mark david's posts with tag: creative

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag creative
Posted by mark david on May 31, '08 12:26 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
...............................
...............................

a project meeting with Zoren
he bring along his daughter Cassy

good food. good eat.

fine conversing with

the 3 marksmen:
mark oliver
mark lester
mark joseph

roydex

and two notpas
lewi and angel

.............................
.............................

Posted by mark david on Apr 19, '08 9:28 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
....................
....................


enjoy

nothing much to say.

we've learned a lot. we've done our part. Thanks be to God.
thanks for the support of all AG members from division down
to district level. Gantihin nawa ng Dios ang pagmamalasakit nyo.

Until next time God willing.

Go Christian Youth Power!

* additional pix : the BMPI AG
samahan tayo palagi ng Dios mga kasama


.........................
.........................

Posted by mark david on Mar 8, '08 6:53 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
........................
........................


a thesis project of my friend shobe and her friend jen.

femme planner.

........................
........................

Posted by mark david on Jan 13, '08 2:25 AM for everyone
Start:     Jan 17, '08
End:     Jan 31, '08
Location:     Utterly Gallery ( Singapore )
................................
................................


STRANGEWAYS

Human beings may be at the top of the evolutionary pyramid, but hardly behave as noble and enlightened masters of God’s creation. Instead as portrayed by Barrioquinto, they seem to dwell in a tragic twilight, living out wretched existences of their own devising. A keen observer of human failings, the artist paints desperate souls longing for all available representations of affection in this world… wanting to possess every woman, man or object of satisfaction, and still being discontented in the end. The show is about man’s greatest, and most insatiable desire — to love, and be loved in return.



A continuation of the artist’s evolving ‘blue period’, Strangeways manifests as a despondent blend of Barrioquinto’s fractured cubism, increased shades of blue, compositional dynamism and an eeriness due to a disturbing distortion of the human face and anatomy. Infused with a greater sense of narrative and attention to background details, they tell sorrowful stories of the human condition: the mama’s boy who clings to his parent, the unwanted daughter who gets in the way of her mother’s conquests, the perversion of a national figure, the futile wait of a single man for his true love, the disturbing affection of a stepfather for his youngest daughter... Strangeways is Barrioquinto’s visual chronicle of daily events and broken characters as seen through the surreal filters of his eyes — subtle, gloomy, and somewhat ironic.

....................................
....................................


Photobucket

click the image to see other paintings of andres barrioquinto.


.............................
.............................

Posted by mark david on Jan 13, '08 12:49 AM for everyone
........................................
........................................

Madali ako mawalan ng good mood pero madali ku lang din naibabalik ang mood na nawala. i dont eve think na i'm such a moody person kasi nararanasan ko lang ito whenever i illustrate or paint. There are lots of chances that im not satisfied with my artwork. i pause long enough and then i comletely abandoned the unfinishe work. nauuwi sa basurahan na. maybe because of my hand that easily get tired at minsan na over fatigue or dahil di ko trip ang ilang mga konsepto na nagagawa ko.

observing my system and flow of my work...now i realized how to get re-energize instantly. May mga times na bigla na lang mawawala ang bad-mood ko.. kung dati rati i need to go sa "new-stage" or some other places to unwind myself pero ngayon kahit di na ko tumayo, magagawa nang ganahan muli. iisipin na lang. kailangan ko ding kasing matutunan to persuade myself.

at dahil refueling ito naiisip ko kung anu ano bang makaka boost agad ng mood ko or make me re-energize. And that process is by remembering it or thinking of it. at ito ito yun...:

syempre sisimulan ko sa pinaka least then papunta sa special.

1. HOT DRINKS | INSTANT NOODLES.

hehe shempre di ito iniisip ko pero ito ang unang hahanapin ko partner ng pagiisip ko. Seriously, nakakabawas sa akin to ng pressure...konting higop ng mainit magiging serious na uli ako sa pagiisip ko, habang tinitignan ko ang usok sa mainit na sabaw at inumin. "haaaaah..." ito nagpapainit ng sikmura ko kumbaga sa makin makina para umandar at tumakbo kailangan magfunction ng utak.

