box "
but for the mean time we'll be putting ourselves from outside to inside. the interiors.
the Philippine School of Interior Design celebrating its forty years of excellent interior design with the theme:...
" Forty Filipino Fabuluos"
This exhibit will run till October 31 from 10am to 8am at the Paseo Center, Makati City.
I'm not ending it like this. We capture this moments to share all what we had experienced.. since one of the student, Sheanah Tse ( cousin of my friend Michelle ) invited them. ( eh may kinalaman sa art kaya nakisabit na din ako para sumama. ) Riding from Parañaque to Makati was exhausting ( kasi wala pa ako tulog that time ) using their "kotsi" driven by Manong whom i thought got a big crush on Abby. Hahahaha. ( matindeh ang kamandag mo sa oldies )
As we enter.. ( syempre anjan ang todo bati ng mga tao sa front desk. They gave us a piece of paper para bumoto ng swerteng team of designers na trip namin base on their designs syempre ) They all have great designs. Some are elegant, sophisticated, masculine, minimal and complicated. Using materials na kakaiba. Sa wall treatment lang ako na dismaya. yung iba kasi madumi as if not done perfectly. ( lampas ang pag kaka-paint..basta mga ganon )
Well i will not spoil everything to nail-down all the details what we saw in that exhibit but this photos may serve you all the adjectives that i may put to it positively. ( except for the images of my friends. They really want to be one of the accesories of the designs! Haha )
Find time at least to visit the place.
By the way, salamat sa mga panalong pose ni abby. isa kang masunuring bata! wahaha...
Saludo.
Good Day! n_n
................................................... ...................................................
|
Posted by mark david on Oct 13, '07 1:13 PM for everyone |  | ........................................ ........................................
exhausted and overwhelmed.
This was the result of our malufet na adventure in Avilon Zoo at montalban rizal. Naalala ko tuloy yung word na "adventure" kay ate ng information booth sa entrance. "If you need a tour guide... blah..blah..blah... ( after one year na todo explanation.)
deadma.
Deadma lang ang beauty ni ate dahil no need for a tour guide. (sayang laway niya tuloy.) ang mahal naman kasi eh! nakanantuts! Kaya hala! ayun nag adventure-adventure na lang ng walang provided na mapa.
Umpisa pa lang ng pag lagpas sa entrance at di pa kami nakakalayo. aba! ang mga lokarets naglitratuhan at pichuran na agad. Sa entrance pa lang kasi marami ka nang makikitang good subject to be taken. ayun. lobat agad ang camera nila. Kakapichur dito at doon dumating sa punto na.....
etu ang masaya.
umulan. ayos!
Pero...huminto din agad after 20 or 30 minutes ng pag tambay sa silong. Bago kasi kami sumilong, basang basa na sila sa ulan. tawanan dito. hagikhikan doon. ( naisama na kasi ang mga masasayang moments nuon eh. feeling highschool pa rin. )
when the rain stop we continue our journey. ang masayang ikutan. ( sarap lapatan ng background music.)
Napadpad sa ibat ibang kulungan ng mga hayop. Tulad ng isang malaking tubig-tabang na isda na parating bukambibig ni arvin. (trivia: si arvin ay isang anak ng isang kontrabidang aktor na madalas makikita sa mga pelikula ni fpj.)
ARAPAIMAS - ayon kay ati... "nagkalaki ng piptin pit tu sibintin pit. (seven na. ten pa!)
aroooo....
Ang isdang ito sa nakita ko, itoy pinakakain ng patay at fresh na nokma. Si ati kasi nag bebenta ng patay at fresh na pinakakain dito. ayus. ang trabaho nyang magpakain sa alaga niya, pinagkakitaan pa! hehe pero ok lang din. aliw.
"ati..este ate, nangangain din ba ng tao yan? yung bang parang alimasag..ay! aligator pala." tanong ko.
natulala si ati... este ate.
"di man siguru. kasi wala naman sila ipen o pangil. Meron lang silang matibay at matigas na dyoo... (jaw.)" sagot ni ate.
naisip ko. "anung konek?"
"Salamat ate..." bati at paalam ko sa kanya.
