Posted by mark david on Nov 11, '07 2:46 PM for everyone

............................................
............................................


HAHAHAHAHA!

tawa kasi ako ng tawa ng mabasa ko ito. matagal na kasi itong naka out
sa market. kelan lang din kasi ako nakabili nito. iba kasi itong graphic novel
na to sa dahilang hindi ito yung karaniwang mababasa mo na tagalog komiks
very witty nga ang pagkakagawa. (may mga ilang lines lang na sablay kung
sa isang batang mambabasa.) hindi dapat ito basahin ng mga bata edad
piso hanggang kinse pesos!

ang storya nya kasi ganito. teka... bago ko ituloy sa cover kasi makikita nyu
na parang si darna. mali kayo dyan! kasi sya si zsa zsa. oo..si zsazsa zaturnah!
hindi sya babae. nagtransform lang sya sa isang amazonang ganyan.
sa basic ng pag tranform nya eh wala nga itong pinagkaiba sa style ni darna.
na kakain ng bato..este! lulunok ng bato. at sisigaw ng...

"GUARD!" hehe hindi ito yun. ito lang yung madalas isigaw ng mga manager
sa mga grocery o matatas na kumpanya kapag may taong gusto nilang palabasin.

....sisiagaw ng "DAAAAAARNAH!"

pero ang ikinaiba ng komiks na ito e hindi yun ang isinisigaw nya kapag mag
papalit na sya ng kanyang anyo para mataglay ang kapangyarihan ng isang
malakas na babae. isang malakas na babae?
hindi kasi sya babae sa tunay na anyo nya. isa syang "chorva!"
bakla sya. na may sariling parlor sa probinsya. isang aksidente kasi ang nangyari.
may nalaglag kasi na malaking kakaibang anyo ng bato. (nakakadiri) ampanget
kasi ng hitsura. ang nakakatawa kasi yun yung kailangan nyang isubo at lunukin!
hahaha  matatawa ka sa hitsura ng pagkakadrawing ni carlos vergara!

may mga ilang istorya dito na as usual may kalaban. may alien. may mga bangkay
at maligno gaya nga ng kay darna. pero mabangis ang storya nya kasi sa mga
punchline at komeding eksena na pinakikita sa komiks na to. kung bibili kayo
neto di kayu manghihinayang kasi sulit. pasasayahin kayu ng mga astigin na mga
illustration ni carlos.

sa pagkakaalam ko isinadula na din ito sa entablado at may gumawa din ng
musical play neto na ipinalabas sa CCP. hindi naman siguro isasadula ito kung
hindi maganda ang story. hahaha sana makanuod ako ng play na ito kung
ibabalik nila. (naku wag lang isasa pelikula. at mala tsipipay na production
nanaman ang gagawin) kawawa naman ang storya. ito kasi ang mahirap sa ating
bansa e. we got the talents and we do have creative people sa bansang ito na
hinahayaan lang ng gobyerno na sa ibang bansa mag lingkod dahil sa kakulangan
ng suporta ng pamahalaan. Why they can't accept the fact na ang paligid ay isang
masterpiece. mula sa mga likha ng Dios hanggang sa kaloob na talento ng Dios
sa mga taong may malikhain sa larangan ng sining.

wala ito!

gaya nga ng sinasabi ko kanina...
ang storya nito eh punong puno ng aksyon at kadramahan ng isang bading!
hahahaha.... angkolet ng bading dito lalo na yung alalay niya sa parlor.

may mga bobong alien din na mga kababaihan din. napaka stupida! haha
ipinangalan pa sa mga ilang sikat na aktres dito sa pilipinas na talaga nga
namang old skul. haha

so ayun.. natuwa nanaman ako. nakapag share uli ako ng mga pampasaya
sa buhay.


"ZSAHZSAH!!!! pssssshhhhh...... kilabot na bakla ito!


....................................................
.................................................... 

25 CommentsChronological   Reverse   Threaded
exgangleader wrote on Nov 11, '07
"naku wag lang isasa pelikula. at mala tsipipay na production
nanaman ang gagawin"

diba na movie na?
xairoise wrote on Nov 11, '07
....I was browsing through the comic book sa national until I caught myself laughing out loud. Sobrang funny mas lalo na nung nagsasalita na sila ng english... At sobrang pathetic yung diction ni zsa zsa. Sobrang pang ookray lang grabe. I haven't bought the comic book yet. Nabasa ko siya nung time na walang wala akong pera.... pero It's really worth your while and your 250.00Php. Sila martin (friend namin ni CJ) din ang gumawa ng special effects nun sa "ze movie"... hahahahaha
seenag wrote on Nov 11, '07
"naku wag lang isasa pelikula. at mala tsipipay na production
nanaman ang gagawin"