2. FUN PEOPLE | INTERESTING PEOPLE.

eto yung mga napapanuod ko sa ilang mga movie at mga palabas sa tv. Gusto ko kasi nag oobserve ng character.. sometimes
i do mimicry, trying to imitate those person's character for fun at yun ang isa sa nag ti-trigger ng creativity. Imagining myself wearing their shoes and feel what kind of lifestyle they have..after that, marami na ko matututunan don. May mag tao kasing unique ang lifestyle. Mapa celebrity or political person. Kasama ang mga yan sa iniisip kong pinagpipilian ng pag aaral sa characteristic ila. From their mannerisms to physical appearances. Lahat yan pinapansin ko. Nakikita din kasi dun ang ugali nila eh. Sila rin ang pinagmumulan g ilang concepts sa mga artwork ko.

3. CREATIVE AND TALENTED PEOPLE

dito naman mag start ang mga inspiration. Papasok dito ang music and arts including other forms of it. Sa music kasi maraming talented sa pag create and formulate ng mga sounds and beats. From classical to hardcore music pinakikinggan ko. ibat ibang  musician and bands na may mga kakaibang himig at tugtog. Kaya kapag napapakinggan ko ...dun ko naman nasasabay ang emotions ko. Sa classical nag papa kalma ng environment ko kapag may mga taong sadyang wla sa hulog. Tipong gustu kang awayin at sirain ang mood mu..pero dahil sa music na pinakikinggan makakalma ka. Sa rock music naman dito naman patatakbuhin ang creativity mo. Sa music na to ang mga tugtugan kadalasang sumisigaw, na ito rin para sa akin nagpapasigaw ng mind ko para mag isip. Parang pinipiga niya ang creativity mo. At shempre sa ibang type naman ng music nag iiba ang approach kaya depende din kung ano ang ma-tripan.

kasama na din sa nag papa energize ay ang makakita ng mga artworks din. Kaya mahilig din ako mag collect ng mga art magazines na may laman ng different forms of artstyles and with the talented artists din. painters and illustrators. i also bought children's books, sa loob it has a unique styles of illustrations. HATAAW! and lots of good stories din ( hehe trip ko kasi mga soryang pambata ) Sinasabi nga na ang mga bata ang pangunahing creative. They always experiment and curious from everything that is around them. ( kaya yan tuloy... nakakakaen ng tae eh! )

4. FRIENDS

may dalawang klase akong mga kaibigan. Mga kaibigan ko nung (1) maliit pa ko hanggang sa highscool ganun din sa college at (2) ang mga kaibigan ku sa church. Sila naman iniisip ko kung meron akong particular na situation na gutu kong matuwa. Mga kakulitan ko kasi sila. Sila yung mag share syo gmmga magagandang experiences sa life. Maaalala mo kasi ang support nila syo na tipong nag cheer for you to continue what you're doin. Sila yung you can to about principles, concepts, ideas etc. ( malawak ) Those energizes me!

5. SPECIAL SOMEONE

This wont really cheer you up literally but there is a wonderful things happen when it think of this particular person. It really inspires you. We i see this person coming...i automatically know that she's going to lift your day up. i cant really put it to details..its like an unexplainable thing. hindi ma i-letra. Ngiti pa lang kasi ng mga labi nakakagaan sa pakiramdam sasamahan pa ng mga ngiti ng mga mata. hwoh! life!

ito naman kasi nakaka pag push lalo ng creativity mo. kung kanina parang pinipiga..ito di lang yun ang nagagawa e. basta di ko ma i-letra o masabi man.

