mark david's posts with tag: books

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag books
Posted by mark david on Feb 8, '08 12:31 AM for everyone
Link: http://ronamil.wordpress.com/

....................................
....................................

kasama naming manunulat
na may utak na mulat.


..............................
..............................

Photobucket

...............................
...............................

Posted by mark david on Dec 16, '07 1:12 PM for everyone
Category:Books
Genre: Childrens Books
Author:IrisnGem Li
.....................................
.....................................


A young Ifugao boy dreamed of touching the sky. He would spend hours watching and pretending to catch the clouds that float by.

Were they really that far away?

................
................

isang batang nangarap maabot ang langit.
istoryang patungkol sa magandang likha ng tao.
ang Hagdan-hagdan Palayan.
Basahin nyo rin. Kung panong natuwa ako
Ganun din sana kayo.

dito mo basahin ang storya
the boy who touched heaven

.....................................
.....................................


Posted by mark david on Dec 11, '07 3:44 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
...............................................
...............................................



ang buong story ay mababasa sa bawat images... nasa loob
ang nakakaaliw na story ni Russell Molina.. isang kaibigan
na nagkainteres sa ilang mga guhit ko na trip ko din ang pag
gawa ng mga story niya. isa siyang malikhain at magaling.
Dahil sa galing niya nakatanggap na din siya ng maraming
parangal. isa siya sa mga manunulat sa Adarna Publshing.
Siya din ang gumawa ng storyang "Madyik silya ni titoy"


basahin nyu ang buong sulat sa bawat click mo sa images...

enjoy..

........................................
........................................

eto nga pala ung inemail niya sa akin. at natuwa ako at
nainspire sa pag encourage pa niya.

.......................

Hi Mark,

Here is one of the stories I was telling you about.
This is actually one of my earlier works. First
published in Junior Inquirer and was accompanied by an
illustration by May Tobias Papa. The story also won a
Salangga Writer's prize. Would love to upload the
story with your illustration. I will also attach a
link to your multiply if it's ok with you. Will also
wait for your portfolio. We need young blood in the
industry kaya dapat tuloy tuloy lang ng paglikha --
mapublish man o hindi, maisalibro man o hindi, wag
titigil sa malikhaing pagiisip.

Again thanks for showing interest and paglaruan mo na
lang ang kwento. Whatever you dish out is fine. Just
email me back jpegs of your masterpiece. Enjoy!

.....................

Maraming maraming salamat Mr. Russell Molina.

hehe sa uulitin po!


........................................
........................................


Posted by mark david on Dec 8, '07 2:26 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
.................................
.................................

try mo bumili.
komentuhan mo kung gusto mo.
nasa sa iyo kung magugustuhan mo.
pero kung may suggestion ka o
trip na ikomento sabihin mo na lang sa kanila.
nasa cover naman kung san ka magbibigay ng
mensahe sa kanila eh.

pero kung kaibigan kita...
susuportahan mo ko.

salamat sa iyo. minsan lang to.

hehe

..................................
..................................

Posted by mark david on Nov 11, '07 2:46 PM for everyone

............................................
............................................


HAHAHAHAHA!

tawa kasi ako ng tawa ng mabasa ko ito. matagal na kasi itong naka out
sa market. kelan lang din kasi ako nakabili nito. iba kasi itong graphic novel
na to sa dahilang hindi ito yung karaniwang mababasa mo na tagalog komiks
very witty nga ang pagkakagawa. (may mga ilang lines lang na sablay kung
sa isang batang mambabasa.) hindi dapat ito basahin ng mga bata edad
piso hanggang kinse pesos!

ang storya nya kasi ganito. teka... bago ko ituloy sa cover kasi makikita nyu
na parang si darna. mali kayo dyan! kasi sya si zsa zsa. oo..si zsazsa zaturnah!
hindi sya babae. nagtransform lang sya sa isang amazonang ganyan.
sa basic ng pag tranform nya eh wala nga itong pinagkaiba sa style ni darna.
na kakain ng bato..este! lulunok ng bato. at sisigaw ng...

"GUARD!" hehe hindi ito yun. ito lang yung madalas isigaw ng mga manager
sa mga grocery o matatas na kumpanya kapag may taong gusto nilang palabasin.