Marami ako napichuran na hayop, sa album na ito. (hindi kasama mga friend ku.mukha lang silang ganon.) Pero yung isang balbuning naka damit pang-tao. Si jenny yun. Isang Orangutan. friendly.maamo. ( sana may friendster sha. )
Nakain kasi kami sa canteen, ng biglang sumulpot! (teka, wrong term. bantot pakinggan) biglang lumitaw pala. Si Jenny. nangangain ng buhok at nanghihipo ng pwet. haha
Ayan. Marami pa sana akong gustong ikuwento behind those gaps sa mga photos dito. Anyway,this writing is too long na rin. So just browse and the photos will actually paint you a thousand words by itself. (or more)
---thanks abby,chel,arvin,beth,alvin and shobe. panalo kayo!
saludo!
............................................... ............................................... |
Posted by mark david on Oct 6, '07 2:30 PM for everyone  ............................................. ............................................. etu yung isang libro na trip kong ma purchase. gawa ng Canvas. nakakaaliw kasi yung story pati illustration. isinulat ni FERNANDO ROSAL GONZALEZ at pinta ni Rodel Tapaya-Garcia. nilalagay ko dito dagdag inspirasyon. para balik balikan ko. syempre para maalala ko rin na bibilhin ko ito. enjoy reading. “Ang Batang Maraming Bawal” is the winner of CANVAS’ second annual Romeo Forbes Children’s Storywriting Competition, and is a simple tale of innocent hope and imagination. Written originally in Filipino, our biggest difficulty was the title, for which we could not find any appropriate translation. Suggested English titles like “The Boy Who Couldn’t Do Much,” “The RX Kid,” “The Boy Who Couldn’t” or, what probably is the closest translation, “The Boy Who Wasn’t Allowed to Do a Lot of Things” – all couldn’t capture the spirit and humor of the original title. In the end, we chose the easiest solution, which was to simply refuse to translate the title. .............................................. .............................................. Kung ang ibang bata, takot sa ospital, ako yata, sa lahat ng mga bata ang maninibago sakaling lumipas ang isang buwan na hindi man lamang nakakadalaw sa aking doktor. Kami raw ang mga batang sa pagkasilang pa lang ay mayroon ng mga kapansanan. Sabi ng iba, kami raw ang mga tipo ng bata na kahit kailanman ay hindi tatanda. Ang tawag nila sa akin, si Romeong Mapangarapin. Mahilig daw kasi akong managinip nang gising. At napansin din ng iba na ilang buwan pa lang nang ipinanganak ako, parati na akong nagtututuro ng mga bagay na kahit kailanman ay hindi ko maaabot. Nawili akong pagmasdan mula sa ituktok ng bahay namin ang mga paisa-isang lobong kumakawala sa tuwing may kaarawan sa kapitbahay. Nahilig din ako sa pagtanaw sa mga ibon sa alapaap, sa mga paruparong tumatalon-talon sa bawat bulaklak, at maging sa bahaghari. Sa panaginip ko, parati akong lumilipad. Kapag binabanggit ko ang mga ito kay Tatay, nangingiti lang siya sa akin. “Mahilig ka kasing manood ng mga paborito mong superheroes sa TV, ” sinasabi niya. “Kaya dala mo hanggang sa panaginip ang paglipad tulad nila.” Kapag nagigising na ako sa totoong mundo, pakiramdam ko’y muli na namang mananaig ang kalungkutan, ang pakiramdam na ako’y nag-iisa - malayo sa mga bata, malayo sa laro. “Huwag kang lumabas ng bahay, Romeo. Bawal sa iyo ang tumakbo at baka ikaw ay madapa. Bawal sa iyo ang magalusan o masugatan. Bawal sa iyo ang magkapasa. Bawal sa iyo ang makipaglaro ng ball games dahil baka matamaan ka kung hindi ng kalaro mo, ay ng bola…” Kaya madalas, mas inaasam-asam ko ang bumalik na lang sa aking mundo ng mga pangarap. Sa mundong iyon, malaya kong nagagawa ang mga bagay na kahit kailan ay hindi ko maisasakatuparan sa totoong mundo. Isang araw, napag-isip