6. FAMILY

ang healthy onnections with close relatives also requires a great deal of energy. ito dapat ma-maintain. Sila ang mlapit na kauna unahang mag encourage sayo kasi isang batok lang babalik kana sa realidad mula sa kakaisip ke special someone! HAHAHA
kakaiba ang energy ang nabibigay ng mga magulang. Physically, metally and emotionally pniguradong aalagaan ka para makapag isip ng tama.

and lastly, ang pinaka aalaga sa lahat....

7. GOD

Ito nagbibigay sa lahat kaya ang anim sa itaas ay sa kanya galing. Di mo makukuha ang energy na kailangan mo kung wala siya. At dahil siya ang pinaka special siya din ang nagbibigay ng mga taong very inpirational ang mga taong kinakasangkapan niya na magturo sa amin ng tamang pagiisip na alam natin na sa Kanya din nagmumula ang pagtuturo. Sila ay bigay ng Dios para ipaunawa ang Kanyang mga Salita.

We need regular refueling, kilangan natin ng taong who can stimulate our thinking, makes us laugh and inspires.

Now the refueling is done

Thanks be to God!

..................................................
..................................................


Posted by mark david on Dec 17, '07 10:13 AM for everyone
Link: http://www.agimat.net/garapitik/index.html

..................................
..................................

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


WALASTIK!


ayos tong komiks na to.. basahin nyu at matutuwa kayu.

hahahaha

sa galeng ng wento nya at astig na style ng line arts nya mapapa
WAW PAKSIW ka!

silipin mo naman..di mo ito pag sisisihan..

Pramis!!


.........................................
.........................................

Posted by mark david on Dec 16, '07 1:12 PM for everyone
Category:Books
Genre: Childrens Books
Author:IrisnGem Li
.....................................
.....................................


A young Ifugao boy dreamed of touching the sky. He would spend hours watching and pretending to catch the clouds that float by.

Were they really that far away?

................
................

isang batang nangarap maabot ang langit.
istoryang patungkol sa magandang likha ng tao.
ang Hagdan-hagdan Palayan.
Basahin nyo rin. Kung panong natuwa ako
Ganun din sana kayo.

dito mo basahin ang storya
the boy who touched heaven

.....................................
.....................................


Posted by mark david on Dec 8, '07 2:26 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
.................................
.................................

try mo bumili.
komentuhan mo kung gusto mo.
nasa sa iyo kung magugustuhan mo.
pero kung may suggestion ka o
trip na ikomento sabihin mo na lang sa kanila.
nasa cover naman kung san ka magbibigay ng
mensahe sa kanila eh.

pero kung kaibigan kita...
susuportahan mo ko.

salamat sa iyo. minsan lang to.

hehe

..................................
..................................

Posted by mark david on Dec 6, '07 10:02 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
.........................................
.........................................

was aired in studio 23

photos by mr.james almario a.k.a. tyago

......................................
......................................

Posted by mark david on Nov 11, '07 2:46 PM for everyone

............................................
............................................


HAHAHAHAHA!

tawa kasi ako ng tawa ng mabasa ko ito. matagal na kasi itong naka out
sa market. kelan lang din kasi ako nakabili nito. iba kasi itong graphic novel
na to sa dahilang hindi ito yung karaniwang mababasa mo na tagalog komiks
very witty nga ang pagkakagawa. (may mga ilang lines lang na sablay kung
sa isang batang mambabasa.) hindi dapat ito basahin ng mga bata edad
piso hanggang kinse pesos!

ang storya nya kasi ganito. teka... bago ko ituloy sa cover kasi makikita nyu
na parang si darna. mali kayo dyan! kasi sya si zsa zsa. oo..si zsazsa zaturnah!
hindi sya babae. nagtransform lang sya sa isang amazonang ganyan.
sa basic ng pag tranform nya eh wala nga itong pinagkaiba sa style ni darna.
na kakain ng bato..este! lulunok ng bato. at sisigaw ng...

"GUARD!" hehe hindi ito yun. ito lang yung madalas isigaw ng mga manager
sa mga grocery o matatas na kumpanya kapag may taong gusto nilang palabasin.