....sisiagaw ng "DAAAAAARNAH!"

pero ang ikinaiba ng komiks na ito e hindi yun ang isinisigaw nya kapag mag
papalit na sya ng kanyang anyo para mataglay ang kapangyarihan ng isang
malakas na babae. isang malakas na babae?
hindi kasi sya babae sa tunay na anyo nya. isa syang "chorva!"
bakla sya. na may sariling parlor sa probinsya. isang aksidente kasi ang nangyari.
may nalaglag kasi na malaking kakaibang anyo ng bato. (nakakadiri) ampanget
kasi ng hitsura. ang nakakatawa kasi yun yung kailangan nyang isubo at lunukin!
hahaha  matatawa ka sa hitsura ng pagkakadrawing ni carlos vergara!

may mga ilang istorya dito na as usual may kalaban. may alien. may mga bangkay
at maligno gaya nga ng kay darna. pero mabangis ang storya nya kasi sa mga
punchline at komeding eksena na pinakikita sa komiks na to. kung bibili kayo
neto di kayu manghihinayang kasi sulit. pasasayahin kayu ng mga astigin na mga
illustration ni carlos.

sa pagkakaalam ko isinadula na din ito sa entablado at may gumawa din ng
musical play neto na ipinalabas sa CCP. hindi naman siguro isasadula ito kung
hindi maganda ang story. hahaha sana makanuod ako ng play na ito kung
ibabalik nila. (naku wag lang isasa pelikula. at mala tsipipay na production
nanaman ang gagawin) kawawa naman ang storya. ito kasi ang mahirap sa ating
bansa e. we got the talents and we do have creative people sa bansang ito na
hinahayaan lang ng gobyerno na sa ibang bansa mag lingkod dahil sa kakulangan
ng suporta ng pamahalaan. Why they can't accept the fact na ang paligid ay isang
masterpiece. mula sa mga likha ng Dios hanggang sa kaloob na talento ng Dios
sa mga taong may malikhain sa larangan ng sining.

wala ito!

gaya nga ng sinasabi ko kanina...
ang storya nito eh punong puno ng aksyon at kadramahan ng isang bading!
hahahaha.... angkolet ng bading dito lalo na yung alalay niya sa parlor.

may mga bobong alien din na mga kababaihan din. napaka stupida! haha
ipinangalan pa sa mga ilang sikat na aktres dito sa pilipinas na talaga nga
namang old skul. haha

so ayun.. natuwa nanaman ako. nakapag share uli ako ng mga pampasaya
sa buhay.


"ZSAHZSAH!!!! pssssshhhhh...... kilabot na bakla ito!


....................................................
.................................................... 

Posted by mark david on Oct 13, '07 10:08 AM for everyone
..........................................
..........................................


Hataw!

Storya at illustration panalo na...
Sa mga children's book na gaya neto unang nakakaagaw
atensyon sa akin yung mga dibuhong kakaiba. Hindi common
 sa paningin ko. Weirdo kumbaga. Kadalasan kasing nakikita ko
sa ibat ibang mga illustration eh yung common na para sa akin
pero sa dagat ng mga illustration sa mga pambatang babasahin,
nangunguna sa listahan ko ang Adarna books! Oo ito nga.
Firstly, ito ay likha, sulat at dibuho ng mga pinoy. SALUDO! Karamihan
sa kanila ay mga freelancer. Since mas na aatract ako sa
mga ilustrasyon, eto ang bibigyan ko ng emphasis muna. hehehe.

Gaya ng aklat na ito na may guhit ni Marcus Nada.. Eto ang
una kong kita sa mga ilustrasyon nya pangalawa ang mga
kakaaliw na gallery nya sa deviantart account nya. Ang kanyang
mga ilustrasyon ay isang kakaiba, may kulet kung titingnan at
kakaaliw. Ang estilo nya kasi sa pagguhit mala drawing ng isang
bata. Ang kaibahan lang eh eto ay rak en rol sa dibuho!! astig.

