mark david's posts with tag: byahe

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag byahe
Posted by mark david on Apr 19, '08 9:28 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
....................
....................


enjoy

nothing much to say.

we've learned a lot. we've done our part. Thanks be to God.
thanks for the support of all AG members from division down
to district level. Gantihin nawa ng Dios ang pagmamalasakit nyo.

Until next time God willing.

Go Christian Youth Power!

* additional pix : the BMPI AG
samahan tayo palagi ng Dios mga kasama


.........................
.........................

Posted by mark david on Dec 8, '07 2:49 PM for everyone
......................................
......................................


PARA!!! MANONG PARA!!!

kakaawang sigaw ni lola na nakasabay ko sa dyip nung minsan.

ANU BA?! Manang ayan o nakasulat "pol da streng!" barumbadong
sagot ng drayber ke lola.

as if naman kasi mababasa agad ni lola yung nakasulat eh nasa
kisame ng dyip nya at ang liit pa ng karatula. Pano pa kaya mababasa
ng matanda ang nakasulat sa karatula nya. Kahit ata lamok di mababasa
yun eh! Kaya ako na lang humila ng "STRENG" daw. Obviously di din
nya na gets ang sinasabi ng drayber dahil naka focus na ang isip ni lola
sa bababaan niya at duda ku din na mas malabo pa ang mata niya sa
akin sa kapal ng salamin niya. Sabay preno na ng drayber pagkahila ko
ng tali at biglang umilaw ang isang bombilyang pula sa harapan ng dashboard
niya, na sa paghinto nito ay parang magkakapalit kayo ng mukha ng katabi
mo meron pang nasubsob na studyanteng babae sa kili kili ni manong
fatness. At sa lakas ng pagkakapreno, ang jampack na pasehero ng dyip
ay pwede pa atang mag sakay ng dalawang butanding na katawan na
pasahero sa sobrang compress namin. kainis.

Tanghaling tapat. Late na ako sa subject na papasukan ko. Ang init na,
ang lagkit pa! Kaya ang pagdidikitan ng braso ko sa mukha ng katabi
ko ay ramdam mo na parang mala kalamay ang lagkit kapag pinaghihiwalay
niyo ito. YAK!

Bawat kanto yata panay nasusubsob kaming lahat pero buti nakahawak
na ko ng mahigpit sa kinakalawang na pipe na nakakabit sa ceiling ng
dyip. Mas lalong naging aware ako sa pagmamaneho ni Manong.
Gastog kasi magmaneho ng dyip nya eh.

Ganito kadalas ang byahe kapag  papasok sa skul noong nagaaral pa
ako sa UST. Ibat ibang drayber na ng dyip ang napagsasakyan ko,
karamihan doon ay reckless magmaneho. May mga tipong Schumacher
( formula 1 racer ) kung magpatakbo ng kanilang dyip. Humaharurot
sa tulin. WHOOOOSH!

Ang bilis! ang Saya! kapag male-late na naman ako sa klase ang sarap
ng mabilis pero di ko naisip ang safety kaya kitang-kita sa mata ng mga
kasabay kong mga pasahero ang takot sa tulin ng dyip.. lalo na ang
takot ng mga matatanda.

Ay! Anu ba yan! Maryosep!

Akala mo nakapanood sila ng horror movie sa dilat na dilat na mga
mata nila. Todo grip naman ang mga kapwa studyante, kulang na lang 
ay bangasin nila ang mga tubong hinawakan nila at ituhog sa ilong ni
manong drayber.

Basta driver... Sweet Lover

Nabasa kong sticker sa dibisyon na nakapagitan sa pasahero at driver's seat.
Sa loob loob ko.. " Lover ba yan??!" walang pagibig kasi kung magmaneho
itong si manong eh! Kaskasero at halos paliparin na niya ang sasakyan nya.
( Piloto ata tong si manong eh )

Walang bus-bus!
Walang trak-trak!
Walang pulis-pulis!

Ang sistemang nakikita ko sa pag ngiti niya sa bawat nalalampasan
at pagharurot ng gusgusing dyip niya. Natanong ko sa sarili ko. May
pamilya ba ito? Naisip ba niya o naimagine man lang halimbawa nakasakay
ang lahat ng mahal niya sa buhay sa pagharuriot ng dyip niya? Naimagine
din ba nya ang scenario kung makabangga siya ng tumatawid na bata, at
ang bata ay anak niya? Anong pagiingat ba mayroon silang mga may ego
na sila daw ang hari ng kalsada??

Man! Get a grip of yourself! Wag kang magmaneho na akala mo wala
nang bukas!

Through my self-observation lots of Filipio drivers out there are like one
of the Formula 1 Racers and this opinion came also from the racer itself
when he visited the Phillipines. Reckless driver have this psychological
problem. For pinoy drivers, the the traffic lights rules are mere suggestion
and they only follow rules if there is a traffic enforcer standing near the
intersection or in his post. For Pinoy driver the yellow light means
"hurry-up!" and if the enforcer is around, the yellow light then means to
"slow-down". You can also see the driver what kind of personality they
have through their performance in driving.

You will know the person if he cares for the people or to his family if he
drives with full safety and a law-abiding driver is surely cares for his passengers.
Madaling ma-predict sa ugali nila if may problema o totally wala silang pakialam.
Lahat makikita mo, for how he deals with life, and how essential it to them.
They really have to develop their driving or they should learned from the sticker
they put onto their window shield.. that says again :

Basta driver. Sweet Lover.

and

God bless our trip. Drive safely.


.........................................
.........................................

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help