....sisiagaw ng "DAAAAAARNAH!"

pero ang ikinaiba ng komiks na ito e hindi yun ang isinisigaw nya kapag mag
papalit na sya ng kanyang anyo para mataglay ang kapangyarihan ng isang
malakas na babae. isang malakas na babae?
hindi kasi sya babae sa tunay na anyo nya. isa syang "chorva!"
bakla sya. na may sariling parlor sa probinsya. isang aksidente kasi ang nangyari.
may nalaglag kasi na malaking kakaibang anyo ng bato. (nakakadiri) ampanget
kasi ng hitsura. ang nakakatawa kasi yun yung kailangan nyang isubo at lunukin!
hahaha  matatawa ka sa hitsura ng pagkakadrawing ni carlos vergara!

may mga ilang istorya dito na as usual may kalaban. may alien. may mga bangkay
at maligno gaya nga ng kay darna. pero mabangis ang storya nya kasi sa mga
punchline at komeding eksena na pinakikita sa komiks na to. kung bibili kayo
neto di kayu manghihinayang kasi sulit. pasasayahin kayu ng mga astigin na mga
illustration ni carlos.

sa pagkakaalam ko isinadula na din ito sa entablado at may gumawa din ng
musical play neto na ipinalabas sa CCP. hindi naman siguro isasadula ito kung
hindi maganda ang story. hahaha sana makanuod ako ng play na ito kung
ibabalik nila. (naku wag lang isasa pelikula. at mala tsipipay na production
nanaman ang gagawin) kawawa naman ang storya. ito kasi ang mahirap sa ating
bansa e. we got the talents and we do have creative people sa bansang ito na
hinahayaan lang ng gobyerno na sa ibang bansa mag lingkod dahil sa kakulangan
ng suporta ng pamahalaan. Why they can't accept the fact na ang paligid ay isang
masterpiece. mula sa mga likha ng Dios hanggang sa kaloob na talento ng Dios
sa mga taong may malikhain sa larangan ng sining.

wala ito!

gaya nga ng sinasabi ko kanina...
ang storya nito eh punong puno ng aksyon at kadramahan ng isang bading!
hahahaha.... angkolet ng bading dito lalo na yung alalay niya sa parlor.

may mga bobong alien din na mga kababaihan din. napaka stupida! haha
ipinangalan pa sa mga ilang sikat na aktres dito sa pilipinas na talaga nga
namang old skul. haha

so ayun.. natuwa nanaman ako. nakapag share uli ako ng mga pampasaya
sa buhay.


"ZSAHZSAH!!!! pssssshhhhh...... kilabot na bakla ito!


....................................................
.................................................... 

Posted by mark david on Nov 11, '07 1:53 PM for everyone
.......................................
.......................................


hindi naman ako mahilig sa sapatos. meron akong isa,
pero hiram pa. buti na lang di naman kinukuha pa ng kuya ko.
malamang alam niya na wala na kasi akong magamit na iba pa.
( kung tutuusin nagpalit nga ata kami ng sapatos eh. )

ang sapatos na madalas kong suotin niluluma ko. gusto ko madumi
ito at luma. rugged. hindi na kasi ako nasanay na mukang malinis
ang sapatos dahilan na din siguro sa mind set ko na kapag malinis
ang sapatos mo...pansinin. ( di naman kasi ako papansin ) ayaw ko
lang talaga ng pinapansin ako. ito nga ata yung tinatawag nila na
fashion statement eh. pero wala akong ka fashion fashion. ang alam
ko lang kapag komportable at di nakaka-ilang.. eh ayos na.