Ang aklat na ito ay nag bigay inspirasyon na mag eksperimento
ng ibang mga estilo sa pag guhit. Isa ito sa mga naka trigger ng
creativity na hindi naka kahon. Ang aklat ay nagbibigay halaga
sa ating mga kapuwa na may kapansanan. (physically)
Nagsasabi rin ito ng kahalagahan ng pagkakaibigan. Sa kabila ng
pagkakaroon ni Titoy ng kapansanan di nawawala sa kanya
ang kasiyahan, ang paglalaro. ( ito yung kukurot sa puso. )
Kasi sa umpisa macurious ka kasi sa title ng aklat eh.

"Madyik silya ni Titoy? Bakit may madyik? Ano ba ang silya nya?"

Hehehe. Yun pala isang wheel-chair.

Hahaha. Ang likot nga ng imahinasyon ni itoy dito dahil marami
sila nalalakbay gamit ang silya nya.

Nalipad sa himpapawid.
Nakakasisid sa ilalim ng dagat.
At kung anu ano pang magagawa nito.

Pag malapit kana sa last part ng story.. Ayun..
Putol pala paa nya.
Isa lang kaibigan nya, na isa sa nagpapasaya sa kanya.
Hindi kasi sya pansin ng ibang bata sa park.

Ayun....Basta basta.... Maganda yung story at yung kwentu.
Isinulat ni Russel Molina. Isang talentadong writer. Marami
na rin naiuwi na parangal. Kaya matutuwa ka talaga sa
kwento niya at sa mga term na ginamit nya. Hahaha

As of now im in the mood to collect some of the Adarna books with
amazing and inspiring illustration. If you have a heart of a child like
me, i think you'll be checking one of this book. hehe.

Have a great day! n_n

...............................................................
...............................................................

Posted by mark david on Oct 6, '07 2:30 PM for everyone
.............................................
.............................................

etu yung isang libro na trip kong ma purchase. gawa ng Canvas. nakakaaliw kasi yung story pati illustration. isinulat ni FERNANDO ROSAL GONZALEZ at pinta ni Rodel Tapaya-Garcia.
nilalagay ko dito dagdag inspirasyon. para balik balikan ko. syempre para maalala ko rin na bibilhin ko ito.

enjoy reading.


“Ang Batang Maraming Bawal” is the winner of CANVAS’ second annual Romeo Forbes Children’s Storywriting Competition, and is a simple tale of innocent hope and imagination.

Written originally in Filipino, our biggest difficulty was the title, for which we could not find any appropriate translation.

Suggested English titles like “The Boy Who Couldn’t Do Much,” “The RX Kid,” “The Boy Who Couldn’t” or, what probably is the closest translation, “The Boy Who Wasn’t Allowed to Do a Lot of Things” – all couldn’t capture the spirit and humor of the original title.

In the end, we chose the easiest solution, which was to simply refuse to translate the title.




..............................................
..............................................


Kung ang ibang bata, takot sa ospital, ako yata, sa lahat ng mga bata
 ang maninibago sakaling lumipas ang isang buwan na hindi man lamang
 nakakadalaw sa aking doktor.

Kami raw ang mga batang sa pagkasilang pa lang ay mayroon ng mga
kapansanan. Sabi ng iba, kami raw ang mga tipo ng bata na kahit kailanman
ay hindi tatanda. Ang tawag nila sa akin, si Romeong Mapangarapin.
Mahilig daw kasi akong managinip nang gising.  At napansin din ng iba na
ilang buwan pa lang nang ipinanganak ako, parati na akong nagtututuro ng
mga bagay na kahit kailanman ay hindi ko maaabot.

Nawili akong pagmasdan mula sa ituktok ng bahay namin ang mga paisa-isang
lobong kumakawala sa tuwing may kaarawan sa kapitbahay. Nahilig din ako
sa pagtanaw sa mga ibon sa alapaap, sa mga paruparong tumatalon-talon
sa bawat bulaklak, at maging sa bahaghari.

Sa panaginip ko, parati akong lumilipad.
Kapag binabanggit ko ang mga ito kay Tatay, nangingiti lang siya sa akin.
“Mahilig ka kasing manood ng mga paborito mong superheroes sa TV,
” sinasabi niya. “Kaya dala mo hanggang sa panaginip ang paglipad tulad nila.”