ako. Totoo kayang ang mundo’y para lang Sa malalakas, Sa magagaling, Sa mabibilis, Sa mahuhusay, Sa mga maliliksi? Buti na lamang at nandoon si Tatay para kausapin ako. “Tandaan mo, anak. Hindi mo man magawa ang ibang bagay, hindi iyan makasasagabal sa mga bagay na maaari mong gawin. Nandito kami ng nanay mo para suportahan ka.” May kakayahan daw akong lumikha ng mga tula, isang bagay na ikinatutuwa ng ilan kong mga guro sa paaralan. Saan nga ba pumupunta ang hangin Kung hindi sa mga awitin? Kahit pa ang mga daho’y nalalaglag Ang puno’y nananatiling matatag “Saan mo hinuhugot ang mga katagang iyan, Romeo?” tanong minsan sa akin ni Inay. “Ginagaya ko lamang po si Balagtas!” biro ko sa kanya. Mga aklat at babasahin ang malimit kong kasama. At pinuno ko ng mga tula and mga kwaderno ko sa paaralan. Ang nais ko’y makasama kayo Para hindi na ako nag-iisa Pero naisip ko, bakit ba ang maya Lumayo ma’y bumabalik rin sa kanyang Ina? “Makata ka talaga!” Tuwang-tuwa si Inay nang minsang mabasa ang isinulat ko. Niyakap niya ako. Ako na ang pumigil sa kanya. “Inay, huwag masyadong mahigpit, at baka magkapasa ako!” Isang gabi gumawa ako ng tula para sa aking mga magulang. Kung Bakit Espesyal Kayong Dalawa Sa Akin Ni Romeong Mapapangarapin Para kayong asukal sa matabang na kape Ang asin na pampalasa sa ulam na kare-kare Yelong pampalamig sa gulaman at sago Ang sari-saring ulam sa nag-iisang kaning ako! “Ano bang gusto mo para sa iyong kaarawan?” Minsan ay nabanggit sa akin ni Tatay. “Gusto ko, ‘Tay, ng mga bagay na lumilipad – tulad ng lobo, ulap, ibon, o bahaghari…” Dahil magaling na pintor si tatay, ngumiti na lang siya at sinimulang gumuhit sa kanyang kuwadro. Nang dumating ang aking kaarawan, masaya niyang ibinigay sa akin ang kuwadro – buhay na buhay niyang iginuhit ang mga bagay na paboritong-paborito ko: mga lobo, ulap, ibon, at iba pang mga bagay na lumilipad. Kinagabihan, lubos ang kasiyahan ko nang ako’y makapanaginip na ako daw ay nakasabit sa parachute at pirmeng tinatangay ng hangin at hindi makalapag-lapag sa lupa. “Paano kaya kung libutin ko ang buong Pilipinas sa loob ng isang araw?” bulong ko sa sarili. Wala na’ng kalarong mangangantiyaw sa akin. Walang mga nanunukso. At higit sa lahat, wala nang bawal na maaari kong gawin. Tila yata may nakarinig sa kahilingan kong mamasyal at libutin ang buong Pilipinas sa loob ng isang araw. Noong gabing iyon, ang dami kong narating. Tangay-tangay ng higanteng parachute, nakita ko ang malawak na Banaue Rice Terraces, ang Bulkang Mayon, at maging ang mayuming Hundred Islands ng Pangasinan. Masayang hinagod ng mga mata ko ang mga palayan sa Central Luzon, ang mga makasaysayang simbahan sa Ilocos, at ang mga balyenang lumulutang sa Donsol. At kay haba-haba pala ng San Juanico Bridge na nagdurugtong sa Samar at Leyte! Kay taas din ng Mt. Apo at kay rikit ng Pagsanjan Falls! Nagising ako na kipkip sa dibdib ang kuwadro. Uhaw na uhaw akong gumising at uminom agad ng isang basong tubig. Parang ang layo ng napasyalan ko! Sabi ni Tatay, mukhang masayang-masaya daw ako habang natutulog dahil nakatodo ngiti raw ako. “Tatay, napakaganda pala ng Pilipinas!” “Talaga? Paano mo nasabi? Hindi ka pa naman nakakalayo dito sa ating bayan ah?” “Basta, sa mga panaginip ko, nakita kong na na napakaganda pala ng bayan natin!” “O, magbihis ka na. Lalakad na tayo.” Paalala ni Tatay. Mayamaya lang ay pupunta muli kami sa doktor para sa aking regular checkup. At hindi na ako makapaghintay dahil ikukuwento ko sa aking doktor at maging sa ilang kapwa ko pasyente ang nangyari sa aking masayang paglalakbay! http://canvas.ph/Ang_Batang_Maraming_Bawal.htm............................................ ............................................