i would prefer to wear a pair of sneakers. lalo na kung isa itong 'chuck taylor'.
old school. ewan ko ba. napaka universal ng design kasi ng converse
na yon kaya ang sarap suotin at komportable ako. panget naman kasi
mag suot ng mga tinatawag nilang 'nasa-uso' na sapatos eh. at mga ilang
panahon na kusa na lang siya niluluma ng mismong panahon na
kinabibilangan nito. (di gaya ng chuck) nagkaron ako minsan ng
ganung sapatos (kaso peke) na hawig din ng design ng 'chuck taylor'.
ito yung paborito ko noon. sinusuot ko kahit saan. regalo kasi
sa akin yun ni mama ko.ganun din ang ginawa ko niluma ko siya ng niluma.
kapag sinabi kong niluma, hindi yung tipong di mo na nililinis yung loob
ng sapatos. tiyak na mangangamoy 'daga' iyon. ang niluluma ko lang e yung
labas na anyo nya. minsan nga naisip ko nang drawingan e. kaso baka maghawa
o mangupas yung drawing kung gagamitin ko ordinaryong pentel pen.
at dahil di ako papansin, ayaw kong gawin. siguro minsan kapag
tinopak ako guguhitan ko ang pares ng sapatos ko. hehehe

nabanggit ko ang 'daga' kanina tungkol sa paboritong kong sapatos nuon.
bakit noon? kasi minasaker ng cute na cute na walanghyang dagang yun.
binutas sa tagiliran ang isang pares ng sapatos ko. naaksidente kasing nailagay
ko o naisama ko sa taguan ng may maruruming kagamitan. grabe wasak!

"WALANGHYANG DAGA KA!" sigaw ko.
"SASABUNUTAN KO GILAGID MOH! HRR! ang dag dag na banta ko sa kanya.

di naman ako totally galit sa mga daga that time. kasalanan ko din kasi.
kung saan saan ko kasi pinag lalalapag ang sapatos ko. wala naman na kasi
ako mapagtabihan na iba. anyway, at least i got my new/old pair of shoes.
(na hiram lang)

binabanggit ko ang mga to kasi may nakita ako napaka gandang design ng sapatos.
very creative. ang style pa e yung tipong di gaya ng karaniwang naiisip natin na
conventional ang design. hindi nike,rebook,adidas o anuman.. kasi itong nakita
kong astig ang design mula sa di high-end na product but it was totally a cool sa design.

karaniwang design nila eh guhit kamay lang na printed sa telang ginamit sa
sapatos na ito. mga traditonal drawings na may mga ibat ibang kulay. sa bawat
sapatos may isang artist ang gumawa ng sariling style nito pero lahat ay iisang hitsura
lang ng sapatos. nagiiba lang sa style ng artist. itong dalawa ang naging outstanding
sa lahat ng design nila. ito yung trip ko na design na gawin sa dating kong sapatos.
kasu mukang di ko kayang mag suot ng ganyan, pero ang galing nila.
ang galing!  
napaka "raw" ng hitsura nya at mukang komportable suotin.

if i only got the chance to design one of those shoes siguro ang sarap non!
its like painting on a canvas but the difference is your canvas will be the shoes.
at ipang reregalo mo sa taong gusto mong pasayahin.

'Maaaark!' sigaw ng ate ko sa bahay.

'may tawag ka...ano sasabihin ko sa kanya? tumatae ka?!" sinisigaw habang nasa muka
nya ang telepono.


"haaay..." sabi ko sa sarili. iiwan ko muna sapatos ko. at pag balik ko wala
sanang mag masaker sa sapatos ko ngayon.

buset na daga. sasapatusin kita e.


..................................................
..................................................

