mark david's posts with tag: bato sayo

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag bato sayo
Posted by mark david on Feb 5, '08 11:38 AM for everyone
...................................................
...................................................


sa mga nag daang mga araw, napapadalas akong gumuhit. Guhit na hindi mo makikita sa papel o sa isang stretched canvas man lang. Hindi  iginuguhit na gamit ang anumang lapis o pangkulay. Dibuhong isasagawa sa realidad. Realidad na kukulayan ng kilos at pag gawa. Ang dibuhong ito iginuhit lamang ng ISIP.

isip na lito, matiwasay at kung minsan wasak.

Dito ako humuhugot kadalasan ng mga buhay na panaginip o sitwasong maaaring maging inspirasyon sa pagpinta at pag guhit. Kaso lang di ito madalas. Kasi ang paminsan minsan ay nauuwi na lang sa pagiisip. Nagpapalutang lutang sa sariling mundong likha, na isinasaayos at isinasagawa sa pamamagitan nito. Problema ko lang kung pano ito gawing makatotohanan. Hindi naman lahat ng naiisip ko ay pwede nang gawing totoo. Mala pantasya kasi ito madalas. Na alam mo at alam ko na imposible sa mundo ng realidad. Na tipong tele pantasya sa telebisyon na napapa nuod mo, na isang bagay na ikinagigiliw ng mga kabataan. Kabataang musmos lumalabas sa kalye na walang syort at sumisigaw ng " ako kapten barbel!! tutuntukin kita! " at sasagot ang kalaro niyang naka sando at brip na tagaktak ang pawis at halimaw kung tumulo ang sipon, " sige lang! susumbung kita kay angkol ko. " ( uncle daw. )

Gaya rin naman ng mga palabas na dumedenggoy, maaliw ka lamang. Na ang isa dito ay ang karakter ng isang tao na makapag lakbay gamit ang isip na pumunta sa ibang panahon na mula sa panahon ng kasalukuyang hanggang sa panahon ng nakaraan o ng hinaharap. Teleportation kung tawagin ng mga intelektwal. Sa iskwater ang tawag
" Bshiing! nawala.. " ( hirap i-explain daw kasi )  At ano ba ang malay natin kung ang kinakausap na pala natin ay galing sa nakaraan eh wala naman pinagbago.. old school pa ren! third world! Basta dont talk to strangers.

Ang totoo hindi ko alam ang mga sinasabi ko dito pero ang alam ko nasa state ako ng papuntang "depression". Since tukoy ko naman ang problemang darating sa sarili ko hindi ko ito dapat i-entertain o alagaan man dahil ang resulta ay mas mabigat pa sa inaasahan ko.

Teka, kuha lang ako biskwit.


....................    ( binuksan ang wrapper. )
..... ( isang balot ng madyik pleyks )
.....
.....

yaaaan.... KRANCH.
nguya.

Kung itutuloy  ko kasi na manatiling depress, lalong lulutang ang isip ko na animoy blankong papel na pilit na gustung guhitan, na ang pangsulat mu naman ay pudpod o walang tinta na panulat. At ang tanging bumubulaga sa kokote mo ay ang sumisigaw na kaputian ng papel at sisilawin ka para di makudlitan man lang.

KRANCH. nguya.

May kinakaharap akong problema... ang isa dito ay ang sarili ko. Pangalawa, ay ang mga bagay sa paligid na umaapekto dito.

KRANCH. nguya.

At dahil di ko naman kailangan i-detalye ang mga ito. no need  na din para sabihin pa. Sa malamang hindi ikaw ang unang nakabalita sa problemang ito. Nasabi ko na rin ito sa maasahang kakilala. Tawagin na lamang natin siya sa pangalang  " Arimunding ".
Si Arimunding kasi...... wag na! di ko na lang i-describe sya sa inyo pero maasahan talaga siya. Hindi naman kasi siya lumeletra kapag mangangailangan ka ng payo sa kanya e. Na-e-explain niya through actions. Minsan nga naiisip ko kung isa siya sa mga X-men o Heroes na may angking talento at kakayahang.....

KRANCH. nguya.

.....mag solve ng mga problema sa paligid . Isang aringkingking lang lusaw na ang problema!

Hataw sa power yun kung tutuusin.. pero bomalabs.

Espesyal ang taong ito sa buhay ko. Pero wala itong kinalaman sa  ka-EMO-han ng pag ibig. Katangahan para dalhin ang usapang ito sa mala EMO-LASLAS-depression-type na usapan. Kung tutuusin masaya naman ako e. Siempre hindi dahil sa text message na natatanggap ko..tipong " ipasa mo ang MAHiWAGANG TEXT MESSAGE na ito sa SAMPU MONG  KAIBIGAN at ikaw ay pagkakalooban ng mala WOWOWEE na gantimpala!! "

ewan ko ba! ang daming tanga sa mundo na nauuto sa mga ganitong kabaduyan na gaya din ng chain-mail sa internet. WASAK!

Ubos na pala ang biskwit ko. ( sana gawin nilang LIMA ang biskwit next time. )

"HAHAHAHA Sabi nga... tawanan ang problema... " ito ang kanina lang nabanggit ng erpat ko sa akin habang naglalambing siya ng masahe. Sinabihan ko kasi sya na " Ngiti lang. "

Actually napawi ang iniisip kong problema nga e nang makita ko siyang ngumiti at tumawa. Kasi alam ko na mas mabigat ang dalahin nyang problema kaysa sa akin e.. ( kasama na ko sa problemang yun hehe ) Kung sa bagay.. kambal na nga daw talaga ng buhay na 'to ang problema. Kung pwede mo nga lang sana na i-utot ang problemang dala e tapos kusang hahalo na ito sa oxygen na nalalanghap natin at mawawala na lang ng bigla kung papaypayan. Eh di ang saya nun di ba!! Pero hindi ganoon e. Di bale.... pwede naman iguhit ko ang problema e. Una, iisipin tapos itatapon sa blangkong papel para maiguhit o maipinta.

IISIPIN AT SU-SOLUSYUNAN. madali lang di ba?

Pwede ring iisipin ang ngiti ni... ( 'nino? )

onalaps tsong! hataaw na ang araw ko non!

...............................................
...............................................

Posted by mark david on Dec 17, '07 9:17 PM for everyone
................................
................................


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

................................
................................

panahon ng kabatuhan at rakrakan...
saludo sa mga cebuano!

tanggalin ang sapatos
tas ang medyas
itadjak sa muka ng katabi mo


rakrakan na to!

................................
................................



First of Summer


Parked car
This night sky
Makes city lights shine like diamonds
our song plays on the radio.

We’re living it up
Make this night ours
We own the world
I wish this lasts forever
Alone with you tonight
Further in you feels so right.

We're giving it up and just a little more
This heartfelt leap I surrender
With arms raised tonight.

Drive me away
cuz the night just feels right
take me away with you tonight
anywhere with you.

Our song plays on…
Parked car, night sky
Alone with you tonight…



--ito ang isa paborito ko sa kanta nila. galeng!
.............................
.............................
first of summer embrace UrbanDub 
2 things  Urbandub 
When Heroes Die Embrace Urbandub 
The Arsonist Embrace Urbandub 
A City Of Sleeping Hearts Embrace Urbandub 
Alert The Armory Embrace Urbandub 
give (acoustic version)  Urbandub 
No Ordinary Love  Urbandub 
safety in numbers embrace UrbanDub 
frailty.  UrbanDub 
endless, a silent whisper  UrbanDub 

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help