diba na movie na?
hah?! naipalabas na ba? naku mukang kailangan ku masilip yun ah. thanks sa info bai!
stupid me!
tropasantropos wrote on Nov 11, '07
yup si zsa zsa padilla ang gumanap.
seenag wrote on Nov 11, '07
....I was browsing through the comic book sa national until I caught myself laughing out loud. Sobrang funny mas lalo na nung nagsasalita na sila ng english... At sobrang pathetic yung diction ni zsa zsa. Sobrang pang ookray lang grabe. I haven't bought the comic book yet. Nabasa ko siya nung time na walang wala akong pera.... pero It's really worth your while and your 250.00Php. Sila martin (friend namin ni CJ) din ang gumawa ng special effects nun sa "ze movie"... hahahahaha
hahaha lalo nga yung english! worth it nga ang php250.. magandang reference din kasi..
talagang kulelat ako sa balita.. martin? mukang nakita ku na nga siguru yun. sya ba yung nagpunta dito sa gallery? na naka dapa habang nag chess kyo? hehe
seenag wrote on Nov 11, '07
yup si zsa zsa padilla ang gumanap.
osha ba?? sino yung bading??
exgangleader wrote on Nov 11, '07
seenag said
osha ba?? sino yung bading??
krizetteyvillaneza wrote on Nov 12, '07
si fafa rustom ung bading..heheh mas maganda ung book kesa sa movie..lol ;P
seenag wrote on Nov 12, '07, edited on Nov 12, '07
si fafa rustom ung bading..heheh mas maganda ung book kesa sa movie..lol ;P
yak! parang mas ok pa ata ang play kesa sa movie eh.. mas bagay pa nga ata ke john lapus ung karakter eh.. kasi nakakatawa siya na prangka!

parang ikaw. :D
krizetteyvillaneza wrote on Nov 12, '07
oo nga my play pa.. too bad i missed it..

paranig ikaw?baka sayo pede ung role. watcha think? ;p
seenag wrote on Nov 12, '07
oo nga my play pa.. too bad i missed it..

paranig ikaw?baka sayo pede ung role. watcha think? ;p
pwede... acting lang naman e.


chorva.
shobelissima wrote on Nov 12, '07, edited on Nov 12, '07
hehe.. fave ko tong komiks na toh. gumugulong rin ako sa tawa nung nabasa ko toh.
astig daw ung play, eula valdez ba naman ung gumanap na zsa zsa zaturnah.
at sa sobrang galing niyang umarte, mismong anak niya tinanong siya ("are you gay mommy?")
kasabay rin nung ganda nung play, super din ung presyo kaya di ako nakapanood kahit nagkaroon ng 2nd batch nung play.
haaay... pero super sulit daw kasi kahit mahal, bukod sa maganda - binabati pa ung mga nanood isaisa bago magsiuwi. waaaaaa!!!!!!

bout naman dun sa movie... uhm.. no comment! hahaha.. alam mo na. :P
alme20 wrote on Nov 12, '07
nakakagulong nga sa sobrang katatawanan at hitik sa aksyon! carlo vergara ba naman e..wehehe..
exgangleader wrote on Nov 12, '07
i havent seen the movie, but im not pinning my hopes up on it. LOLZ
seenag wrote on Nov 12, '07
super din ung presyo kaya di ako nakapanood kahit nagkaroon ng 2nd batch nung play.
haaay... pero super sulit daw kasi kahit mahal, bukod sa maganda - binabati pa ung mga nanood isaisa bago magsiuwi. waaaaaa!!!!!!
haha super nga ang presyo!
binabati?? hahaha... ayus yun ah! parang nanawagan lang sa nawawalang mga kamag anaka na nasalanta ng bagyo. sha nga pala balitaan mokong kun may play uli ha (wag ng elementary play ha) na mura lang ang ticket.
seenag wrote on Nov 12, '07
alme20 said
nakakagulong nga sa sobrang katatawanan at hitik sa aksyon! carlo vergara ba naman e..wehehe..
oo.. hitik na hitik... stik na malagkit na nakaka adik.pipitik pitik sa ganda magpupumilit!
seenag wrote on Nov 12, '07
i havent seen the movie, but im not pinning my hopes up on it. LOLZ
i bet you would.. haha
shobelissima wrote on Nov 12, '07
hehehe.. sa natl bukstore mo binasa yan diba? hehehe..
seenag wrote on Nov 13, '07
hehehe.. sa natl bukstore mo binasa yan diba? hehehe..
indi bumili ako neto sa powerbooks... kasabay ng mga ilang adarna books ko. hehe astig to!
keies wrote on Nov 13, '07
ang ganda nito!!! :) kaso nabadtrip ako sa movie... huhu... :(
shobelissima wrote on Nov 13, '07
huwaw! yaman mo tsong.
lagi lang akong nakikibasa sa bukstore o sa kakilala. hehehe...
pati ung isa jan (alme20), pareho namin trabaho ang magbasa sa bukstore. hehehe.. mega upo pa kami, lalo na sa powerbooks, nakacarpet pa.
shobelissima wrote on Nov 13, '07
aw. ganon po kapalpak ung movie? haaay...
sana kasi ung recorded play na lang pinalabas. hehehe..
alme20 wrote on Nov 13, '07, edited on Nov 13, '07
huwaw! yaman mo tsong.
lagi lang akong nakikibasa sa bukstore o sa kakilala. hehehe...
pati ung isa jan (alme20), pareho namin trabaho ang magbasa sa bukstore. hehehe.. mega upo pa kami, lalo na sa powerbooks, nakacarpet pa.
hahaha!!..di naman ako masyadong ganon..yung iba naman, pagkatapos basahin tsaka ko bibilin..


para ipabasa naman sa iba..wehehe..
seenag wrote on Nov 13, '07
keies said
ang ganda nito!!! :) kaso nabadtrip ako sa movie... huhu... :(
ang ganda di ba! yung movie di ko pa nakikita ma'am! haha gustu ku mapanud yung play sana e. hehe
seenag wrote on Nov 13, '07
huwaw! yaman mo tsong.
oi! oi! oi! yaman ka jan... indi nuh.. inipon ku lang din to kasi maganda.. yung story pati yung doring.. sayang naman kun di ku sama sa collection di ba... n_n
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help