Posted by mark david on Nov 1, '07 12:09 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
............................................
............................................


this was the second time that Tintero held an exhibition
which is another jaw-dropping and awe-inspiring artworks
with an amazing concepts in every masterpieces of the
artists.

cj's and andy's work seems to be dark concepts but if you
heard the meaning or got the idea how they created it you'll
be amaze as i was! winner ang mga work nila!

specially yung ke jon... he share the idea of what're the concepts
he build from his painting "the anatomy of waiting".

they're all great artist of this time.

meron din nga pala iba pang artist na nag visit sa gallery
isa na don syempre yung magagaling tulad nila ma'am
Janice Young ( hehe medyo nakakahiya nga nung time na
yun kasi... basta nahihiya ako. )
the fact is i've got no idea what topic should i say to her
but im lucky she recognize me. hehe ( iba talaga ang multiply! )

and other friends drop by too..
dj from the serenade orchestra... hindi sha yung tumu-
tugtog sa album na ito ha.. (di ku kilala yun. peru magaling sha.)

ayun....
as usual.. this is limited to tell all the details. all the gaps and
in-between this images has a story to share. but writing it down
here will just make look the site uninteresting. just go over the
images...enjoy viewing it.

by the way, thanks to my friends jorg and nagfroi for sharing
some of their photos.

saludo!


n_n



...........................................
...........................................


Posted by mark david on Oct 28, '07 4:55 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
............................
............................


Thesis Project of Ms. Abigail Villareal
(yak! masyado pormal)

eto ang mga pinagawa ni abby (kaibigan kong isang masunuring
bata na kahit anu gagawin nyang pose. haha)

sino sino ang mga tumrabaho :

ako.
si roydex
si tito potato.

lahat yan rush! ambait mu abby! haha pero ayus lang.
we all got paid. at first di kuna dapat tatanggapin dahil
napaka iksi ng time. since ang mga kasama ko ay game at
naawa ke abby. pinilit na lang namin ma beat ang deadline.

ang color. alam mu na abby kung bakit yan ang kulay.
hahaha we have a common denominator SYEMPRE! n_n

well we hope you and your group got good grades for this...

ayt! n_n

yung mga pix... ahehe yan yung time na diniliver ko ung
project nya. at syempre since mag bestfriend sila ni michelle tse,
ayun...

"kuya......!!! sigaw ni chel. pichur tayu daliiiiiii....

yan. ang mga batang ka edad ku lang na pilit nila kong
tinatawag na "kuya mark".

(im only sweet sixteen) wala nang kokontraaaaahhhhh!!!!

n_n

fact: di aku sanay mag papichur nang maraming tao sa paligid. kainis.

..........................
..........................

Posted by mark david on Oct 23, '07 6:09 AM for everyone


 

................................
................................

 

" Mamaya mag online ka ha.." banggit ni shobe " May

papakita ako sa iyong picture. " a text message i received

from her early in the morning.

Shobe is a Chinese word that means a younger-sister.
I often call her like that but most of the time I prefer to
call her "Shelynn." because as i remember, i heard once
a statement from a sensible person that the sweetest thing
to be heard is calling you by your name. ( and i thought maybe
she'll agree with it. ) Shelynn is my best buddy since high
school. She was there to make me smile and laugh when im
troubled or depress ( lalo na good times ) but time changes.
Kaya di na kami madalas magkasama sa kwentuhan at kulitan
at mga sangkaterbang tawanan namin! hahaha ( cuevas tayo
uli shobe! ) She is working as a reservation officer in Patio Pacific
Boracay located in makati city.

Nang makapag online na ko. Todo buzz na sa kanya. ( i'm with
michelle that time ) When she sent the photos for us to download,
michelle is the one who saw it first and saying..

"awwww..."

I was reading some text messages that moment when she said that.
( mga pabati ng mga kaibigan kong naghahangad ng libreng kain! )
hahaha

" kuya... (medyo tumitili pa) tingnan mo.."

"tingnan mo..." michelle said.

And when my eyes caught by the monitor of the computer, I felt my
face move. my cheeks went up. a smile painted on my face as I look
at the image. Hehe ( speechless )

I have no idea that she'll do that kasi that time na nasa boracay siya,
sobrang layo pa ng birthday ko..so the effort she did was a thumbs up!
I'll give a two-thumbs for that! She made my day! n_n

Pero hindi lang natapos dyan kasi at that night.. i received a text message
from my sister na si shelynn went to our house and leave a present for me
daw. haha. ( two points ) Kaya kinabukasan... from Parañaque sumabay na
ko sa sasakyan nila michelle para makauwi ( because her mom is on a
schedule for checkup. )

When i got home...