Kapag nagigising na ako sa totoong mundo, pakiramdam ko’y muli na
namang mananaig ang kalungkutan, ang pakiramdam na ako’y nag-iisa
- malayo sa mga bata, malayo sa laro.

“Huwag kang lumabas ng bahay, Romeo.
Bawal sa iyo ang tumakbo at baka ikaw ay madapa.
Bawal sa iyo ang magalusan o masugatan.
Bawal sa iyo ang magkapasa.
Bawal sa iyo ang makipaglaro ng ball games dahil baka
matamaan ka kung hindi ng kalaro mo, ay ng bola…”

Kaya madalas, mas inaasam-asam ko ang bumalik na lang sa aking mundo
 ng mga pangarap. Sa mundong iyon, malaya kong nagagawa ang mga
bagay na kahit kailan ay hindi ko maisasakatuparan sa totoong mundo.

Isang araw, napag-isip ako.
Totoo kayang ang mundo’y para lang
Sa malalakas,
Sa magagaling,
Sa mabibilis,
Sa mahuhusay,
Sa mga maliliksi?

Buti na lamang at nandoon si Tatay para kausapin ako.
“Tandaan mo, anak. Hindi mo man magawa ang ibang bagay, hindi iyan
makasasagabal sa mga bagay na maaari mong gawin.  Nandito kami
ng nanay mo para suportahan ka.”

May kakayahan daw akong lumikha ng mga tula, isang bagay na
ikinatutuwa ng ilan kong mga guro sa paaralan.

    Saan nga ba pumupunta ang hangin
    Kung hindi sa mga awitin?
    Kahit pa ang mga daho’y nalalaglag
    Ang puno’y nananatiling matatag

“Saan mo hinuhugot ang mga katagang iyan, Romeo?” tanong minsan
sa akin ni Inay.
“Ginagaya ko lamang po si Balagtas!” biro ko sa kanya.

Mga aklat at babasahin ang malimit kong kasama. At pinuno ko ng mga
tula and mga kwaderno ko sa paaralan.

    Ang nais ko’y makasama kayo
    Para hindi na ako nag-iisa
    Pero naisip ko, bakit ba ang maya
    Lumayo ma’y bumabalik rin sa kanyang Ina?

“Makata ka talaga!” Tuwang-tuwa si Inay nang minsang mabasa
ang isinulat ko.
Niyakap niya ako. Ako na ang pumigil sa kanya.
“Inay, huwag masyadong mahigpit, at baka magkapasa ako!”

Isang gabi gumawa ako ng tula para sa aking mga magulang.

    Kung Bakit Espesyal Kayong Dalawa Sa Akin
    Ni Romeong Mapapangarapin
    Para kayong asukal sa matabang na kape
    Ang asin na pampalasa sa ulam na kare-kare
    Yelong pampalamig sa gulaman at sago
    Ang sari-saring ulam sa nag-iisang kaning ako!

“Ano bang gusto mo para sa iyong kaarawan?” Minsan ay nabanggit
sa akin ni Tatay.
“Gusto ko, ‘Tay, ng mga bagay na lumilipad – tulad ng lobo, ulap, ibon, o bahaghari…”
Dahil magaling na pintor si tatay, ngumiti na lang siya at sinimulang gumuhit
sa kanyang kuwadro.
Nang dumating ang aking kaarawan, masaya niyang ibinigay sa akin ang
kuwadro – buhay na buhay niyang iginuhit ang mga bagay na
paboritong-paborito ko: mga lobo, ulap, ibon, at iba pang mga bagay na lumilipad.

Kinagabihan, lubos ang kasiyahan ko nang ako’y makapanaginip na
ako daw ay nakasabit sa parachute at pirmeng tinatangay ng hangin
at hindi makalapag-lapag sa lupa.
“Paano kaya kung libutin ko ang buong Pilipinas sa loob ng isang araw?”
bulong ko sa sarili.
Wala na’ng kalarong mangangantiyaw sa akin. Walang mga nanunukso.
At higit sa lahat, wala nang bawal na maaari kong gawin.