Posted by mark david on Sep 22, '07 9:22 PM for everyone |  | ................................ ................................
this images was taken after the opening event. my friend beth drop by and saw all the works of kuya daniel.
"Ang ganda! ang cool naman..." she said.
after seeing our gallery, we went out to have some dinner. dyan lang naman sa mcdo. at syempre that day is her day (sahod kasi nya) she treats me! hehe asteeg ka beth! sa uulitin!
the following days, some of my friends in orchestra ( Serenade orchestra ) came to visit to look what are the amazing images kuya has taken. And of course, since we're enjoying that night we treat ourself for some cup of coffee and chocolate drink. panalo!
Sa tagal din kasing walang kwentuhan that night was the moment to have some chikahan! hehe. nagkaron pa ng ilang business talk. haha.. ( nose-bleed )
oh well since this is not just the end of the event, ill be uploading some of images after this photo exhibit hoping again to capture some great moment with other friends that may drop again. You are also welcome if you find the gallery very interesting to you.
See you! Saludo!
.................................... .................................... |
Posted by mark david on Sep 21, '07 4:11 PM for everyone |  | ......................................... ......................................... Sept 19 - Oct 9
"In My Eyes."
This is what Kuya Daniel Razon says for the title of his first ever solo photo exhibition at our Tintero art gallery. This is also our first exhibit in our studio and were got lucky kasi Kuya Daniel is the first one or sabihin na nating buena mano sa gallery na ito. We're proud and blessed coz he supported and gave us inspiring words of wisdom for us to continue this kind of projects.
And as the title itself it shows how important to kuya the life around us, as he depicts through his photos the life of our less fortunate people. And as of the other side of the studio's wall the cityscape and places abroad where he went, observing the culture of other countries. The photo tells the luxurious life of people. This is what the message he want to tell through those images. the balance of life. the life of those are ignored by some people whose lifes are easy and comfortable while others are suffering and in pain.
We enjoy the moment with kuya daniel. Took some pictures with him, get our invitation signed, ( yeah! ) listen to his advise and other things that teaches us through his actions. asteeeg!
All thanks to those people who made this possible! firstly to God. Thanks be to Him and the Glory! To all the Tintero people from marketing to creative dept. " Saludo! " The support of UNTV 37, all sponsors, the AGSD, sa mga buyers and collectors, sa lahat ng guest especially our friends. ( kahit wala pera pambili, still they support the event. )
God willing, next month paintings will be serve to you. To feed your eye by those talents of our local artists. We hope to see those smiling faces of our guest again. Just like Kuya said....
" Make it happen. "
.............................................. ..............................................
|
Posted by mark david on Sep 13, '07 1:32 PM for everyone | Start: | Sep 19, '07 7:00p | | End: | Oct 9, '07 | | Location: | Unit 502 No.20 sct tuazon cor. sct castor, qc |
................................................ ................................................ Commonly known as a media personality, public servant and an educator, Daniel S. Razon was seldom referred to as a photography artist. Although closely related to the living legend of Philippine photography and Dean of Philippine Portraiture, Roberto “Bob” Razon, he had never shown his photography works in public until the benefit group exhibit, The Hands That Feed. His exposure in the said group exhibit prompted his upcoming first solo photo exhibit, In My Eyes. As Mr. Razon exposes his camera’s viewfinder anew with this exhibit comprised of his works on familiar places and landmarks in a distinctive approach giving the viewers a close-up on the sentiments and perspectives of this artist’s inner man. In My Eyes exhibit will run from September 19, 2007 until October 9, 2007 at the Tintero Art and Design Studio with gallery hours from 9 AM to 7PM. ............................................... ...............................................  .............................................. ..............................................