" Ma, galing daw dito si Shelynn?!" sabi ko na naaatat. " Oo, nandun sa ref
yung regalo nya... keyk." reply ni mama ko habang nagluluto siya.

" weh.." dagdag ko pa.

" Oo nga! " nakangiting tutol ni mama sa sinabi ko.


Sarap! hehehe isang cute na keyk na maliit. delisyoso!

Salamuch Shelynn!!! That's sweet... n_n

........................................
........................................


 


Posted by mark david on Oct 21, '07 1:58 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
..................................................
..................................................

" think out of the box "

but for the mean time we'll be putting ourselves
from outside to inside.
the interiors.

the Philippine School of Interior Design celebrating
its forty years of excellent interior design with the
theme:...

" Forty Filipino Fabuluos"

This exhibit will run till October 31 from 10am to 8am
at the Paseo Center, Makati City.

I'm not ending it like this. We capture this moments
to share all what we had experienced.. since one of
the student, Sheanah Tse ( cousin of my friend Michelle )
invited them. ( eh may kinalaman sa art kaya nakisabit
na din ako para sumama. ) Riding from Parañaque to
Makati was exhausting ( kasi wala pa ako tulog that time )
using their "kotsi" driven by Manong whom i thought got
a big crush on Abby. Hahahaha. ( matindeh ang kamandag
mo sa oldies )

As we enter.. ( syempre anjan ang todo bati ng mga tao sa
front desk. They gave us a piece of paper para bumoto ng
swerteng team of designers na trip namin base on their designs
syempre ) They all have great designs. Some are elegant,
sophisticated, masculine, minimal and complicated. Using
materials na kakaiba. Sa wall treatment lang ako na dismaya.
yung iba kasi madumi as if not done perfectly. ( lampas ang
pag kaka-paint..basta mga ganon )

Well i will not spoil everything to nail-down all the details what we
saw in that exhibit but this photos may serve you all the adjectives
that i may put to it positively. ( except for the images of my friends.
They really want to be one of the accesories of the designs! Haha )

Find time at least to visit the place.

By the way, salamat sa mga panalong pose ni abby. isa kang
masunuring bata! wahaha...

Saludo.

Good Day! n_n


...................................................
...................................................

Posted by mark david on Oct 21, '07 1:00 AM for everyone
Start:     Oct 30, '07 7:00p
End:     Nov 30, '07
Location:     unit 502 fss bldg. no.20 scout tuazon cor. sct. castor st. QC
.....................................
.....................................

The three man show parades the distinction
of the peculiarities of man into the exceptional
who are branded unconventional and often rejected
by many, the eccentric who are embraced and
well-favored and those who are tepid and in between.





Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


another important event na aabangan nyu lahat.
three contemporary artist na astig ang mga paintings!
all artist out there im calling all your attention... this is a must!

you may contact the gallery for questions and other
details that you want to ask.

(02)3765948 or 84


.........................................
.........................................

Posted by mark david on Oct 13, '07 5:55 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
.............................
.............................

enjoy and if you find it inspiring..
go grab those pencils and pen
make an artwork.

.............................
.............................

Posted by mark david on Oct 13, '07 10:08 AM for everyone
..........................................
..........................................


Hataw!

Storya at illustration panalo na...
Sa mga children's book na gaya neto unang nakakaagaw
atensyon sa akin yung mga dibuhong kakaiba. Hindi common
 sa paningin ko. Weirdo kumbaga. Kadalasan kasing nakikita ko
sa ibat ibang mga illustration eh yung common na para sa akin
pero sa dagat ng mga illustration sa mga pambatang babasahin,
nangunguna sa listahan ko ang Adarna books! Oo ito nga.
Firstly, ito ay likha, sulat at dibuho ng mga pinoy. SALUDO! Karamihan
sa kanila ay mga freelancer. Since mas na aatract ako sa
mga ilustrasyon, eto ang bibigyan ko ng emphasis muna. hehehe.