Tila yata may nakarinig sa kahilingan kong mamasyal at libutin ang
buong Pilipinas sa loob ng isang araw.
Noong gabing iyon, ang dami kong narating.
Tangay-tangay ng higanteng parachute, nakita ko ang malawak na
Banaue Rice Terraces, ang Bulkang Mayon, at maging ang mayuming
Hundred Islands ng Pangasinan.

Masayang hinagod ng mga mata ko ang mga palayan sa Central Luzon,
ang mga makasaysayang simbahan sa Ilocos, at ang mga balyenang
lumulutang sa Donsol.

At kay haba-haba pala ng San Juanico Bridge na nagdurugtong sa
Samar at Leyte! Kay taas din ng Mt. Apo at kay rikit ng Pagsanjan Falls!

Nagising ako na kipkip sa dibdib ang kuwadro. Uhaw na uhaw akong
gumising at uminom agad ng isang basong tubig. Parang ang layo ng
napasyalan ko!
Sabi ni Tatay, mukhang masayang-masaya daw ako habang natutulog
dahil nakatodo ngiti raw ako.
“Tatay, napakaganda pala ng Pilipinas!”
“Talaga? Paano mo nasabi? Hindi ka pa naman nakakalayo dito sa
ating bayan ah?”
“Basta, sa mga panaginip ko, nakita kong na na napakaganda pala
ng bayan natin!”

“O, magbihis ka na. Lalakad na tayo.” Paalala ni Tatay.
Mayamaya lang ay pupunta muli kami sa doktor para sa aking
regular checkup.
At hindi na ako makapaghintay dahil ikukuwento ko sa aking doktor
at maging sa ilang kapwa ko pasyente ang nangyari sa aking masayang
paglalakbay!


http://canvas.ph/Ang_Batang_Maraming_Bawal.htm


............................................
............................................

Posted by mark david on Sep 13, '07 10:31 AM for everyone
..........................................
..........................................


yes im not that young to play some "dampa" or
"mataya taya" outside our house. im through
with all that stuff. but one thing remains in my heart
of a child is the love of reading children's book.
from some funny komiks ( na nawala na sa mga
kinokolekta ko ) to adarna books that im trying
collect one by one.

each of it have a unique and inspiring illustration
that im using as  for my reference.i do read all this
book pero una pa rin na nakakaagaw pansin para
sa akin yung mga humurous illustration ng mga
artist nila. second lang ang mga writings.. kasi i have
"lazy eyes" that my prof explains nung college, she
describes this if your eye dont get to use in reading
( parang tamad ka agad magbasa ng ilang minuto
lang ). peru im trying to learn how to get rid of it by
reading articles in newspaper, blogs of my friends,
articles of magazine that i compiled. most of it are art
magazines. para masanay. kaya nga lang kailangan
ko lang tyagain kahit minsan masakit na mata ko.

but this book of Adarna house "Tight Times" is one of
those children's book i compile in our shelves.  story that
includes of creativity. etu kasi ung pangunahing na
nagustuhan ku sa kanya eh. well drawn ng artist na si
sergio bumatay III and story by Jeanette Patindol. the story
begins with the poor family of mouse. inspite of their situation
they use skills and other talents not to be affected by tight times.
they enjoy, play, sing, draw, anything that makes their
family joyful. and with the illustration it was drawn by rough
pencil. galeng nga eh! madumi tignan yung illustration and
may pagka serious ang pagkaka texture unlike ng ibang
book na malinis ang drawing. it shows lang na parang
may pag ka guhit bata ang mga drawing. aliw. tulo laway
ko sa inggit. at sa idea na nag fit sa story.

this book is a grand winner of PBBY ( i forgot the meaning
of this acronym. ) Salanga prize and Alcala prize.
it is recommended for children ages 10-12.
hehehe peru i bought it because i feel that im just a  twelve.
kidding. i do like the illustration. kaya binili ko ito...to inspire
me to do those great ideas of mr.bumatay. iba kasi ang
feeling mag draw kapag may inspirasyon ka. maaaring
ibang illustration, pwedeng mga wordings or story, minsan
from lyrics of great singer and different music of bands
( specially instumental ) at mga images or pictures of places
and person you adore. marami eh na possible na makapag
trigger ng creativity. gaya ng buk na to. naalala ko tuloy
yung quote sa isang magazine na "When you talk about
what inspires you, your enthusiasm naturally shines through."

so facing the tight times challeges us to find out how
less can be more.

read some of their books as i enjoy it myself.


n_n


...............................................
...............................................