Posted by mark david on Sep 13, '07 10:31 AM for everyone   .......................................... .......................................... yes im not that young to play some "dampa" or "mataya taya" outside our house. im through with all that stuff. but one thing remains in my heart of a child is the love of reading children's book. from some funny komiks ( na nawala na sa mga kinokolekta ko ) to adarna books that im trying collect one by one. each of it have a unique and inspiring illustration that im using as for my reference.i do read all this book pero una pa rin na nakakaagaw pansin para sa akin yung mga humurous illustration ng mga artist nila. second lang ang mga writings.. kasi i have "lazy eyes" that my prof explains nung college, she describes this if your eye dont get to use in reading ( parang tamad ka agad magbasa ng ilang minuto lang ). peru im trying to learn how to get rid of it by reading articles in newspaper, blogs of my friends, articles of magazine that i compiled. most of it are art magazines. para masanay. kaya nga lang kailangan ko lang tyagain kahit minsan masakit na mata ko. but this book of Adarna house "Tight Times" is one of those children's book i compile in our shelves. story that includes of creativity. etu kasi ung pangunahing na nagustuhan ku sa kanya eh. well drawn ng artist na si sergio bumatay III and story by Jeanette Patindol. the story begins with the poor family of mouse. inspite of their situation they use skills and other talents not to be affected by tight times. they enjoy, play, sing, draw, anything that makes their family joyful. and with the illustration it was drawn by rough pencil. galeng nga eh! madumi tignan yung illustration and may pagka serious ang pagkaka texture unlike ng ibang book na malinis ang drawing. it shows lang na parang may pag ka guhit bata ang mga drawing. aliw. tulo laway ko sa inggit. at sa idea na nag fit sa story. this book is a grand winner of PBBY ( i forgot the meaning of this acronym. ) Salanga prize and Alcala prize. it is recommended for children ages 10-12. hehehe peru i bought it because i feel that im just a twelve. kidding. i do like the illustration. kaya binili ko ito...to inspire me to do those great ideas of mr.bumatay. iba kasi ang feeling mag draw kapag may inspirasyon ka. maaaring ibang illustration, pwedeng mga wordings or story, minsan from lyrics of great singer and different music of bands ( specially instumental ) at mga images or pictures of places and person you adore. marami eh na possible na makapag trigger ng creativity. gaya ng buk na to. naalala ko tuloy yung quote sa isang magazine na "When you talk about what inspires you, your enthusiasm naturally shines through." so facing the tight times challeges us to find out how less can be more. read some of their books as i enjoy it myself. n_n ............................................... ...............................................
Posted by mark david on Sep 3, '07 11:11 PM for everyone |  | ........................................ ........................................
Sa wakas! may nai-publish din na illustration! hehehe
di ku naman hinangad mag pasikat. pero gaya ng ibang mga artist na kinilala ko ( mga artist na nagturo sa akin. they show humbleness. di sila mayabang tulad ng iba. kaya sila ang mga inspirasyon ko.. una ang Dios. ) nagturo sila ng magandang halimbawa na wag mag palalo, wag ipag yabang ang trabaho, etc. Sa unti unting pagkatuto manatiling mapag pakumbaba.
Marami kasi ako nakikita ngayon na natuto ng konti.. nag iba na ng ugali. ( sana di ako maging ganon.) the fact is..i've got interested when my friend told me to contribute in this humor magazine, kasi naiisip ko na makaktulong ako. ( this phrase are intended to those who understands this. )
dyahe nga nung book launch eh! hiyang hiya kami ni reggie.. di kasi kami sanay ng mga ganon. book signing. umupo sa entablado. makipag "rubbing elbows" sa kapwa artist. ( mga kilala at di kilala ) ayun.. nandun lang kami sa sulok ni reggie. nagikot na lang kami sa ibat ibang booth. at nakabili muli ako ng mga ADARNA books. isang "ang madyik silya ni titoy" at "ang hilig ni manda,sumama sa banda"
siya nga pala..suportahan nyu sana itong TOPAK humor magazine mura lang naman ito... php75. huntingin nyu sa ibat ibang bukstor para adventure! peru alam ku national bukstor meron eh. tapos send kayo ng mga comments sa email nila ha..
madami itong mga artist na magaling. magandang reference din sa mga nagsisimulang matutong mag illustrate.
o nga pala thanks a lot kay mr.stanley chi!
abangan nyu mga susunud na issue ha.. thanks sa inyu mga repapeeps na na-i-pips sa paa!
............................................. ............................................. |
| |