Gaya ng aklat na ito na may guhit ni Marcus Nada.. Eto ang
una kong kita sa mga ilustrasyon nya pangalawa ang mga
kakaaliw na gallery nya sa deviantart account nya. Ang kanyang
mga ilustrasyon ay isang kakaiba, may kulet kung titingnan at
kakaaliw. Ang estilo nya kasi sa pagguhit mala drawing ng isang
bata. Ang kaibahan lang eh eto ay rak en rol sa dibuho!! astig.

Ang aklat na ito ay nag bigay inspirasyon na mag eksperimento
ng ibang mga estilo sa pag guhit. Isa ito sa mga naka trigger ng
creativity na hindi naka kahon. Ang aklat ay nagbibigay halaga
sa ating mga kapuwa na may kapansanan. (physically)
Nagsasabi rin ito ng kahalagahan ng pagkakaibigan. Sa kabila ng
pagkakaroon ni Titoy ng kapansanan di nawawala sa kanya
ang kasiyahan, ang paglalaro. ( ito yung kukurot sa puso. )
Kasi sa umpisa macurious ka kasi sa title ng aklat eh.

"Madyik silya ni Titoy? Bakit may madyik? Ano ba ang silya nya?"

Hehehe. Yun pala isang wheel-chair.

Hahaha. Ang likot nga ng imahinasyon ni itoy dito dahil marami
sila nalalakbay gamit ang silya nya.

Nalipad sa himpapawid.
Nakakasisid sa ilalim ng dagat.
At kung anu ano pang magagawa nito.

Pag malapit kana sa last part ng story.. Ayun..
Putol pala paa nya.
Isa lang kaibigan nya, na isa sa nagpapasaya sa kanya.
Hindi kasi sya pansin ng ibang bata sa park.

Ayun....Basta basta.... Maganda yung story at yung kwentu.
Isinulat ni Russel Molina. Isang talentadong writer. Marami
na rin naiuwi na parangal. Kaya matutuwa ka talaga sa
kwento niya at sa mga term na ginamit nya. Hahaha

As of now im in the mood to collect some of the Adarna books with
amazing and inspiring illustration. If you have a heart of a child like
me, i think you'll be checking one of this book. hehe.

Have a great day! n_n

...............................................................
...............................................................

Posted by mark david on Sep 24, '07 10:35 PM for everyone
..............................................
..............................................

Here's a really great perpetual calendar:

"at first glance, the blind date calendar looks like a series of odd shapes inside a frame. but what is this picture? is it a work of art? a code in Braille? actually, it's a calendar that lasts for an entire year and is completely re-useable. the secret lies in the magnetic frames that come with the calendar-- simply roll them over the black signs to discover the dates. a handy "blind date key" is included with the calendar that discloses the dates and names of the months. if you or someone you love needs a re-working of a standard office or desk accessory, look no further. this is it."


---- hehehe isn't this a great idea... surfing the net is amazing.
lots of great ideas and creativity inspires you. and this is one
of those design im talking about. it got me interest to post some
of this creative product. marami pa ko nakita dito sa net na
ishare ko. ang bangis ng design tsaka ang gagaling ng ideas
talaga nila. as if your nose bleed for the amazement and
puzzled ( jaw-drop ) for how they did it or come up with that ideas.
matatawa ka pa nga sa mga pinanggalingan ng mga ideas nila.
haha. parang masasabi mo sa loob loob mo na... "dun lang galing yun?!
bangis naman ng kokote nila. taba ng utak.."

Eventually ill be posting again lots of creative products or if i may
find the cool people behind those designs.

Saludo!

http://howdesign.com

..................................................
..................................................

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help