Posted by mark david on Aug 22, '07 2:27 AM for everyone
Start:     Aug 30, '07 6:00p
Location:     World Trade Center
....................................
....................................

Hi Peeps!

Topak humor magazine will be launched at
the Book Fair this August 30, 2007
Thursday 6 to 8PM at The World Trade
Center, Roxas Blvd.

Get to meet all your favorite comic book
creators, cartoonists, and writers!

The contributors who are included in the
first issue are:

Lyndon Gregorio
Ariel Atienza
Julius Villanueva
Jomike Tejido
Jonas Diego
Jerald Dorado
Stanley Chi
Jac Ting Lim
Bok Hong
Luwi Netro
Lyra Garcellano
Lico Reloj
Elbert Or
Ron Tan
Allen Geneta
Dominic Agsaway
Andrew Villar
Randy Valiente
Mark David See
Gerry Alanguilan
Dyords Javier
Reggie Manlungat
Amos Villar
Ralf

Pa-autograph kayo sa kanila he he he!

....................................
....................................

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...................................
...................................

Posted by mark david on Jul 7, '07 10:37 PM for everyone
Category:Books
Genre: Childrens Books
Author:Fernando Rosal Gonzalez
...................................
...................................


illustration by : Rodel Tapaya-Garcia


“Ang Batang Maraming Bawal” is the winner of CANVAS’ second annual Romeo Forbes Children’s Storywriting Competition, and is a simple tale of innocent hope and imagination.

Written originally in Filipino, our biggest difficulty was the title, for which we could not find any appropriate translation.

Suggested English titles like “The Boy Who Couldn’t Do Much,” “The RX Kid,” “The Boy Who Couldn’t” or, what probably is the closest translation, “The Boy Who Wasn’t Allowed to Do a Lot of Things” – all couldn’t capture the spirit and humor of the original title.

In the end, we chose the easiest solution, which was to simply refuse to translate the title.

....................................
....................................


Posted by mark david on Mar 30, '07 6:06 AM for everyone
Category:Books
Genre: Literature & Fiction
Author:Agay Llanera
story by Agay Llanera
illustration by Farley del Rosario


The story of "Sol" was a finalist in CANVAS' very first storywriting competition. Agay Llanera's lyrical and enchanting prose made it easy for CANVAS to decide on the story's publication as a children's book. The only challenge left was to find the appropriate artist to bring the tale to life, and Farley del Rosario was an inspired choice.

Their collaboration in this project again validates CANVAS' effort to encourage and foster a closer connection between art and literature, and in the process, to create meaningful opportunities for our country's young, and extremely talented writers and artists.

CANVAS is very proud to present "Sol," an original story of love, music and light.


Posted by mark david on Jan 2, '07 9:49 AM for everyone
Category:Books
Genre: Literature & Fiction
Author:Becky Bravo
story by Becky Bravo
illustration by Elmer Borlongan


“The Rocking Horse” is a collaboration of two of the best artistic and literary talents of the country -- Elmer Borlongan and Becky Bravo. It is the result of a unique creative process.
It all started with Elmer Borlongan's "The Rocking Horse." This painting was used as the inspiration in a widely publicized children's storywriting contest that received over 80 entries from Filipinos all over the world. This maiden competition, now renamed the Romeo Forbes Children's Storywriting Competition, was won by multiple Palanca Award winner Becky Bravo. Her winning story was, in turn, fully illustrated by Elmer Borlongan.


All of Elmer's paintings were showcased as a major solo exhibition in June 2006. The book will be co-published by CANVAS and UST Publishing House and will be launched in early October 2006. Proceeds from the sale of the artworks and books will be used to support the annual storywriting competition and other CANVAS initiatives to promote broader awareness, appreciation for, and access to Philippine art, culture and environment.


Posted by mark david on Jan 2, '07 1:47 AM for everyone
Link: http://www.canvas.ph

...........................................
...........................................


inspiring and very creative site.
spare-time reading

................................................
................................................

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

.................................................
.................................................

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help